KABANATA 32

10 3 0
                                    

“Ang nag-iisang Binibining aking minamahal.” isang masayang sigaw sa di kalayuan ang umalingawngaw sa harapn ng pagamutan ni Ginoong Alfredo na siyang ikinatingin ng lahat sa pinanggalingan ng sigaw at pagtigil ni Rasilita.

Maging si Jaoquin ay napatingin sa di kilalang Ginoo na nagsalita.

“Sino ang lapastangan na Ginoo ang sumigaw!?” ang galit ni Jaoquin ay hindi na niya makimkim.

Binigyang daan ng nagkukumpol na mamamayan si Juan na kalmadong naglalakad.

“Ako ang bunsong anak nina Don Ignacio at Doña Cardidad na si Juan Francisco de San Antonio.” nanlaki ang mga mata ng mga nakikinig sa sinabi ni Juan.

Napatawa ng malakas si Jaoquin na nabulastugan sa narinig.

“Paano mo mapatutunayang ikaw nga ang bunsong anak ng mga de San Antonio?” tanong ng isang guwardiya kung kaya’t napangiti si Juan.

“Paano mo mapatutunayang ikaw ay isang guwardiya at hindi tulisan?” ibinalik ni Juan ang katanungan na siyang ikinayuko nito.

Walang sinuman ang magkakamaling gamitin ang pangalang de San Antonio kaya halos lahat ay naniwala.

“Subalit ang iyong iniibig na Binibini ay siyang aking mapapangasawa, Ginoo.” mapagmalaking wika ni Jaoquin sabay harang kay Corazon upang hindi ito makita ng kinakausap.

Hindi mapakali si Rasilita. Ano ang kanyang isasagot sa mga binigkas ni Juan? Walong taon na noong huli niya itong masilayan subalit sinasabi nitong iniibig niya siya?

Napangiti si Juan habang dahan dahang tinatahak ang kinatatayuan ni Jaoquin.

“Hindi mo ba batid na ang aking ama ay may kasulatang nagsasabing ibibigay  ni Don Hernan ang kalahati ng kanyang kayamanan kapalit ang pagkakasundo ng pamilyang de San Antonio at ng dela Concepcion? Ang kasunduang ito ay ang aming kasalanan at hindi ng sa inyo.” malalaking halakhak ang binitawan ni Jaoquin at napahawak pa ito sa kanyang tiyan. Ngayo’y magkaharap sila ni Juan.

“Ako lamang ang maaaring pakasalan ni Corazon dahil kahit siya’y nababaliw at wala sa katinuan ay tatanggapin ko siya at mamahalin…”

“Noon pa man ay minahal ko na siya, kahit noong wala ka pa.” pagputol ni Juan kay Jaoquin sa harapan nito mismo.

Makikita sa malayo ang harapan ng puro makapangyarihang anak ng dalawang pamilya. Nagliliyab ang kanilang paligid na tila yata magkakamatayan sila doon.

Agad pumagitna si Felimon. Siya’y may kapangyarihang pigilan ang dalawa lalo na’t siya ay pinuno ng mga guwardiyang naroroon.

“Makabubuting palampasin niyo muna ito Señior. Kung totoo ang kanyang sinasabi ay mas mahalagang malaman muna ni Don Lucio ito bago harapin ang kaaway.” nakaharap si Felimon kay Jaoquin na hindi man lang pinakialamanan si Juan sa kanyang likuran.

“Huwag na huwag mong iisiping si Corazon ay mapapasaiyo dahil mapapasaakin siya.” huling wika ni Jaoquin at dahan dahan itong naglakad kasabay si Felimon. Kanya pang masamang tinitigan si Rasilita na ngayon ay nakatitig kay Juan habang ang kanyang tinitigan ay nakangiting labas ang biloy.

Nakahinga ang mga taong nanonood sa pangyayaring iyon. Akala na nila’y duguan ang mangyayaring salpukan ng anak ng dalawang makapangyarihang pamilya.

“Nais kang makausap ni ama ukol sa aking sinabi kanina, Rasilita.” panimula ni Juan. Hindi na nagtaka si Rasilita kung nakikilala siya ng kausap.

“Huwag po kayong mag-aalala. Ang pamilyang de San Antonio ay hindi gagamit ng dahas o kung anuman. Nais ko lamang iparating sa inyo na ang hacienda dela Concepcion ay bukas nang muli sa pangangalaga ng pamilyang de San Antonio.” sigaw ni Juan na siyang agad na usap-usapan ng mga tao.



******


Agad lumibot ang paningin ni Rasilita ng makapasok sa mansion ng mga de San Antonio. Bumungad sa kanya ng isang Ginoong kamukha ni Juan na nagpakilalang si Gregorio. Ganundin ang asawa nitong si Amanda. Hindi niya nakita si Doña Caridad, maging si Miguel.

“Huwag kang mabahala Rasilita, si ina at Miguel ay nagtungo kay Cuerva sa tubuhan.” wika ni Juan na agad hinawakan ang kamay ng kinakausap at pinapasok sa silid kung saan naroroon ang amang si Don Ignacio.

Hindi na nagpaligoy ligoy ang Don at agad ipinakita kay Rasilita ang kasulatan ni Don Hernan at Gregorio sa harap ng Gobernador-heneral.

“Ano po ang ibig sabihin ng tatlong kondisyon?” tanong ni Rasilita kaya napangiti si Don Ignacio.

“Aming susundin kung ano man ang tatlong kondisyong iyong ibibigay, Binibini.” wika ni Gregorio sa likuran ni Rasilita.

“Subalit hindi ako si..” napahinto siya ng hawakan ni Juan ang kanyang mga kamay.

“Unang kondisyon: dapat kang makasal sa akin upang hindi matuloy ang ipinangakong kasal ni Joaquin.” nakatingin lamang si Rasilita sa mukha ni Juan. Seryoso ito sa kasal na binibanggit.

Napakagat labi si Rasilita ng biglaang pumitik ang kanyang sintido at napapikit. Naaalala niya ang mukha ni Juan noong hinalikan siya nito sa noo. 

“Pangalawang kondisyon: nais kong maprotektahan ang mga utusang nasa bilangguan lalong lalo na si Marites.” nagsalita si Corazon na hindi man lang nagtataka sa nakikitang mga de San Antonio. Para bang siya’y nakikinig kanina pa.

Pangatlong kondisyon: nais kong hanapin ang aming mga anak ni Constantina at panatilihin ang kanilang kaligtasan.” wika ni Rasilita mula sa isipan ni Corazon.

“Isali mo na rin ang kaligtasan ni Felimon, Corazon.”  ngayo’y si Zonya naman.

“Nais ko lang din makita ang aking mga anak na ligtas at malusog.” walang pakialam si Constantina.

“Ang pangatlong kondisyon ay maggagaling sa iyo, Ginoo.” nabigla ang mga katauhan sa ulo ni Corazon ng kanya itong binigkas.

Maging si Juan ay nagulat din.

“Ikaw ba si Corazon?” tanong nito at agad napatango si Corazon na ipinagtaka ng tatlong naroroon kung bakit pa ito tinanong ni Juan.

Napangiti siya ng malamang ang kausap ay si Corazon. Matagal na niya itong gustong kausapin lalo na sa bagay na kanyang nagawa noon.

“Maaari po bang bigyan niyo muna kami ng sandali upang makapag-usap ama, Kuya at Amanda?” hindi nagdalawang isip ang tatlo na ibigay sa kanila ang silid na iyon.

Pumalibot ang katahimikan. Naghintay lamang si Corazon na magsalita si Juan na nasa kanyang harapan.

“Ako sana’y iyong patawarin. Kung ikakasal man tayo nais ko munang sabihin sa iyong ikaw ay hindi nagahasa…”nahinto si Juan ng tumawa ng mahina si Corazon.

“Iyong ipagpaumanhin subalit hindi ako iyong tumawa.” napairap si Corazon kay Constantina sa ginawa nito.

“Ngayo’y batid ko nang ikaw ang aking naikama ng gabing iyon.” biglang nagsalita si Constantina na siyang ikinagulat ni Juan.

Nawalang bigla si Corazon.

“Ang iyong mga salita ay…” namumula ang pisngi ni Juan at nag-iinit ang kanyang mga tenga.

“Ikaw pala ang itinatago ni Rasilita sa akin.”

“Alam ni Rasilita?…”

“Alam na alam dahil si Rasilita ang namulat matapos kong ibigay ang katawang ito sayo.” hindi makapagsalita si Juan sapagkat nakahawak pa si Constantina sa kanyang dibdib. Napatingin siya sa isang sulok at nagsalita.

“Subalit bakit hindi man lang siya nagsalita?”

“Hindi mo ba pansin? Mahal ka ni Rasilita Ginoo!” napangiti si Juan sa narinig mula sa Binibini. Napatitig si Juan kay Constantina. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi.

“Mahal ko rin siya, Constantina.” ang mga mata ni Constantina ay nagbago. Mula sa nanunukso ay naiinggit ito dahil ang mga titig ni Juan ay tila napakaseryoso na kahit siya ang nasa katawan ngayon ay mas pipiliin nito si Rasilita. Inalis niya ang pagkakahawak ni Juan at ngumiti.

“Subalit kahit nais nilang pakasalan ka ay mas gusto kong pakasalan si Jaoquin.” napangiti si Constantina at biglaang niyakap ang Ginoong nasa harapan niya. Ngayo’y nasa isip ni Constantina na magpanggap na susunod siya sa nais ng mga kapatid.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon