KABANATA 2

47 2 0
                                    

“Bumalik na ho ba si Señorita Rasilita, Binibini?”,tanong ni Marites na ikinagulat ni Corazon.

Agad hinila ni Corazon papasok si Marites at tinignan ang labas ng kanyang silid kung mayroon bang taong naroon.

“Ano bang kahangalan ang iyong pinagsasabi Marites? Paano kung marinig ka ni ina?”,mahinang pasabi ni Corazon na ngayon ay ikinikrus ang kamay.

“Subalit aking narinig ang kanyang tinig mula sa labas Binibini.”pinanlakihan ng mata ni Corazon si Marites.

Napailing iling siya. Buo ang isip ni Marites na kanyang narinig ang boses ni Rasilita.

“Kung gayun, ito ba’y sasabihin mo kay ina upang ikaw ay magantimpalaan niya ng malaking salapi?”tanong ni Corazon at tinitignan ng mababa si Marites.

Hindi nagpatalo ang katulong na si Marites at tinitigan din sa mata si Corazon.

“Ang iyong ginagawa ay isang kapahangasan!”napayuko si Marites.

Kung tutuusin ay mas matanda ng dalawang taon si Marites sa katorseng si Corazon.

“Kung inyo pong mararapatin Binibini, sa ikli ng paglabas ni Señorita Rasilita ay naging kaibigan ko siya.”,wika ni Marites na nakayuko pa rin dahilan upang magbago ang pinilit na galiting mukha ng mabait namang si Corazon.

Hinawakan niya ang balikat ni Marites at pilit niyang tinignan ang mukha nito.

“Kaya ba pakiramdam ko ay nakilala na kita noong tayo’y mga bata pa lamang?”,tanong ni Corazon.

“Oo Binibini, simula nung nagkautak ako ay hinahanap ko si Señorita Rasilita sa pamamahay na ito kung kaya’t lagi akong napapagalitan ng aking ina na siyang inyong tagapagluto.”,pagsasalaysay ni Marites.

“Ipinagtataka ko kung sino ang batang iyon na lumapit at kinaibigan ako kahit madumi ang aking kasuotan. Nalaman kong nag-iisa lamang ang anak ng mag-asawang dela Concepcion kaya noong marinig kita kanina ay napaisip ako.”,napahinto si Marites.

“Ano ang tumatakbo sa iyong isipan Marites?” nagdugtong ang mga kilay ni Corazon.

“Na may naninirahang ibang katauhan sa katawan ninyo, Binibini. Ako’y nararapat na inyong parusahan sa aking kapangahasan.”,napaluhod si Marites sa harap ni Corazon.

Napangiti siya. Ngayon ay may kakampi na siya sa mansion nila.

“Marites, ikaw ay tumayo dahil wala kang kasalanan upang parusahan.”,wika ni Corazon at agad naman siyang tumayo.

“Maaari mo ba akong sampalin?”,utos ni Corazon upang mapaluhod ulit si Marites at nagmakaawang huwag iyon ipagawa sa kanya. Alam niyang mahahatulan siya ng kamatayan kung malalaman iyon ni Don Hernan sapagkat mahal na mahal nito ang nag-iisang anak na kahit alikabok ay hindi nito pinapadapo sa dalagita.

“Iyon lamang ang tanging paraan upang makausap mong muli si Rasilita.”,bulong ni Corazon at nanlaki ang mga mata ni Marites.

“Subalit Binibini maaaring masaktan ka sa aking gagawin.”napahinga ng malalim si Corazon. Hindi siya makapaniwalang malaking bagay pala ang pagsampal sa kanya.

“Iyon ang daan upang makatulog ako Marites at magising si Rasilita. Tanging sakit lamang ang nakapapalabas sa kanya.”,tugon Corazon.

Tumayo silang dalawa malapit sa kama.

“Ihanda mo ang iyong mukha Binibini at maaari itong masakit.”,wika ni Marites at inihanda ang kanyang kamay sa pagsampal na hinihilot hilot pa niya.

“Marites, ako’y handa na. Maaari mo na akong sampalin.” ipinikit na ni Corazon ang kanyang mga mata.

“Isa. Dalawa. PAK*”,tumilapon sa kama si Corazon sa lakas ng pagkakasampal ni Marites.

Agad naman niya itong nilapitan upang kamustahin. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na kung magalusan ang mukha ng kanyang Binibini ay siyang galos din sa kanyang buhay.

“Binibini ipagpaumanhin niyo po ang lakas ng aking pagkakasampal….”,natigilan si Marites ng nag-unat-unat si Corazon ng katawan at biglang inayos ang buhok.

Naniningkit ang mga mata nito at napangiti. Iba sa bilugang mata ng kanyang Binibini. Ibang iba.

“Nagagalak akong makita kang muli, Marites.”,malaki ang boses ni Rasilita kung kaya’t agad na nakilala iyon ni Marites.

“Ikaw nga, Señorita Rasilita.”,masayang tugon ng katulong at lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi. Walong taon din niyang hinahanap ang batang akala niya ay kathang isip niya lamang.

“Nagagalak ako dahil natatandaan mo pa ako. Noong huli kitang makita ay naglalaro ka lang ng uling sa ilalim ng lutuan.”,napaiyak si Marites at matagal na niyang palaging kinukwento sa kanyang ina ang sinabi ni Rasilita subalit hindi siya pinaniniwalaan nito. Kahit ang kanyang Binibini ay hindi rin iyon maalala.

“Ipagpaumanhim mong hindi na kita nakita matapos no’n. Ipinagtabuyan kasi ako ni ina.”,humina ang boses ni Rasilita. Lumapit ito sa bintana at dumungaw sa kanilang hacienda.

“Marahil ay nagtataka ka kung bakit ganito ang lagay namin ni Corazon.”,ngayon ay parang nagseryoso ang tono ni Rasilita.

“Ano po ba ang nangyari sa inyo ni Binibini Corazon, Señorita Rasilita?”,tanong ni Marites na nasa likod lang din ni Rasilita.

“Kahit ako ay hindi iyan masasagot, Marites. Ang alam ko lang sa ngayon ay bigla na lang akong nagising muli sa katawan ni Corazon.”pagsasalaysay niya at tumungo naman ngayon sa silyang malapit sa bintana. Humarap sa salamin at pinagmasdan ang kanyang mukha.

“Bakit hindi niyo po itanong sa inyong ina o ama Señorita?”,suhistiyon ni Marites.

“Gustuhin ko man ay hindi ko maaaring gawin iyon. Ayaw akong payagan ni Corazon at ikapapahamak ko lamang daw kung mangyayari iyon.”, sagot ni Rasilita at napangiti sa kanyang sariling  imahe.

“Tunay ngang maganda kami ni Corazon at gustong gusto kong mabuhay pa ng matagal kung kaya’t susundin ko ang ninanais sa akin ni Corazon.”,masayang wika ni Rasilita at napatingin kay Marites.

Alam niyang naaawa ang kanilang katulong sa lagay niya ngayon. Wala siyang magagawa roon bagama’t pati siya ay naaawa din sa sarili niya.

“Huwag po kayong mabahala Señorita, tutulungan ko po kayo ni Binibining Corazon na itago ang inyong sekreto.”

“Kung gayun, maaari mo bang maging kaibigan rin si Coreng, nag-aalala ako sa tuwing binabanggit ni ina na wala kaming mga kaibigan.”,tumango agad si Marites sa kasiyahan.

Tumingin sa orasan si Rasilita at nalungkot.

“Sa aking palagay ay paparating na sina ina at ama kaya mas makabubuting gisingin mo na si Corazon.”,utos ni Rasilita habang ang mga mata nito ay gusto pang manatiling gising.

“Subalit paano?”,tanong ni Marites. Magsasalita na sana si Rasilita ng may tumawag sa kanya.

“Corazon, kasama ko ang mga magiging kaibigan mo, pumarito ka muna sa salas.”,tawag ni Doña Felita na kararating lang din pala na agad nagtungo sa silid ni Corazon.

“Ano ang ginagawa mo sa iyong Binibini, Marites?!”sigaw nito pagbukas na pagbukas ng pintuan sa silid ng anak.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon