Chapter One

435 6 0
                                    


Author's Note:

This is a work of fiction. Names, places and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatitig lang ako sa repleksyon na nakikita sa salamin habang inaayos ang aking damit. At syempre nag Mr. Pogi pose pa ng makitang maayos na lahat at GGSS (Gwapong gwapo sa Sarili) nako. Hindi ako pwede ma late dahil dadaan pako sa girlfriend ko.

Mabilis nakong lumabas at sumakay ng kotse dahil dadaanan ko pa yung mga inorder kong peach roses.

Pag dating ko sakanila ay agad kong nakasalubong ang nakakatandang kapatid ng gf ko.

"Good morning sa pinaka magandang business woman slash nurse sa buong Pilipinas" patawang bati ko sa kaharap ko.

"Aba! Aba! Aba! Mr. Philip Sandoval sa Pilipinas lang?" Natatawa nyang sagot.

"Sige na. Sa buong mundo na.pede na?"pang aasar ko.

"Aba! Lokong to! Napilitan pa." tumatawang sagot ni Ate Cess."Sige na puntahan mo na doon si Leanne"

Pag pasok ko sa kwarto ay nadatnan kong nakadungaw si Leanne sa may bintana at tila sa malayo nakatingin.

"Good morning my love!" masayang bati ko sakanya."Dala ko favorite flowes mo" dagdag ko pa.

"At kumusta naman ang babaeng dinaig pa ang Dyosa at si Darna sa ganda?" Sabi ko habang inaayos ang mga bulaklak sa vase.

Lumapit ako sakanya hawak ang mga bulaklak para ipakita sa kanya at hinalikan sya sa noo.

Tulad ng dati ay wala padin itong kibo. Tila walang tinag sa kahit na anong nangyayari o sa kahit na ano ang marinig sa kanyang paligid.

Ang kanyang mata ay tila isang blangkong papel na walang mababasa. Ni wala kahit na katiting na emosyon sa mga iyon.

"Naaalala mo si Leah? Yung schoolmate natin. Balak na daw pala nila pakasal ni Justin my loves!"

"Nakakatuwa no? Ang bilis ng panahon, Love. Akalain mo dati satin at sa school lang ako photographer. Ngayon sa isang magazine na" masayang kwento ko.

"Kaya ikaw my loves pagaling ka na. Magiging sikat na writer ka pa sa mga pelikulang pipilahan ng madla diba?" Saglit akong napahinto dahil ako mismo ay nabigla sa biglaang lungkot na naramdaman.

Well, I'm not really like this when I'm infront of her pero minsan ay tila nakakalimot ako at nababalot ako pag ka miss ko sakanya at lungkot.

Saglit kong iniling ang ulo ko para mabalik ako sa wisyo.

"Nga pala Love! Punta buong barkada dito sa susunod ah?" Excited na sabi ko.

"Handa mo lang sarili mo.. May mga bagong paandar naman yung mga loko lokong yon!" nakangiting dagdag ko pa.

Lagi naman kasing ganon pag kumpleto ang barkada. Hanggat maaari ay ayaw namin ipakita na may nagbago.

Kung kaya't umaakto kami kung paano kami noon. Laging masaya lang. Puro asaran at kalokohan ang naiisip pag magkakasama.

★★★

Cess' POV

Nabigla ako ng biglang nabakas ang lungkot sa kilos at salita ni Phil. Though, agad naman itong nakabawi at balik sa dating wisyo. Alam ko parin na sobrang naaapektuhan talaga ito.

Kitang kita ko sya dahil hindi naman nakasara ang pinto ng kwarto ni Leanne. At hindi naman ako nasa kalayuan kaya dinig ko din sya.

Oo isa sya sa mga pinaka naaapektuhan sa nangyari sa kapatid ko. Pero noon pa man sya na ang naging pundasyon ng aming tatag.

Sadyang laging masigla, palatawa at palabiro si Phil. Ganon pa man, naiintindihan ko ang sobrang lungkot sa kanyang puso na pilit nyang itinatago.

"Phil" tawag ko ng papasok sa pinto.

"Ate?" mabilis naman nyang tugon.

"Hindi kapa ba male-late sa trabaho?" panimula ko.

"Hindi no" sabay akbay sa kapatid ko na katabi nya."tsaka ako hihintayin ng mga yon. Ako kaya pinaka importanteng kaylangan nila"payabang na sagot niya.

"Lokong to! Lakas ng hangin sa katawan"naiiling nalang ako sakanya.

Ayan.. Ayan palang natural ng mokong na ito. Pero sa totoo lang hindi naman kami nayayabangan sa tuwing ganito sya.

Dahil sa lahat ng kahanginan nya ay alam at mapapansin naman ng lahat na sinasabi nya ang lahat ng yon para magpatawa lang.

"Osya. Bago pakami malunod sa pagyayabang mo e lumakad kana para hindi ka ma late" nakangiting sabi ko.

"Ako na muna bahala kay Leanne."

Itinaas nito ang kanyang kilay na para bang nag tatanong.

"Lakad ka dyan 'te. Mag da drive ako no. Nakakapagod kaya mag lakad. Mabawasan pa kagwapuhan ko" sagot nya na nag Mr. Pogi pose pa. Pilosopo talaga to minsan.

Nakita ata na inirapan ko at sabay nag peace sign at nag paalam na.

"Ok fine! Aalis na po. Baka mabatok mo pako! Bye ate." sabi nya.

Tumingin ito kay Leanne na kung titignan ay para itong nakatingin sa akin pero alam kong hindi. Walang mababakas na ano mang emosyon sa mata nya.

Hinawakan nya si Leanne sa mag kabilang pisngi at hinarap sa kanya. Tinitigan nya ito at inilapit pa ng kaunti ang mukha.

"Alis nako huh? Trabaho my love e.wee.. Wala pa nga miss na kita"sabi nya na ramdam ang sinsiredad sa boses. Hinalikan nya ito sa noo at inalalayan para makaupo sa upuan na nandoon sa may study table.

Saka naman ito humarap sa akin.

"Alis nako manang ay.. Ate pala."asar pa nito.

Nag make face lang ako bilang sagot sa lokong to! Lokong lalaki wagas makapang asar pero sobrang sweet naman sa kapatid ko.

Hinatid ko sya hanggang sa may labasan at pumasok ng pag labas nya ng pinto.

★★★

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon