KABANATA 8

16 2 0
                                    


“Ipasara ang teatro mamayang gabi.”,buong buo na utos ni Corazon na siyang ikinagulat ni Marites.

“Subalit ang teatro ay hindi saklaw nang kapangyarihan ng iyong ama Binibini.”,pati si Felimon ay nagtataka din. Hindi niya alam na ganito pala ang ugali ni Corazon kung nagagalit.

“Kung gayun ay kay ama ko na lamang sana sinabi ang mga katagang aking nabitawan. Kalimutan niyo na iyon.”wika niya at ikumpas ang itim na abaniko.

Pagdating sa mansion ng dela Concepcion ay agad na kinausap ni Corazon si Don Hernan sa kanyang kahilingan.

“Subalit kapag ipinasara ko ngayong gabi ang teatro ay maraming hindi matutuwa anak.”, tugon ni Don Hernan at napasimangot si Corazon.

“Hindi mo ba mapagbibigyan ang kahilingan ni Rasilita?”,tanong ni Corazon na siyang ikinagulat ni Don Hernan.

Nagtawag ito ng utusan at agad ipinag-utos ang pagpapasara sa teatro.

“Maaari ninyong imbitahin ang mga mangdudula dito sa ating tahanan ama upang hindi maghinala ang mga tao sa pagpapasara ng teatro ngayong gabi.”,napatitig si Don Hernan sa anak. Hindi ito ang kilala niyang si Corazon.

Napatango na lang siya. Tinitigan niyang mabuti ang anak sapagkat para bang iba ang ikinikilos nito.

Sa silid ni Corazon ay tawang tawa siya sapagkat walang teatro mamaya kundi mapipilitan sina Laura at Jaoquin na umuwi na lamang. At magkakaroon pa siya ng dahilan upang magalit kay Laura.

Napahalakhak ng mahihina si Corazon at napatingin sa salamin. Agad niyang nakita si Rasilita na masama siyang tinitignan.

“Hindi ko gusto ang pagkakahumaling mo sa Jaoquin na iyan!”,wika ni Rasilita sa pagbibigkas ni Corazon.

Masama rin ang tingin ni Corazon sa sariling imahe.

“Kapangahasan Raseng! Bigyan mo ng paggalang si Señior Jaoquin!”,tumaas ang boses ni Corazon na siyang agad ikinawala ng katauhan ni Rasilita.

“Raseng! Raseng! Ikaw ba ay nagtatampo sa aking ginawa? Magpakita ka Raseng!”sumisigaw si Corazon subalit tanging mukha niya lamang ang nakikita sa salaming nasa harapan niya.

“Binibini ano ang nangyayari?”,agad binuksan ni Marites ang pintuan. Naabutan niyang nakahawak ang kamay ni Corazon sa salamin na para bang may hinahanap.

Lumingon ito at lumuluha.

“Si Rasilita… nagtatampo sa akin si Rasilita dahil napagtaasan ko siya ng aking boses na hindi ko naman sinasadya.”umiiyak ang Binibini kung kaya’t agad isinarado ni Marites ang pintuan ng silid na iyon.

Agad napalapit si Doña Felita sa pintuan ng anak sapagkat naririnig niya ang mga hikbi nito at napangiti.

“Kung gayun ay nagsisimula nang mawala ulit ang malas na si Rasilita. Ikabubuti din ito ni Corazon." wika ni Doña Felita at umalis na agad sa kanyang kinatatayuan.

Dalawang araw ang nakalipas na hindi lumalabas ng kwarto si Corazon. Parati siyang nakatitig sa kanyang salamin na naghihintay sa pagsasalita ni Rasilita ngunit kahit sa kanyang isip ay hindi niya ito mahagilap.

Sa dalawang araw na iyon ay hindi niya batid na ang kaibigang si Laura at ang iniibig na si Jaoquin ay nagkakamabutihan na.

“Kasalanan ito ni Laura! Kung hindi lang siya lumalapit kay Señior Jaoquin ay hindi sana magkakaganito ang aking pag-iisip at pagtibok ng aking puso. Dahil kay Laura ay nagtatampo sa akin si Rasilita!” hinampas ni Corazon ng suklay ang salaming nasa harapan.

Pumasok naman agad si Marites ng marinig ang kalabog.

“Ihanda ang kalesa at magtutungo ako sa maliit na pagamutan ni Ginoong Alfredo!”,nanlilisik ang mga mata ni Corazon kung kaya’t hindi na nasagot si Marites.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon