ROSALINDA
Kailangan pa yatang umusok ang dalawang butas ng ilong ko para malaman ni JR na kanina pa ko naaasar sa kaniya.
Kanina pa kami naglilibot dito sa tinatawag na center ng China, pero hindi pa rin kami nagpapahinga o humihinto sa paglalakad. Ang nakakaasar pa ay parang walang kasama sa paglalakad si JR dahil hindi man lang niya ko sinasabayan sa paglalakad.
"Ano ba, JR? Hindi ako isang aso para sumunod lang sa 'yo buong maghapon, okay?"
Ang mahirap ay parang wala akong kausap. Kanina pa ko nagsasalita, pero hindi niya ko sinasagot. Namalayan ko na lang na huminto si JR sa paglalakad at sa paghinto niya ay bumangga ako sa likuran niya.
"Sshh. Lower your voice. Paano kung may makarinig sa 'yo?" Humarap siya sa akin at kunot-noo akong tinitigan.
Tumingin ako sa paligid para alamin kung may nakarinig na nga ba ng boses ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makumpirma kong wala naman.
"Okay. Hihinaan ko na ang boses ko, pero sagutin mo kaya ang tanong ko para manahimik na ko."
"You said, you're hungry. Ayaw mo ba kumain? Gan'yan ba ang gutom? Ang dami-dami pang laway na lumalabas sa bibig mo."
"What?" Nagpamewang at nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit ba kasi hindi mo sinabi kaagad? At kung tutulungan mo ko, bakit nang-aasar ka pa?" Umirap ako sa kaniya at nauna nang naglakad.
Bahala na kung saan ako mapadpad. Hindi ko maiwasang sumimangot ng husto lalo na at nararamdaman ko ang pananakit ng mga paa ko. Uhaw na uhaw na ko dahil sa init na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay puno na ng paltos ang paa ko dahil sa kakalakad.
Samantala, natigil ako sa paglalakad nang bigla akong kargahin na parang sako ni JR na nakahabol na pala sa paglalakad ko.
"Ano ba? Bitiwan mo nga ko. Ibaba mo ko!"
"Tss. Hindi ka magaan kaya tumahimik ka na lang d'yan."
Pinalo ko siya sa kaniyang likod nang marinig ang sinabi niya.
"Sinabi ko bang buhatin mo ko? Ano ba! Ibaba mo na ko!"
"Tumahimik ka na lang, p'wede?"
"Ayo'ko! Sabi ng ibaba mo ko e."
"Kapag hindi ka tumigil ihahagis kita d'yan."
"As if naman na-"
"Isa. . ."
"What?"
"Dalawa. . ."
"Tss. Okay, fine. Mananahimik na."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni JR. "Saan ka ba kasi nagpunta nang wala ka pang kasama? Nagkasugat-sugat na tuloy ang dalawang paa mo."
Natahimik ako nang marinig ang huling sinabi ni JR. Feeling niya ba ay mabait na siya ngayon? Hindi ko makita ang hitsura niya. Nakabaliktad kasi ako dahil nga sa paraan ng pagbuhat niya sa akin, pero nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Siguro ay pagod din siya sa paglalakad pagkatapos ay nagpapabuhat pa ko sa kaniya.
Gutom din kaya siya? Kumain na kaya siya? Sa sobrang importante ng mission na 'to sa amin ay hindi ko na alam kung naaalagaan pa ba niya ang kalusugan niya.
Sandali. . . Bakit ba iniisip ko pa si JR ngayon? Tss.
Naalala ko ang kalagayan namin ni JR ngayon. Hindi ko tuloy alam kung dahil lang ba sa position ko kaya parang biglang nag-init ang dalawang pisngi ko.
Nahinto ang pagninilay-nilay ko nang walang paalam akong binaba ni JR. Pagkababa niya sa akin ay nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ako naging handa sa pangyayari kaya mabilis din akong napaiwas ng tingin.
"Ano? Iiwan mo na ba ko rito?"
Sa iba pa rin ako nakatingin dahil parang nag-iiba ang takbo ng sistema ko kapag natitigan ko ang mga mata niya.
"Tss. Nandito na tayo sa kakainan na 'tin. Siguro naman ay kaya mo nang maglakad sa loob?" Tinuro ni JR sa akin ang nasa harapan namin ngayon.
Hindi ko alam kung anong klaseng kainan ang pinuntahan namin dahil wala akong kahit na anong makita mula sa loob. Gawa sa kahoy ang buong paligid ng kainan na sinasabi ni JR at 'yon ang dahilan kung bakit hindi ko makita ang ano mang nasa loob.
"May mga importanteng bagay din ako na kailangang sabihin sa 'yo habang nakain tayo kaya bilisan mo na d'yan."
Nauna nang naglakad sa akin si JR. Naguguluhan man ay sumunod na lang ako sa kaniya.
Katulad ng nangyari kanina, may tinapat muna kami sa harapan ng door knob bago kami tuluyang nakapasok sa loob. Nagpalinga-linga ako sa paligid sa sandaling makaapak ang paa namin sa loob ng kainan.
Nadismaya ako ng ka-onti ng makitang isang ordinaryong kainan lang pala ang pinasok namin. Sa panahong twenty-twenty, isang karinderya ang tawag dito.
Nawala lang ang pagkadismiya ko nang makita ang mga pagkain na sineserve nila. Wow! Mukhang masarap!
"Umupo ka na muna d'yan. Ako na ang oorder."
Tumango ako kay JR at tahimik na umupo sa tinuro niyang bakanteng upuan.
Grabe! Puro gawa sa kahoy ang mga nakikita ko sa paligid. Hindi ako nainip sa paghihintay dahil bumalik na rin agad si JR dala ang isang tray laman ang pagkain naming dalawa.
Isang ordinaryong sinigang na baboy ang ulam na dala ni JR at isang dinuguan, pero parang ibang karne ang nilagay sa dinaguan. Karne ng baka yata itong nakikita ko.
Umupo sa harapan ko si JR at nagsimula nang kumain. Sinabayan ko na rin siyang kumain.
"Gusto kong malaman mo na may limit ang kakayahan ng hoodie jacket para itago ang presensiya na 'ting dalawa."
Naguluhan ako sa sinabi ni JR kaya hindi agad ako nakasagot sa kaniya.
"May limit naman talaga siya, 'di ba? Katulad ng kapag may taong nagpumilit na tanggalin ang hood ng jacket."
"No. Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Tandaan mo, today is thirty one hundred years. Mas mataas na ang technology ng mga taong nabubuhay ngayon. Hindi ka na makakaalis sa isang lugar na walang bakas na iniiwan. Kahit sa mga bagay. Kapag inalis mo ang kutsara na 'to sa dati niyang kinalalagyan, tingin mo ba ay walang bakas na maiiwan? Mayroon! May isang tracker device na naimbento noon pang twenty eight hundred years ago kung saan may isang hologram na nagpapakita sa tuwing aalamin ang dating kinalalagyan ng mga bagay." Binaba niya ang kutsara na hawak-hawak at tumitig sa aking mga mata. "Paano kung sa tao ginamit ang device na 'to? Makikita nila ang naiwan mong bakas at maaari nilang malaman ang pagkakakilanlan mo."
Nabitiwan ko ang hawak na kubyertos dahil sa mahabang pinahiwatig ni JR.
Kung gano'n, sa simula pa lang ay maaaring nanganganib na ang buhay namin?
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...