KABANATA 14

25 2 0
                                    

“Ano ang ibig sabihin ng burdang ito? Kayo ba ay mga espiya Marites?!” mukhang binagsakan ng langit ang mukha ni Marites na siyang namumutla.

Maging ang kutsero ni Corazon ay napatulala rin.  Dahan dahang tinakpan ng sumbrero  ni Mang Catalino ang kanyang burdang kagaya nang kay Marites.

“Ang inyong kalesa Binibini ay nakaharang sa iba pang kalesa. Maaari po bang…” napatigil ito ng makitang isang dela Concepcion ang kinakausap.

“Ipagpatuloy ninyo po ang pag-uusap sa inyong kalesa Binibini.”

“Marites?!” ngayon ay nanlilisik ang naniningkit na mga mata ni Rasilita.

Hindi pa rin nagsalita si Marites at walang nagawa si Rasilita. Nang makarating sila sa mansion ay agad niyang ipinadakip ito at hinubaran ng baro.

“Anong nangyayari dito Cora.. Rasilita?” gulat na gulat si Doña Felita bagama’t kaibigang turing ng kanyang anak si Marites.

“Ang kaibigan kong turing ina ay may nililihim sa akin.” pagpapakita niya agad sa burdang nasa baro ni Marites.

“Subalit pinapahiya mo si Marites sa ating mga guwardiya. Bihisan si Marites ng ibang baro!”

Hindi nakapagsalita si Rasilita sa nagawa. Pinagsisihan niya agad ito habang nakatitig sa burdang iyon.

Pumasok siya sa mansion at ginunting ang burda sa baro ni Marites. Anong ibig sabihin ng burda? Ito ba ang simbolo ng mga espiya? O simbolo ng tagong samahan na may balak na masama sa San Antonio Labrador? Subalit anong samahan?

Napaisip ng mabuti si Rasilita hanggang sumakit ang kanyang mga sintido. Matagal tagal na rin siyang gising kung kaya’t hindi siya magtataka kong gumising si Corazon o ang isa pang katauhan na si Zonya.

Agad siyang nawalan ng malay at nang tumayo ay bilugan na ang mga mata nito. Agad nagtungo si Corazon sa salamin at nagsuklay.

“Ipagpaumanhin mo Raseng ang aking mga nasabi sa iyo noong ako’y nahuhumaling pa kay Señior Jaoquin.” agad nagsalita si Corazon. Wala siyang maalala matapos mawalan ng malay na nakatingin kina Laura at Jaoquin. Matagal tagal na rin iyon at madami na ang nangyari.

Walang sumagot. Napayuko siya.

“Ayaw mo na ba akong kausap Raseng? Ikaw ba ay nagtatampo pa rin?” napansin naman agad ni Corazon ang hawak na ginunting na tela na may burda. Wala siyang maisip kung bakit hawak niya iyon kaya agad niyang nilagay sa aparador.

“Marites?” tawag ni Corazon at napalabas sa salas. Walang sumagot. Nakatingin lamang ang ibang katulong sa kanya na nagtataka kung bakit hinahanap niya ang pinakulong si Marites.

“Nakita niyo po ba si Marites?” napayuko ang kanyang tinanong na nanginginig sa takot. Hindi na nila nakikilala ang kanilang Binibini. 

Agad naman siyang kinaladkad ng ina papalayo sa mga katulong.

“Ina, ano ang iyong ginagawa?”napatitig si Doña Felita sa anak. Batid niyang si Corazon iyon.

“Si Rasilita. Ipinakulong at pinahiya niya si Marites sa harapan ng ating mga guwardiya!” pabulong na sigaw nito na ikinagulat ni Corazon.

Hindi siya makapaniwala. Magkaibigan si Marites at Rasilita bago pa siya.

“Marahil ay may nagawang masama si Marites kay Rasilita..”natigil si Corazon sa sasabihin ng makita ang takot na mukha ng ina.

“Ano po ang nangyayari ina?”pag-iiba ni Corazon dahil nagpapalibot libot ang paningin ni Doña Felita.

“Ayaw na ayaw kong lumabas o magpakahapon ka sa daan anak. Hindi na ligtas ang ating bayan sa mga manggagahasa.”

Isa pa iyon sa nagpagulat kay Corazon. Matagal ba siyang nawala? Napatanong siya sa kanyang sarili. Wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Kung sana nandito si Marites ay ikukwento nito ang mga pangyayari.

“Ibalik si Marites sa mansion.” utos ni Corazon na siyang nagpataka sa mga utusan sa bahay.

Labis ang pag-iyak ni Marites na nakaluhod sa harapan ni Corazon. Hindi man batid niya ang dahilan kung bakit nagalit si Rasilita ay hindi naman niya maitanong ito kay Marites.

Boung gabi ikinuwento ni Marites ang mga pangyayari mula sa pagdating ni Zonya sa mansion hanggang sa si Rasilita ang gumising. Ngunit hindi nabanggit ang patungkol sa burdang nakuha ni Rasilita bago ito makatulog muli.

Iba na ang sitwasyon ngayon. Habang tumatagal ay tumatagal din ang pagtatagal ng mga katauhan sa katawan ni Corazon. At hindi maalala ng isa’t isa ang mga ginawa ng bawat isa.

“Paano nagkakilala si Rasilita at ang bunsong anak ng mga de San Antonio?”nabanggit kasi ni Marites kanina iyon.

Ngunit paanong nalaman ni Marites na nagkita ang dalawa?

“Sa burol Binibini. Nagpunta si Señiorita  Rasilita doon isang araw na nagkataong nandoon rin ang bunsong anak ng mga de San Antonio.”nakangiti si Marites na para bang kinikilig.

“Huwag mong sabihing nagkakamabutihan sila ng loob? Ako’y hindi magpapakasal sa isang de San Antonio!” napatigil si Marites at napaayos.

“Subalit kilala ho rin kayo ni Señior.”

“Ano ang iyong sinasabi? Nagpakilala si Rasilita bilang siya?”umiling-iling si Marites.

“Nabisto kayo ni Señior, Binibini. Siya ang bumangga at tumulak sa inyo noong nagdiriwang kayo ng inyong kaarawan.”

Mga hakbang ang naririnig nila Marites kung kaya’t natigil sila.

“May bisita po ang Binibini.”

Sa malalim na gabi ay may bisita si Corazon? Hindi iyon kaaya-aya subalit humarap pa rin siya. Alam niyang mahalaga ang sadya ng kung sino mang bisita upang pumarito sa kanilang mansion sa mga oras na ito.

Nagulat siya ng makita si Jaoquin na nakaupo sa kanilang salas. May dala pa itong gitara.

Agad itong tumayo at tinanggal ang salakot sa ulo at itinapat sa kanyang dibdib at yumuko bilang paggalang.

Ang mga ngiti ni Jaoquin ay nangingibabaw at tila yata liwanag sa gabing iyon.

Napalapit si Marites at bumulong sa kanyang Binibini.

“Malalim na ang gabi Binibini, nasa kabilang bayan ang iyong ama at si Doña Felita naman ay umalis kanina. Hindi kaaya-ayang kausapin niyo si Señior Jaoquin sa..”natigil si Marites ng naglakad na si Corazon patungo sa naghihintay na Ginoo. Walang nagawa si Marites kundi ang magbuntong hininga.

“Ikinatutuwa kong gising ka pa pala Corazon.”nanlaki ang mga mata ni Corazon ng marinig ang kanyang pangalan. Hindi niya maalalang binigyan niya ng pahintulot si Jaoquin na tawagin siya nito na walang paggalang.

Presko at malinaw pa rin sa kanyang isipan ang pagsisiyahan ng Ginoong kaharap at ng kaibigang si Laura.

“Sa malalim na gabing ito ay napagpasiyahan kong haranahin ka sana subalit nagpumilit ang inyong guwardiya na huwag kong gawin sapagkat wala si Don Hernan at Doña Felita sa inyong tahanan.” wika ni Jaoquin ngunit nakatitig lang si Corazon sa lalaking iniibig.

Ang labi nitong dahan dahan ang pagbibigkas ng bawat salita ang siyang nagpangiti sa kanina lang ay naguguluhan na dalaga.

“Paano si Laura?” nagulat si Jaoquin sa itinanong ni Corazon. Akala niya ba’y malinaw na sa Binibini na pinaglalaruan lamang niya si Laura.

“Si Laura ay dumaan lamang sa aking buhay binata at wala akong balak magtagal sa piling ng isang hamak na anak ng may-ari ng maliit na pagamutan.” inulit na lamang ni Jaoquin ang mga salitang nasabi na niya noon sa harapan ni Corazon sa katauhan ni Zonya.

“Subalit si Laura ang pinakamagandang dalaga sa ating bayan?” naguluhan si Jaoquin sa tanong ni Corazon.

“Marahil ay may nasabi na si Zonya kay Jaoquin bagama’t sumama ito kay ama sa hacienda de Labrador.” wika sa isip ni Corazon.

“Kung iyong mararapatin ay ipagpapaalam ko kay Don Hernan maging kay Doña Felita ang paninimula ng aking panliligaw.” mabilis na pagkakabigkas ni Jaoquin na siyang ikinatulala ni Corazon.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon