Rosalinda's POV.
Hindi ko mapigilang matawa habang pinagmamasdan ko si Rhean. Tawa pa rin ako ng tawa habang hawak ang aking tiyan na med'yo sumasakit na.
"Ang sama mo talaga, Rosalinda. Paano mo nagawang iutos sa akin ito," nakasimangot na usal ni Rhean habang nasayaw pa rin ng budots.
Tama, 'yong budots nga na kilala pa rin sa panahong twenty-twenty ang sinasayaw niya. Paano ko napasayaw sa kaniya? Ganito kasi 'yan. Naisipan kasi naming maglaro ni Rhean dito sa loob ng kuwarto ng jack 'n poy dahil wala naman kaming trabaho ngayon. Bale pahinga namin ngayong araw bukod sa oras ng pamamahinga na sinasabi nila.
Kanina pa kami nagkakatuwaan ni Rhean sa larong ito, pero nakakainis lang dahil hindi man lang naisip ni Eduard na sumali sa amin kahit ilang beses na namin siyang niyaya. Maghapon lang siyang nakaupo sa kaniyang kama at paminsan-minsan ay walang expression siyang nanonood sa amin ni Rhean.
Ang KJ talaga ng lalakeng 'yon at higit sa lahat ay napaka tigas ng puso niya. Hanggang ngayon ay pinagbabantaan niya pa rin kami ni Rhean. Tss.
Balik tayo sa laro. Kung sino man ang matalo ay s'yempre may kalakip na parusa. Ano pa bang usong parusa sa bawat laro? S'yempre ang 'Truth' or 'Dare' o 'Katotohanan' o 'Utos' sa tagalog. Nakakatawa dahil madalas matalo si Rhean sa laro kaya siya ang laging napaparusahan. Lagi pa siyang 'Dare' kapag natatalo kaya mas lalo akong ginaganahan maglaro.
Pagkatapos magsayaw ni Rhean ay umupo siya sa aking tabi na namumula pa ang kaniyang dalawang pisngi dahil sa hiya. Nalaman niya ang sayaw na budots dahil tinuro ko sa kaniya kung paano. Tumatawa pa nga siya kanina nang ako 'yong sumasayaw, pero nang malaman niya na ipapagawa ko rin 'yon sa kaniya ay bigla siyang namutla. Nakakatawa talaga 'yong hitsura niya kanina.
Kung dala ko ang cellphone ko mula sa panahong twenty-twenty ay baka nakuhanan ko na siya ng video. Ngayon ko lang din naalala at napansin na hindi pala gumagamit ang mga tao ng cellphone sa panahon ngayon. Kung mayroon man akong nakita na maaari nilang magamit para sa pagkomunikasyon, ito ay telepono mula sa opisina ni Señora Anafe na nakapatong sa kanyang lamesa. 'Yon lang at wala na kong nakitang iba.
Kahit papaano pala ay may maganda akong matutuklasan sa panahong ito. Sila sa mga taong namumunay sa taong thirty-one hundred, nakakaya nilang mamuhay ng simple, pero wala nga lang pag-ibig. Kung namumuhay sila sa panahong twenty-twenty, baka bored na bored na sila sa kanilang buhay dahil walang cellphone na lilibangin sila.
"Ayaw ko ng maglaro, Rosalinda. Bukod sa napapagod na ko ay tama na ang kahihiyang ginawa ko ngayong araw." Lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng masama bago ako inirapan habang nakanguso siya.
Natawa ako sa ginawa niya. Niyakap ko siya bago sinandal ang aking ulo sa balikat niya. Dito nga pala kami nakaupo ngayon sa bakanteng kama kaharap ang nakahalumbaba at nakatulalang si Eduard.
"Natuwa ka rin naman sa ginawa na 'tin, 'di ba? Kaya wala kang dapat pagsisihan sa ginawa na 'tin ngayong araw," nakangiti kong pahayag sa kaniya.
Naalala ko bigla ang mga naging kaibigan ko sa taong twenty-twenty. Napaka saya nilang kasama at hindi lumilipas ang araw na nagiging masaya ang araw ko dahil sa kanila. Kaya lang, isang araw ay bigla na lang nagbago ang ikot ng mundo.
Wala na nga sigurong mas sasaya pa sa araw na ito. Ito kasi ang unang anniversary namin ni Marky bilang mag-boyfriend at girlfriend. Sobrang excited na kong ibigay sa kaniya ang regalo ko na talagang pinag-ipunan ko para sa kaniya. Dumaan ako sa administration building para makapunta sa lugar na pinagtatambayan namin ni Marky. Sa lost garden. Kung saan nandoon ang iba't-ibang uri ng halaman at bulaklak.
Tumungo pa ko habang naglalakad sa Ad building dahil baka mautusan pa ko ng prof namin. Nang makarating sa Lost Garden, agad kong nakita si Marky, pero. . . may kasama siyang babae. Hindi lang 'yon, naghahalikan pa sila.
Parang biglang gumuho ang mundo ko at wala akong nagawa kundi mapatalikod na lang habang umiiyak. Napahinto ako sa Ad building ng tawagin ako ng prof ko. Lumapit ako sa kaniya ng nakatungo dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak at tanungin pa ko tungkol doon.
"Ms Delfin, maaari mo bang ipaliwanag kung bakit hindi ka nagawa at nagpapasa ng mga pinapagawa kong activities sa klase?"
Hindi ako sumagot at nanatili lamang nakatungo dahil patuloy pa rin sa pagbagsak ang luha ko.
"Hindi ka sasagot? O, sige. Madali akong kausap. Huwag ka nang umasa na papasa ka sa subject na hawak ko." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay narinig ko na ang mga yabag niya papalayo.
Mas lalo akong napaluha. May ikasasama pa ba ang araw na ito? Nagtungo ako sa library para pakalmahin ang sarili ko. Hanggang sa naisipan kong magtungo sa rooftop, sa tambayan ng aming barkada. Wala namang klase ngayon dahil Valentines Day. Nadatnan ko ang buong barkada sa rooftop kasama na rin si Jessy. Ang kaibigan kong kahalikan ni Marky kani-kanina lang.
Natigil sila sa pagtatawanan nang makita ako.
"Nandito na pala si Rosalinda. Halika na rito."
Hindi ko na pinansin ang sinabi ng bakla na si Jericho. Biglang nagdilim ang paningin ko. Dumiretso ako kay Jessy at bigla siyang sinabunutan.
"Hayop! Ahas!"
Napatayo ang lahat ng barkada at inilayo ako kay Jessy na ngayon ay lumuluha.
"Ano ba, Rosalinda? Kailan ka pa natutong manakit ng kaibigan?" galit na tanong sa akin ni Belle.
"Kailan ba ko naging masama sa inyo ha? Kay Jessy? Para ganituhin niya ko?" umiiyak na tanong ko pabalik sa kanila.
"Ikaw pa talaga ang may ganang umiyak? ikaw na nga ang nanabunot. Lumayas ka na rito at wala kaming kaibigan na katulad mo!"
Narindi ang lahat sa sigaw ni Janeah.
Tinitigan ko muna sila na may panghihinayang bago naglakad at umalis sa rooftop.
Hindi ko akalain na iiwan nila ko nang hindi nalalaman ang kuwento ko. Habang bumaba ako ng rooftop ay para akong nanghina. Hindi ko na yata kakayanin pang magmahal kung may mananakit pa sa akin ngayong araw.
"Ayos ka lang ba, Rosalinda?" Nakita ko ang pag-aalala sa pagmumukha ni Rhean.
Hinawakan niya ang pisngi ko at doon ko lang napansin na lumuluha na pala ko. Isang ngiti ang binigay ko sa kaniya.
"Pag-ibig o buhay mo. Sabihin mo, Rhean. Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O pag-ibig, pero walang buhay?"
Napansin kong natigilan si Rhean sa tanong ko, pero pagkalaan ay nakangiti siyang sumagot sa akin.
"Hindi, Rosalinda. Dahil katulad nga ng lagi mong sinasabi, ang buhay at pag-ibig ay magkasama na sa mundo noon pa man."
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...