Kabanata 50

18 3 0
                                    

ROSALINDA

"Ang ibig kong sabihin, akala ko ikaw ang dahilan kung bakit nahuli tayo ng mga guwardiya civil pero hindi pala."

Natigilan ako sa sinabi ni JR. Hindi ko akalain na pareho pala kami ng iniisip nang panahon na 'yon.

"Me too. Akala ko ikaw ang traydor sa grupo."

Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko dahil nasabi ko na rin kay JR ang bagay na 'to. Gumaan ang loob ko dahil nalaman ko na hindi siya ang klase ng tao na iniisip ko noon. Hindi ko namalayang napangiti na pala ko, pero agad din iyong naglaho nang maalala ko ang sugat sa mukha at katawan ni JR.

"Saan galing 'yan?" Tinuro ko ang mga sugat niya sabay lingon sa harapan namin.

Gusto kong libangin ang sarili ko upang mawala ang takot na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko ay hindi pa ko nakasakay sa isang track na maaaring magbiyahe sa himpapawid. Pakiramdam ko nga ay malalaglag kami sa oras na magkamali sa pagmaneho si JR. Sa tingin ko, naging posible ang pagbiyahe namin sa himpapawid dahil sa riles na aming dinadaanan.

"Ito ba? Wala ito. Sinaktan lang ako ng konti ng mga guwardiya civil na kumuha sa akin pagkadating namin sa mansion. Balak na nga yata nila kong patayin. Buti na lang at dumating sina Sierge at Denny."

Bigla akong natahimik nang maalala ang mga kaibigan na iniwan namin sa lugar na 'yon.

"Sa tingin mo ba ay magagawa na na 'tin ng maayos ang plano?"

Lumingon sa akin si JR. Ngumiti siya sa akin bago muling ibinaling ang paningin niya sa daan.

"Sigurado ako na magagawa mo. May tiwala sila sa 'yo, hindi ba?"

Gusto kong umiyak sa sinabi ni JR, pero pinili kong pigilin ang luha ko. Gusto kong matupad ang mission ko.

"Rosalinda. . ."

Lumingon ako kay JR nang tawagin niya ang pangalan ko. May kinuha siyang bagay sa ilalim ng manubela at nang mailabas niya ito ay bumungad sa akin ang dalawang baril na katulad ng hawak ng mga guwardiya civil.

"Alam kong hindi ka pa nakakahawak nito at hindi mo pa nalalaman kung paano ito gamitin, pero kailangan mong hawakan ito at makiramdam sa likuran na 'tin. Pareho na 'ting nais na matupad ang mission mo at nais ng gobyerno na burahin sa mundo ang mga kagaya na 'tin. Kaya ngayon pa lang ay asahan mo na na maaaring may mga guwardiya civil na nakasunod sa atin."

Kinabahan ako nang maunawaan ang pinahayag ni JR. Kaya kahit labag man sa loob ko ay kinuha ko sa kaniya ang mga high technology na baril.

"Siguro ay wala sila rito sa himpapawid. Nag-aabang siguro sila sa pagbaba na 'tin sa lupa at pagsisid sa ilalim ng karagatan. Kaya ngayon pa lang ay humanda ka na. Gagawin na 'tin ang lahat para maibalik kita sa panahon mo."

Isang tango lang ang naging tugon ko kay JR. Para magamit ang time machine ay kailangan pa naming bumalik sa hideout nila. Nang mag-focus si JR sa daan ay hindi na ulit kami nag-usap pa.

Pareho naming batid na kasabay ng pag-alis ko sa mundong ito ay hindi ko na ulit sila masisilayan pa.

Bumalik sa alaala ko ang imahe ng mga taong nakilala ko sa mundong ito. Hindi naging maganda sa simula pa lang ang sitwasyon nanffg makilala ko sila, pero hindi sila kailanman nawala sa puso ko dahil tinuruan nila ko ng isang importanteng bagay sa mundo.

"Bababa na tayo, Rosalinda. Humanda ka." Maingat na hinawakan ni JR ang preno ng track.

Napakapit ako ng mahigpit sa aking seatbelt nang dire-diretsong bumaba ang sinasakyan namin. May lumabas na hologram sa aming harapan at nakatulong ito para makita ko ang harap, likod at magkabilang gilid ng aming track.

