KABANATA 30

16 1 0
                                    

“Nasaan si Marites! May kasama ba siyang mga bata?!” sigaw ng kagigising lamang na si Rasilita na agad nagtungo sa kinatatayuan ni Felimon at mahigpit na hinawakan ang mga braso nito.

“NASAAN!?” sunod pa niyang sigaw. Ang pangalan ni Marites ang nagpagising sa kanya.

Hinawakan ni Jaoquin ang kanyang parehong balikat na agad naman niyang inilayo. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa Ginoong ayaw na ayaw niya sa simula pa lang.

“NASAAN SI MARITES FELIMON!?” umalingawngaw ang malaking boses ni Rasilita na siyang hindi maipaliwanag ng naroroon sa kwarto. Subalit walang nagawa si Rasilita ng walang magsalita.

********


Sa harap ng mansion ng mga dela Concepcion makikita ang nakagapos na si Marites mula sa kanyang likuran. Ang kanyang damit ay putikan habang nakabuhaghag ang kanyang buhok. Nakaluhod ito sa harapan ni Don Lucio kasama ang mga guwardiya civil. Nagdurugo ang pisngi nito na ngayon ay nanlilisik ang mga mata.

Nagbalik si Marites nang malamang patay na ang mag-asawang dela Concepcion.

“Tila ikaw ang hinahanap na natitirang utusan sa pamamahay na ito.” paninimula ni Don Lucio kung saan napatawa si Marites.

Nilapitan siya ng Don at pinatid ng makalawa.

“HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA.” patuloy sa pagtawa ang mukhang nababaliw na si Marites. Mula sa pagtawa ay umiyak ito.

“Hindi mo lubusang kilala ang aking Binibini Don Lucio…”nahinto si Marites ng paluin siya ng baston ng Don.

“Wala kang karapatang magsalita. Isa ka lamang hamak na utusan.”

“Subalit ang isang hamak na utusang ito ang siya na lamang nakakaalam sa pinakatatagong lihim ng mga dela Concepcion.” napangiti ang umiiyak na si Marites.

“Tila yata nababaliw ang babaeng iyan Don Lucio.” wika ng isang guwardiya.

“Ano ang sinasabi mong lihim ng mga dela Concepcion?” mahinahon si Don Lucio subalit sinagot lamang siya ni Marites ng pagkalakas lakas na tawa.

“Putulan mo man ako ng dila o patayin mo man ako ay hindi ako magsasalita. Ako ay isang hamak na utusan ng mga dela Concepcion kung kaya sa kanila lamang ako susunod Don Lucio.” nanlaki ang mga mata ng Don na agad nakakuha ng fistula sa katabing guwardiya. Itinutok ito kay Marites na ngayo’y handa nang mamamatay.

“Nais mo bang sumunod sa hukay ng mga dela Concepcion?!”

“Nararapat lamang na ako’y sumunod Don Lucio.” inilapit pa nito sa noo ni Marites ang baba ng fistula. Hindi takot mamatay si Marites. Kanya na namang naialis ang mga anak ni Rasilita at Constantina sa bayang ito. Ngumiti siya sa pinakahuling sandali. Alam niyang ito na ang katapusan ng kanyang buhay.

Subalit sunod sunod ang mga halakhak ni Don Lucio kung kaya’t napabuka ang kanyang mga mata.

“Bibigyan kita ng pagkakataong magbago. Subalit dahil ayaw mong magsalita ay papuputulan kita ng dila.” ang mukha ni Don Lucio na ngayo’y hindi mabasa ni Marites na mas nagpatakot sa kanya. Ano ang ibig sabihin nitong pagbibigyan siya ng pagkakataon?

********


Sa bayan ng San Antonio Labrador ay tanging ang pamilyang de San Antonio lamang ang tahimik. Tila yata wala silang pakialam sa mga nangyayari sa mga dela Concepcion at de Labrador.

“Ama, narito po ang kasulatan na aming nilikha ni Don Hernan bago po kami pumarito sa ating bayan.” wika ng nagbabalik na si Gregorio. Sila’y nasa bilugang lamesa kasama ang asawa nitong si Amanda.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon