“Subalit si-si Don Hernan ay hindi…..
hindi na buhay!” napaluhod si Doña Felita at nabitawan ni Rasilita ang kasapi. Ang haligi ng kanilang tahanan ay magbabalik na malamig at walang buhay.Hindi paman tuluyang naipasok sa kanilang mga utak ang nasabi ng kasapi nang biglaang apat na kalesa ang sunod sunod na huminto sa kanilang tahanan. Naroroon si Felimon na siyang pinuno ng mga guwardiya civil sa bayan.
Sa bawat paghakbang ng mga kawal ang siyang pagkadurog ng mga puso nang mag-ina. Ngayo’y alam na nilang sila’y natalo na.
Nanginginig ang mga kamay ni Rasilita sa nasaksihang mga mata ni Felimon. Alam niyang may nagawa itong kasalanan kay Zonya na ngayon ay nahihiyang tignan ang kanyang mukha.
“Ano ang ibig sabihin nito, Ginoo?” kalmadong pilit na sabi ni Doña Felita.
Napatikhim si Felimon na pilit inilalayo ang mga tingin kay Rasilita.
“Ang dala namin ay masamang balita Doña Felita. Ang inyong asawa ay nanlaban gamit ang kanyang lihim na samahan at batid naming ang utusang iyan (sabay turo sa lalaking nasa paanan ni Rasilita) ay kasapi rin.” nanigas si Doña Felita sa narinig.
“Ano ang kasalanan ng aking ama upang siya’y manlaban?” hindi sumagot si Felimon at tumalikod.
“Ano nga ba ang kanyang kasalanan upang siya’y manlaban? Bakit siya lalaban kung wala siya’y kasalanan?” tugon ng isang guwardiya.
“Ang aking ama ay hindi kailanman nang-api ng kapwa! Ang aking ama na siyang ninais lamang ay ang kaunlaran ng bayan, paano niyo siya nagawang paslangin!” umalingawngaw ang malaking boses ni Rasilita sa boung mansiong dela Concepcion.“Dahil siya’y nagkasala. Dahil siya’y mahina.” humarap si Felimon sa lumuluhang si Rasilita gamit ang kanyang mga matang nais na yakapin at damayan ang iniibig.
Napangiting bigla si Rasilita. Tumawa ng malakas na siyang agad namang hinawakan ni Doña Felita na batid niyang nagbago na naman ang katauhan ng kaniyang anak.
“Ang pagpaslang ba kay ama ay utos ni Don Lucio?” ang matinis na boses na palaging hanap hanap ng tenga ni Felimon ang lumabas sa bibig ni Corazon na siyang tumusok sa pusong malungkot ng Ginoo.
“Nasaan ngayon ang aking ama, Felimon?” hindi galit si Zonya sa mga guwardiya. Alam niyang hindi nila magagawang pumaslang kung hindi sila inutusan. Kagaya na lamang ng sitwasyon ng kanyang iniirog.
Napayuko si Felimon na ipinagtaka ng kanyang mga kasamahan.
“Pinuno, narito tayo upang hulihin ang natitirang kasaping ito at iba pang utusan ng mga dela Concepcion…” napahinto siya ng makita ang namumuong mga luha sa mata ng kanyang pinuno.
“Iyo sana akong patawarin Binibini subalit kailangan ko itong gawin. Halughugin ang boung mansion at dakpin ang lahat ng kanilang utusan!” sigaw ni Felimon na siyang titig na titig sa bilugang mata ni Zonya.
Ang kanilang tinginan ay pagmamahalan. Si Felimon na siyang napipilitang gawin ang mga masasamang gawain habang si Zonya naman na siyang naiintidihan ang kahit na anong gawin ni Felimon.
Sa malawak na salas ay dahan dahang naglakad si Zonya papalapit kay Felimon na hinayaan naman ni Doña Felita. Wala na siyang magagawa ngayon kundi ang ibigay sa anak ang kasiyahan nito. Durog na durog man kanyang puso subalit mananatili siyang matatag para sa mga anak na palaging sinasabi ni Hernan sa kanya.
Ang mga mata ni Felimon ay nangungusap na huwag palapitin si Zonya sa kanya subalit hindi niya ito mapigil. Ang bawat hakbang ni Zonya ay bawat pag-iyak ng puso niya. Ang mga titig nito’y tumutusok sa kanyang buto na tila yata nagpapahina sa kanya.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...