Kumunot ang noo ko dahil wala ni isang sumalubong sa amin. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Naging tahimik ang biyahe namin sa lupa, pero pareho kaming nakahanda ni JR sa maaaring bumulaga sa amin. Inabot ng dalawang oras ang naging biyahe namin bago masilayan ang karagatan.

Huminto kami sandali sa pag-andar. Nakabantay lang ako sa hologram hawak ang baril na binigay sa akin ni JR habang siya ay may kung anong pinipindot sa harapan ng track.

Humawak ako ng mahigpit sa upuan ko nang lumundag-lundag ang loob ng sinasakyan namin.

"Don't worry. Nag-iiba lang ang hugis ng sasakyan."

Tumango ako kay JR. Nang huminto sa paglundag ang sinasakyan namin ay pinaandar na ulit ni JR ang makina ng sasakyan.

Bumulusok kami sa ilalim ng karagatan. Sa una ay kinabahan ako dahil baka pasukin kami ng tubig sa loob, pero nakahinga rin ako ng maluwag nang maging normal ang lahat.

Lumingon ako kay JR nang mapansin ang pagiging tahimik niya. Nakatingin siya sa hologram. Ibinaling ko rin dito ang paningin ko at nabigla ako sa aking nakita. Ang kulay na dagat na dati ay kulay asul, ngayon ay kulay pula.

Huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob ko. "Kahit anong mangyari, diretso tayo sa kinalalagyan ng time machine."

Tumango sa akin si JR. Nagpatuloy ang aming pagbiyahe. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang bigla namang umuga ang sinasakyan namin. Nagkaroon din ng ilang mal-functions ang ilang parts ng sasakyan. Kumislap-kislap ang hologram na nasa harapan naming dalawa.

"Sa palagay ko, dahil hindi nila alam kung paano makapunta rito ay naghahagis na lamang sila ng bomba mula sa himpapawid."

Hinawakan ko ng mahigpit ang battery na hawak ko nang bigla naman kaming lumiko ni JR. Pakiramdam ko ay nasa maze kami at sa isang maling liko namin ay maaaring matapos ang mission na iniingatan namin.

Ilang oras pa ang nakalipas bago huminto ang sinasakyan namin. Bago kami bumaba ng sasakyan ni JR ay pinasuot niya muna sa akin ang helmet at damit na sinusuot lamang dito sa karagatan. Pagkatapos ay may pinindot na button si JR at biglang naglaho ang aming sasakyan. Tahimik kaming pumasok sa loob ng hideout.

Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni JR nang makita namin ang mga nakakalat na gamit pagkapasok sa loob.

Nakakapagtaka lang dahil wala pa rin kaming guwardiya civil na makita. Dumiretso kami sa basement ng hideout kung nasaan nakatago ang time machine.

"Hindi na nakakapagtaka na wala tayong masilayang kalaban dito. Ginawa namin ang lugar na 'to para hindi madaling mapasok ng ibang tao kung hindi sila magsusuot ng damit ng katulad sa atin. Tanging armas lang ang maaari nilang ilagay sa unahan ng hideout."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni JR. Mabuti naman. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko nang ilagay na ni JR ang battery na hawak ko sa time machine. Pinatayo niya ko sa harapan ng makina at nagtungo siya sa kontrol nito.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tahimik lang akong nakatitig kay JR habang sinasaulo ang kabuuan niya.

Sa rami ng naging kaibigan ko sa panahon na ito ay siya lang ang nanatiling nakatayo sa harapan ko. Naging maikli at marahas ang mga panahon na kami ay magkasama at kung magkakaroon man ako ng pagkakataon ay nanaisin kong hilingin na sana ay mas makilala ko pa siya.

Nagsalubong ang aming paningin at sa pagkakataon na 'yon ay ngumiti siya sa akin.

"Rosalinda, ang babaeng nakita mo ay si Rosalyn. Si Rosalyn ay iyong kadugo na siyang babaeng minamahal ko sa panahong ito."

Parang hinigop ako ng kawalan pagkatapos marinig ang tinig ni JR.

After hearing those words, hindi ko na ulit narinig pa ang tinig niya sapagkat ako ay bumalik na sa panahon kung saan ang katulad niya ay malabo ko nang makita pa.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon