Rosalinda's POV.
Hindi katulad ng dati, nakahawak ako sa malamig na braso ni Rhean nang makapunta kami sa veranda para kumain ng hapunan.
Nagpalinga-linga pa ko sa paligid habang naghahanap ng bakanteng mauupuan sina Rhean at Eduard. Hinahanap ko kasi 'yong limang tao na nakilala ko rito nang iwanan ako ng dalawang kasama ko. Nang makahanap na sila ng upuan at naupo kaming tatlo ay hindi ko na napigilang tanungin ang aking kaibigan.
"Lahat ba ng taong tumutuloy sa mansion na ito ay nagtutungo rito kapag oras na ng kainan?"
Napalingon ang dalawa sa direksyon ko at halatang nagtataka sa aking katanungan. Gano'n pa man ay nakuha pa ring tumango sa akin ni Rhean.
"Bakit mo naman naitanong, Rosalinda?" nakangiting tanong din ni Rhean sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tawagin ako ni Rhean sa aking pangalan na walang 'binibini'.
"Wala naman. Noon kasing nawala kayo sa paningin ko at iwan n'yo ko ay may nakilala akong limang wirdo, pero hindi ko naman sila makita ngayon dito." Luminga-linga pa ko sa paligid para siguraduhing wala talaga ang lima ngayon dito sa veranda.
Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Dapat ko pa bang ikuwento sa kanila? Waah! Baka isipin nila na multo ang nakita ko at nababaliw na ko. Kinilabutan tuloy ako bigla sa naisip ko.
"Wirdo? Paano mo naman nasabing wirdo?" nagtatakang tanong ni Rhean sa akin.
Maging si Eduard na lagi walang pakialam ay nakatingin na rin sa direksiyon ko at tila naghihintay ng kasagutan. Dapat ko ba talagang sabihin sa kanila? Bumuntong hininga ako ng malalim. Bahala na nga!
"Wirdo kasi hindi sila katulad n'yo. Ang ibig kong sabihin ay para silang ako, marunong ngumiti at tumawa. Pagkatapos. . ." Sandali akong tumigil sa pananalita ko.
Hindi ko kasi alam kung dapat ko pa bang sabihin ang iba ko pang sasabihin dahil baka magkaroon sila ng idea tungkol sa pagkatao ko.
Teka. . . Ngayon na naisip ko ito. Hindi kaya mula rin sila sa panahong pinagmulan ko?
Bumuntong hininga ako ng malalim. Hindi naman siguro posible. Ngumiti ako sa dalawang kanina pa nakatitig sa akin at saka pinagpatuloy ang pananalita ko.
"Pagkatapos may taglay ring init ang balat nila katulad ko." Tumingin ako sa dalawa para malaman ang kanilang reaksiyon sa sinabi ko.
Napakunot ang noo ni Rhean at tila nagtataka habang si Eduard ay mahinang tumawa. Abnormal talaga ang isang 'to. Tatawa siya kung kailan walang nakakatawa. Hayaan na nga lang. Mabuti na 'yon at tumawa siya sa buhay niya ng isang beses. Tss.
"Alam mo, Binibining Rosalinda. Maaaring tama ka sa sinabi mo. Nasabi mo na may pagkakatulad kayo kaya malamang nga ay wirdo sila katulad mo." Pagkatapos magsalita ni Eduard ay bumalik na siya sa walang emosiyon niyang mukha.
Nagpantig ang dalawang tainga ko sa kaniyang tinuran. Magsasalita na sana ako para ipabawi ang lahat ng sinabi ni Eduard sa kaniya nang pare-pareho kaming natigilan dahil may bigla na lang lumitaw sa aming harapan at halos malaglag na kami sa aming inuupuan dahil sa gulat ng makita kung sino ito.
"Señora Anafe?" Sabay-sabay naming usal nina Rhean at Eduard.
Napansin naming natigilan ang lahat ng tao sa paligid at napalingon sa direksyon namin nang banggitin namin ang pangalan na 'yan. Ngumiti sa amin si Señora Anafe at tumingin sa akin.
"Maaari ba kong makisali sa inyong usapan?" tanong niya.
Naguguluhan man ay agad na kumuha ng upuan si Eduard sa iba pang bakanteng lamesa bago 'yon ibinigay kay Señora Anafe. Umupo si Señora sa pagitan ko at ni Eduard.
"Narinig ko ang iyong inusal, Binibining Rosalinda. Maaari ko bang itanong kung nalaman mo ang kanilang ngalan?"
Marahan akong tumango kay Señora Anafe kahit na hindi pa rin ako makapaniwala na katabi ko si Señora Anafe ngayon. Paano nagagawang saluhan sa habag-kainan ng isang Señora ang mga tauhan n'ya, hindi ba?
Waah! Higit pa roon, mukhang narinig n'ya ang sinabi ko kanina. Tiyak na patatalsikin na ko sa mundong ito kapag nalaman n'ya kung saan talaga ko nagmula.
Gusto ko na tuloy lumuha sa loob-loob ko habang iniisip ang bagay na 'yon.
"Sa pagkakaalam ko, Andrei Rosales ang isa sa kanila. Pagkatapos-"
"Kung gano'n, Binibini. Maaari mo bang ipagbigay-alam sa akin kapag nakita mo sila? Ang katulad nila ang dapat mong nilalayuan, Binibining Rosalinda sapagkat sila ay lubos na makasalanan at mapanganib."
Nagtatalo man ang aking sistema at naguguluhan ay tumango na lang ako kay Señora Anafe.
"Mabuti. Ako ay aalis na. Nawa'y masiyahan kayo sa inyong pagkain." Muli siyang ngumiti sa amin bago tumayo at tuluyang umalis sa veranda.
Tumingin ako kay Rhean, pero nagkibit-balikat lang siya sa akin. Naiwan tuloy akong iniisip ang mga salitang binigkas ni Señora Anafe. Nang may mapagtanto ako ay biglang nanlaki ang mata ko.
Hindi kaya mga takas sila sa kulungan at nagtatago ngayon? Mapanganib nga sila!
*
Tumayo ako at tumabi kay Rhean na nakaupo sa kaniyang kama. Hinawakan ko ang palad n'ya at tiningnan siya sa kaniyang mata.
"May problema ba, Rhean?" Nakita ko ang pag-iwas ng tingin sa akin ni Rhean dahil sa tanong ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng pangamba para sa kanya.
Nandito kaming tatlo ngayon sa aming kuwarto at kakarating lang naming galing sa veranda.
Katulad ng dati ay dumiretso si Eduard sa kaniyang kama, pero alam kong natigilan din siya ng bigla na lamang tumakbo si Rhean patungo sa lababo at sumuka ng kung ano. Dahil sa gulat ay hindi ako nakasunod kay Rhean at natingnan kung ano ang nangyari sa kaniya.
Itong mga nakaraang araw ay napansin ko rin na mas madalas ang pagtahimik ni Rhean kaysa kay Eduard. Ngayon, ang pag-iwas n'ya ng tingin sa akin kanina ang mas nagpalakas pa sa loob ko na may tinatago nga siya sa akin.
Hindi kaya may ginawang kasalanan sa loob ng mansion si Rhean at ayaw n'ya itong ipagbigay-alam sa iba? Kaya ba nagkibit-balikat lamang siya kanina ng lingunin ko siya pagkaalis ni Señora?
Hala! Ano naman kaya 'yon?
Natigil ako sa pag-iisip nang lingunin ako ni Rhean at tinitigan ako sa aking mata habang palapit siya sa aking direksiyon.
"Huwag kang mag-alala, Rosalinda. Ayos lamang ako." Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.
Ngumiti na rin ako sa kaniya pabalik kahit na ngayon ko lamang nakita ang gano'ng klase ng kaniyang ngiti. Isang misteryosong ngiti.
Ayos lang kaya talaga siya?
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...