ROSALINDA
Pagmulat ko ng aking mga mata ay habol-habol ko ang aking hininga. Umupo ako at saka sunod-sunod na huminga ng malalim.
Inilibot ko ang paningin ko sa aking paligid at nagsalubong ang dalawang kilay ko nang mapansin na nasa hospital ako ngayon.
Bumukas ang pintuan ng kuwarto na hinihigaan ko at sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko, professor, ang aking ina at pati na rin ang lalakeng unang nagpatibok ng puso ko.
Tila ilang dekada na ang lumipas nang huli ko silang makita.
Anong ginagawa nila rito? Hindi, mali. Anong ginagawa ko sa hospital?
Napatitig ako sa dextrose na nakatusok sa kanang kamay ko at napahawak ako sa aking ulo na naka-bandage pala.
"Oh-my-gee! Si Rosalinda, gising na siya!"
Muli akong tumingin sa mga kaibigan ko dahil sa pagtili ng bakla kong kaibigan na si Jericho. Lumapit sila sa akin at lumuluha nila kong tinitigan. Napahawak na rin ako sa pisngi ko nang may pumatak na luha sa aking palad.
"Rosalinda, pagkatapos mong mabagsakan ng bakal sa construction site ay ilang buwan kang nasa state of comma. Buti at nagising ka na."
Nagbalik sa aking isipan ang lahat ng nangyari at nalinawan ang isipan ko.
"Napadaan lang ako rito, Ms Delfin. You need not to worry dahil excempted ka na sa lahat ng school works. Laban lang. Magpagaling ka. Goodbye." Ngumiti sa akin ang professor ko at tinapik ang balikat ko. Pagkatapos ay dire-diretso na siyang lumabas.
Napahagulgol ako bigla ng iyak. Nagtaka ang mga kasama ko, pero wala na kong pakialam.
Iniwan ko ang mga tao sa mundo ng thirty one hundred years. Iniwan ko ang mga tao na minsan nang naging bahagi ng buhay ko. . .
Niyakap ako ng mga kaibigan ko at humingi sila ng tawad sa akin. Pagkatapos ay umiiyak akong hinarap ni Marky at Jessy.
"Rosalinda, I'm sorry. The truth is hindi si Marky ang kasama ko nang makita mo kong may kahalikan. It was Maky's twin brother. I'm sorry." Humagulgol sa harapan ko si Jessy at niyakap din ako.
Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Masaya ako sa lahat ng nalaman ko, pero hindi ko pa rin matanggap ang pamamaalam na naganap sa mundong minsan ko ng niyakap.
"Si. . . JR, Sierge, Andrei, Denny, Eazel, Rhean at Edward. Tinuruan nila ko. Pinakita nila ang halaga ng pag-ibig sa mundo," umiiyak ko na lamang na bulong sa hangin.
Pinagmasdan ko ang aking kasuotan. Mas lalo akong nakaramdam ng kalungkutan dahil kahit isang bakas ay wala akong nadalang ebidensiya ng hinaharap. Maging ang panyo na bigay ni Rhean na pinangako kong aking iingatan ay wala.
2 years later. . .
Napangiti ako nang masilayan ang masasayang imahe nina Rhean, Edward, Eazel, Denny, Andrei, Sierge, at JR kasama ang mga mahal nila sa buhay. Maging ang malabong imahe ni Rosalyn ay nakita ko.
Lumingon silang lahat sa akin.
"Maraming salamat, Rosalinda Delfin."
Sikat ng araw ang gumising sa aking pagkakahimbing. Napilitan akong bumangon dahil naalala ko na ngayon nga pala ang date namin ni Marky. Nagbihis ako at nag-ayos. Pagkatapos ay nagtungo ako sa garahe upang kuhanin ang aking kotse. I check my phone at hindi na ko nagulat ng mabasa ang text nito.
Good morning, my princess.
Katulad ng aking nakagawian ay pinili kong dumaan sa tindahan ng mga libro upang masilayan ang aking akda na hanggang ngayon ay nasa top best seller pa rin.
Don't Love ang pamagat ng libro ko at ito ay tungkol sa mga bagay na personal kong naranasan sa hinaharap. Ginawa ko ito para hindi makalimot ang mga tao na gawin pa rin ang tama sa mundo. Upang hindi makalimot ang mga tao na patuloy na magmahal.
Why do we need to fall inlove?
I already have the answer for that question. We don't need to fall inlove because love is a fact. We can't avoid it and whatever happen to our world, the love will never vanish.
Nakangiti akong nakarating sa dating place namin ni Marky. Nag-message ako sa iba pa naming barkada, pero mukhang busy na sila dahil sa kaniya-kaniyang trabaho, pero binati pa rin nila kami.
Kumaway sa akin si Marky at nang makalapit ako sa kaniya ay agad niya kong hinalikan sa aking noo.
"I decided. March 14, 2023 ang wedding na 'tin." I happily stated.
That's the exact month and date nang makapunta ako sa hinaharap.
"That's great. Masaya ako dahil next year ay mahaharap ko na ang babaeng mahal ko sa altar."
Lumuha sa harapan ko si Marky at nadurog sa saya ang puso ko nang makita ko iyon.
I love him. . . and I never stop to love him more.
Sa ginawa kong hakbang para mabago ang hinaharap ay hangad ko na mabago rin ang pamumuhay ng mga tao na nakilala ko roon. Wala akong pinagsabihan tungkol sa pag-travel ko sa hinaharap at balak kong itago ang bagay na 'yon bilang pinaka mahalaga kong kayamanan.
May nadala pala kong ebidensiya galing sa thirty one hundred years.
Ang memories
Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay wala na kong hihilingin pa kundi ang kaligayahan ng mga taong nasa puso ko hanggang ngayon.
Pero. . .
Sa patuloy ng pagbabago ng hinaharap, maaalala pa kaya ng mga taong 'yon na may nakilala silang katulad ko?
Napangiti ako sa naisip.
Ako si Rosalinda Delfin. Sa wakas ay nakabalik sa panahong twenty-twenty at patuloy namumuhay bilang boses at panaghoy ng hinaharap habang dala-dala ang kanilang alaala kahit pa ako mismo ay makalimutan nila.
"Marky, hangad ko ang kasiyahan at payapang pamumuhay ng ating magiging anak."
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...