PAGWAWAKAS

30 2 0
                                    

Ang kaguluhang naganap sa mansion ng mga de Labrador ay agad na kumalat hanggang sa mga karatig bayan ng San Antonio Labrador. Ang kaguluhan ng mga Principales na tila yata kaguluhan ng buong bayan.

Nabalitaan man ni Valentin ang nangyari sa kanyang pamilya subalit wala siyang magawa dahil ayaw rin ni Gaspar na siya’y makialam at makisawsaw sa pumayapa niyang Tiyo na dating Gobernadorcillo ng bayan. Nagdadalang tao pa naman siya.

Isang buwan na rin ang lumipas. Ang mansion ng de Labrador ay tila yata napag-iwanan na nang panahon. Ang hacienda ng mga de Labrador ay saklaw ng mas lumalaking pamilya ng mga de San Antonio. Na siyang pinakamakapangyarihang pamilya sa boung bayan.

Sa buwang ding dumaan ang siyang pagtatag ng batas Maura na siyang dala dala ni Tenyente Gabo sa kanyang pagpunta sa bayang ito. Nadagdagan at nabago ang mga panungkulan ng mga Principales. Kagaya na lamang ni Ginoong Alfredo na naging parte na ng samahan. Ang nagbubuwis ng malaki ay siyang naging Principales na rin.

Ang pamilyang de San Antonio ay tinignan nang hindi masahol dahil sa kanilang taos pusong pagbago sa bayang kailanman ay hindi umunlad sa pamamalakad ni Don Lucio.

“Si Marites ba ay nariyan sa loob?” tanong ni Corazon na siyang nag-aalala pa rin sa mga sugat ni Marites na hindi pa tuluyang naghilom. Ang mansiong dela Concepcion ay muling nabuhay sa pamamalakad ni Corazon bilang Doña kasama ang kanyang asawang si Don Juan.

Tumango lamang ang utusan at binuksan ang pintuan ng silid na iyon. Agad namang hinawakan ni Juan ang balikat ng kanyang asawa dahil napabuntong hininga ito.

“Makikita rin natin ang ating kambal, mahal. Hindi man ngayon subalit alam kong sa lalong madaling panahon.” wika ni Juan sabay himas sa likod ng kanyang asawang gabi-gabing nag-aalala sa kanilang anak.

Napangiti si Marites sa nakitang pagmamahal ng dalawang tinuring na niya ring mga kaibigan. Hindi man niya masabi kung gaano siyang nagpapasalamat sa dalawa ay idadaan na niya lamang ito sa kanyang mga ngiti. Wala naman siyang dila upang sabihin ang kinaroroonan ng mga anak ng kanyang Doña at Don alam niyang may mata pa siya upang muling mabalikan ang daang kanilang tinahak noong sila’y makatakas sa bayan ng San Antonio Labrador.

Tumulo ang mga luha ni Marites ng makitang nakangiti si Corazon sa kanya.

“Mabuti na ba ang iyong lagay?” tanong ni Corazon na siyang agad napahawak sa sa balikat niya. Tumango lamang si Marites bilang tugon. Alam niyang nais nang makita ni Corazon ang kanyang mga anak lalong lalo na si Juan.


******

Ang mansion ng de San Antonio ay nagbago ng tuluyang maging ang Doña ng pamamahay na si Amanda. Sa kanyang pangangalaga ay hindi na katahimikan ang nanatili rito kundi kasiyahan ng mga utusan at ng halos lahat ng mamamayan. Sa pagtatapos ng buwan, ika-29 ay siyang pagpapapiging ni Doña Amanda na siyang ikinagagalak ng bagong Gobernadorcillo ng bayan na si Gregorio de San Antonio. Wala pamang balak na mag-anak ang mag-asawa subalit tila’y naging anak na nila ang bawat mamamayan ng bayang kanilang nilalakad at pinapaunlad.

“Ikaw ba’y natungo na sa libingan ni ina?” tanong ni Amanda kaya napatingin sa kalangitan si Gregorio.

“Nasa mabuti kaya siyang kalagayan?” tanong nito sa sarili habang pilit na nginitian ang kanyang asawa sabay hawak nito sa kanyang kamay.

“Naroroon na naman ba si ama sa kanyang libingan?”

“Walang araw na hindi pumupunta si ama sa kanyang libingan.” sagot ni Amanda at binigyan ng mabilis na halik si Gregorio na siyang ikinasigaw ng mga utusan sa mansiong kanilang pinamamahayan.


CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon