“JAOQUINNNNNNNNN!!!”sigaw ni Laura subalit tanging tinig ng mga uwak lamang ang narinig ng naglalakad patungong daungan na si Jaoquin.
Biglang may dumaan na kalesa sa gilid niya kung kaya’t agad niyang itinago ang kanyang mukha. Nagmamadali ang kalesa kaya’t agad itong nawala sa daan.
Nagmadali man si Jaoquin sa daungan subalit walang Laurang nagpakita sa kanya.
Kinaumagahan ay abala ang mga tauhan ng pagamutan ni Ginoong Alfredo sa paghahanap kay Laura. Maging ang mga nakakakilala sa dalaga ay tumulong na rin.
Hindi mapakali si Valentin sa kanilang hardin habang hawak hawak niya ang regalong panyo na galing kay Laura.
“Sa gabi nawala si Laura? Kung iisipin ako ang kanyang huling nakausap kahapon.” nanginginig siya habang iniisip iyon.
“Ano ang iyong hawak Valentin?”napatalon sa gulat ang dalaga ng magsalita si Jaoquin.
“Hindi naman siguro ako paghihinalaan ni Señior Jaoquin kung sasabihin ko sa kanyang nakausap ko si Laura kagabi.” sunod sunod na napalulon ng laway si Valentin.
“Pakinggan mo aking sasabihin..”nagulat si Valentin ng magbago ang tono ng pananalita ni Jaoquin. Kinaladkad siya nito patago sa hardin.
“Hindi ako nagtanong tungkol kay Laura kagabi.”dagdag ni Jaoquin kung kaya napatango si Valentin.
“O’siya itinuro ko rin ang pinuntahan ni Laura kay Señior…… hindi kaya may kinalaman si Señior Joaquin sa pagkawala ni Laura?”
“Naghintay ako magdamag sa daungan kay Laura. Luluwas kami ng Maynila ngayong umaga ngunit hindi siya nagpakita.”malungkot na wika nito..
Napabuntong hininga si Valentin. Akala na talaga niya ay may kinalaman ang pinsan sa pagkawala ng dalagang kaibigan. Niyukom niya ang kamao at itinago ang panyong bigay ni Laura sa kanya.
“Kailangan nating tumulong sa paghahanap kay Laura.”seryosong wika ni Valentin at napatango naman si Jaoquin bilang pagsang-ayon.
******
“Talamak na sa ating bayan ang mga krimen. Wala bang naiisip na solusyon si Don Lucio para dito Hernan?” tanong ni Doña Felita habang kumakain sila ng agahan.
Walang gana si Corazon dahil hindi nagpakita kahapon si Jaoquin sa kanilang tahanan. Pinaglalaruan niya lamang ang kanyang pagkain.
“Gumagawa na ng solusyon ang samahan kaya huwag kang mainip Felita. Kung kaya’t hindi ka muna lalabas ng mansion Corazon, hindi natin alam kung ano ang mga nasa isip ng mga kriminal.” bilin na Don Hernan at mas nainis ang mukha ni Corazon.
Paano na niya lang makikita ang manliligaw na si Jaoquin?
“Narinig mo na ba ang balitang matagal na palang nakauwi ang panganay na anak ni Don Ignacio na si Miguel, Hernan?” mahina kaya napatikhim si Don Hernan. Ayaw niyang pag-usapan ang mga de San Antonio.
Naalala ni Corazon na nabanggit ni Marites na nagkakilala si Rasilita at ang bunsong anak ng mga de San Antonio.
“Matanong ko lang ina, nakita niyo na ba ang bunsong anak ng mga de San Antonio?” natigil sa pagkain si Don Hernan sa narinig mula sa anak. Mukhang ang dami nitong katanungan tungkol sa binatang binanggit.
“Hindi ba’t may manliligaw ka na Corazon at nag-iisa pang anak ng Gobernadorcillo?” napailing-iling si Corazon sa iniisip ng ama.
“Hindi iyon ang aking layunin ama, nabanggit ni Marites sa akin na magkakilala si Rasilita at ang bunsong anak ng mga de San Antonio.”
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...