“Tila nakita ko na ang ating mapapangasawa, Raseng.”wika ni Corazon sa kanyang isipan bago napapikit ng makalawa.Napalulon siya at hindi halos makapagsalita. Mabuti na lang at agad nagsalita si Valentin.
“Naku Señior Jaoquin, iyong ipagpaumanhin. Kung minsan-minsay nawawala sa diwa niya si Corazon.”napatingin naman si Corazon sa kaibigan na parang nagpapasalamat dahil sa pagsalba nito sa kanya.
Napangiti si Jaoquin at ibinaba ang salakot mula sa kanyang ulo at idinikit sa kanyang dibdib.
“Ngayon tuloy ay nagtataka ako kung ano ang iyong iniisip Binibining Corazon?”,tanong nito na napatitig na naman sa kinakausap.
Kumikinang ang mga mata nitong parang perlas na siyang sumisingkit dahil sa pagkakangiti ng kanyang mapupulang mga labi habang bagay na bagay ang maikli nitong buhok na nagpapakita sa maganda niyang noo.
“Magulo ang aking isipan kung kaya’t hindi mo gugustuhing malaman, Ginoong Jaoquin..”agad napatingin si Corazon ng bigla siyang kunutin ni Anita.
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng pinsan subalit parang nagkamali siya.Tumawa ng mahina si Jaoquin kung kaya’t mas nagtaka si Corazon.
“Bakit bumibilis ang tibok ng puso mo Coreng?”tanong ni Rasilita at nagtataka sa mga nangyayari.
“Ipagpaumanhin niyo ulit Señor Jaoquin ang ang hindi kaaya-ayang pagtawag sa inyo ng aking magandang pinsan.”,pinanlakihan pa ni Anita ng mata si Corazon.
Agad napalingon ito sa kahihiyan. Bakit ba kasi ang lakas ng loob niyang tawaging Ginoo ang binata, sobrang tanda na ba nito sa kanyang paningin? Ang kanyang tono rin ay mukhang nataasan niya. Napakagat-labi siya at bumalik sa katinuan.
“Ako’y nalilito lamang sa kung ano ang aking itatawag sa inyo Señior Jaoquin kung kaya’t aking nabigkas ang mga katagang hindi naman bagay sa inyong edad…”natigil si Corazon ng humalakhak ang kanyang mga kaibigan pati ang pinag-uumanhinan niya. Biglaang nawala ang mga mata ng binatang kinakausap dahil sa mga ngiti nitong labas ang mga mapuputing ngipin. Tinatakpan pa nito ang kanyang bibig pero nakita pa rin iyon ni Corazon.
“May nasabi na naman ba akong hindi kaaya-aya?!”,natigil ang lahat ng kumunot ang noo niya. Ngunit hindi nang binatang nasa harapan.
Kilala ng mga kaibigan si Corazon, mainitin ang ulo nito kung kaya minabuti na nilang tumigil. Ngunit hindi nitong bisita nila.
Binulungan ni Valentin ang pinsan at natigil ito sa kakatawa.
“Ginoo man o Señior ay hindi mahalaga sa akin iyon Binibini. Subalit aking ipinapasalamat na sa unang paglabas ko sa bayan ng San Antonio Labrador ay nagawa mo na akong patawanin.”ang mga salita ni Jaoquin ay parang musikang pumasok sa tenga ni Corazon. Napangiti si Rasilita sa isip niya.
“Ikaw ay nahuhumaling sa binatang ito, Coreng.”,hindi siya sinagot ni Corazon.
“Subalit hindi ko ginustong patawanin..”,natigil si Corazon sa susunod pang sasabihin dahil natakpan na ni Valentin ang kanyang bibig.
Alam na nang mga kaibigan kung ano ang sasabihin nito. Palagi kasi nilang naririnig ang mga katagang ‘anong nakakatawa?’ ‘hindi ko gustong patawanin kayo’ , ‘hindi ba kayo titigil sa kahibangan ninyo?’, alam nilang magkakasunod na parirala iyon kaya tinigil na nila.
“Hindi mo ba ako iimbitahing pumasok sa inyong tahanan Binibini?”tanong ni Jaoquin nang biglang sumulpot si Laura sa likuran ng tatlong magkakaibigan.
Ang asul na kalangitan at asul na kasuotan ng dalaga ang kumuha sa atensiyon ni Jaoquin. Titig na titig ang mga mata nito kay Laura habang titig na titig si Corazon sa kanya.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...