KABANATA 13

25 3 0
                                    

“Ako ang nakabangga mo noong inyong kaarawan. Ako ang ginoong inaakala mong espiya.” natulala si Rasilita, ang ginoong iyon ang nagtulak kay Corazon upang siya’y magising sa gitna ng kanilang mga bisita.

Sa di kalayuan ng burol ay makikita ang  kalesang sinakyang papaaalis ni Juan. Habang nananatiling naninigas si Rasilita na naiwan doon.

“Señior Juan, hindi po ba’t ang babaeng inyong nakausap kanina ay anak ng isang kaaway?”tanong ng kanyang kutserong si Mang Delfin.

Napangiti si Juan. Sa bayang ito ang kanilang pamilya lamang ang walang kasandal na pamilya subalit pilit pa rin nilang nanatili. Isa ang mga de San Antonio sa nagtayo ng bayang ito kaya bakit sila aalis? Sa katunayan niyan ay dapat sa kanilang pamilya manggagaling ang tatayo sa posisyon ng Gobernadorcillo.

“Kaaway man ang tingin ng iba sa kanya ngunit para sa akin siya ay hindi nalalayo sa malapit na kaibigan.” tugon ni Juan bago nilisan ng kanyang paningin ang naninigas na si Rasilita. 

******

Nakaluhod ang dalawang taga bantay ni Juan sa harap ni Doña Caridad ang asawa ni Don Ignacio de San Antonio na kilala bilang isang magagalitin na Doña sa harapan ng mansion ng mga de San Antonio.

Agad namang dumating ang kalesa ng panganay na anak ni Doña Caridad na si Miguel de San Antonio. May tatlong anak na purong lalaki ang pamilyang ito, at bunso roon si Juan.

Mula sa galit na mukha ay napalitan ito ng pananabik na makita ang kararating lamang na anak na galing sa Maynila. Nag-aaral ito ng medisina at nasa ikatlong taon na. Agad niyang sinalubong ang nakakunot na noong si Miguel.

“Ang inyong daan ay hindi kaaya-aya ina.” pagrereklamo nito at napatingin sa mga nakaluhod na mga tauhan nila.

“Ipasok sa kulungan ang mga nakaluhod at ayokong may nakikitang basura sa mansion.” utos nito at agad namang gumalaw ang mga guwardiya nila.

“Ang sabi ng iyong ama ay bukas pa ang iyong dating, subalit narito ka na at malusog na malusog.” wika ni Doña Caridad. Ang kanyang unang anak ay may katabaan, may kalakihan ang tiyan at may bigote.

Tinanggal nito ang kanyang salakot na may disenyong gintong araw at mga ulap at pumasok na sa loob ng tahanan ng mga de San Antonio.

Napakatahimik ng mansion na tila yata ang bawat katulong ay ubod sa pag-iingat na hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

“Wala pa ring ipinagbago ang iyong pamamahala ina. Kayo pa rin ang napakagaling sa larangang iyon.” natutuwang wika ni Miguel at umupo sa mahabang silya sa tahimik nilang salas.

Napatingin naman ito sa dalagitang may dala dalang tubig na siyang inilapag sa harapan niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ng dalagita na para bang may balak siya rito.

Napalulon si Doña Caridad sa nakita. Alam niyang ang kanyang panganay na anak ay mahilig sa babae.

“Bihisan ang katulong na ito ina at ako’y magpapahinga na muna.” ngumiti pa ito na nakahawak sa kanyang bigote bago nilisan ang salas.

Agad namang itinulak ni Doña Caridad ang dalagitang katulong na lumuluha.

“Kararating lang ng iyong panganay subalit babae agad ang kanyang nais? Hindi ba niya muna hinanap ang kanyang bunsong kapatid?” agad napatingin ang Doña sa nagsasalitang anak na nasa pintuan lang din pala. Tinitignan ang dalagitang lumuluhod na umiiyak sa salas.

“Ang iyong mga salita ay hindi nababagay na sabihin ng isang bunsong kapatid patungkol sa kanyang nakatatandang kapatid Juan.” pangaral ni Doña Caridad sa anak.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon