KABANATA 35

10 2 0
                                    

“MAMAMATAY MUNA AKO BAGO MO AKO MAPIPIGILAN GINOO. MAMAMATAY MUNA AKO.” tuluyan niyang tinalikuran si Juan na hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Si Zonya ay hindi magpapapigil sa kanyang nararamdaman. Si Zonya na nabubuhay lamang dahil kay Felimon.

Sa bawat paghakbang niya papalayo kay Juan ay nakaramdam siya ng kokonting kirot kung saan dahan dahang napatulo ang mga luha ni Zonya. Alam niyang magkakamali na naman siya sa kanyang mga kapatid subalit ito lamang ang tanging paraan upang kanyang huling makausap si Felimon.

Kailangan niyang masabing mahal niya ito bago pa tuluyang magpakasal si Corazon at Rasilita sa isang de San Antonio. Malalim man ang gabi ay patuloy sa paglalakad si Zonya sa ilalim ng buwan. Kanyang hapos ang kanyang magkaparehong braso dahil sa lamig. Ang hindi niya namamalayan ay kanina pa nakasunod si Juan sa di kalayuan. Hindi niya hahayaang mapahamak ang katawang kanyang papakasalan.

Silang dalawa ay nagtungo sa hacienda de Labrador. Ang mga paa ni Zonya ay tila yata alam na ang kanyang pupuntahan. Ang ugnayang mayroon sila ni Felimon ay hindi niya maipaliwanag.

Napabuntong hininga si Juan nang makita mula sa likod ng babae ang pagmamahal niya sa Ginoong si Felimon. Sa bawat paglayo ni Zonya ay bawat pagtusok sa nasasaktang puso ni Juan.

Napahinto silang dalawa nang makita ang aninong tao sa di kalayuan. Ito’y nakatalikod na tila yata tinitignan ang bilog na buwan. Agad napatago si Juan sa likod ng puno bagama’t ayaw niyang mapansin ang kanyang presinsiya.

Nanlaki ang mga mata ni Zonya. Alam niyang tinutulungan siya ng Maykapal. Hindi man nakaharap ang taong nasa kanyang harapan alam ng kanyang puso na ito’y si Felimon. Mula sa likuran ay agad napakayap si Zonya. Yakap na tila yata nagpapaalam.

Bumalik sa diwa si Felimon ng maramdaman ang mga kamay na para bang noon niya pa hinahanap. Mga kamay na nais niyang yumapos sa kanya sa pang habang buhay. Alam niyang ito ang kanyang Binibini.

“Ano ang iyong ginagawa dito Binibini? Hindi ka dapat nagtungo sa hacienda..” nahinto si Felimon ng marinig ang maliliit na hikbi ni Zonya na kailanman ayaw na ayaw niyang marinig. Ang mga hikbi na alam niyang nahihirapan ang kanyang Binibini. Mula sa likod ay isinandal ni Zonya ang kanyang ulo upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman.

Tahimik lamang si Felimon na hindi man lang gumalaw sa kanyang pagkakatayo. Ayaw niyang dagdagan ang mga bumabagabag sa kanyang Binibini. Kaya niyang indahin ang sakit na para bang wala lang sa kanya.

Ilang minuto rin ang dumaan hanggang sa bumitaw si Zonya sa pagkakayakap at pinahid ang mga luha. Iyon na ang kanyang pamamaalam kay Felimon. Alam niyang ang kanilang mga puso ay magkaugnay subalit hindi sila itinadhanang magkasama.

Hindi pa rin lumingon si Felimon kay Zonya. Alam niyang masasaktan lang silang dalawa kung magkakatinginan sila. Nakatitig lamang si Zonya sa malapad na likod ni Felimon. Alam niyang marami siyang dapat sabihin rito subalit isa lamang ang nais niyang malaman ni Felimon.

“Mahal kita.” mula sa likod ay napangiti si Felimon. Alam niyang iyon ang sasabihin ng kanyang Binibini.

“Sinasabi kong hahayaan kitang itanan ako Felimon.” ngayong desperado na ang mga mata ni Zonya na pilit inihaharap ang katawan ni Felimon. Habang nanginginig si Juan sa kanyang nakikita. Alam niyang hindi iyon magugustuhan nina Corazon at Rasilita.

“Binibini..” napabitaw si Zonya ng marinig ang malungkot na boses ni Felimon. Ngayo’y nababatid niyang hihindian siya nito.

“Ika’y huwag nang magsalita. Alam kong hihindian mo rin naman ang aking alok kung kaya nais ko lamang malaman kung ano ang iyong nararamdaman para sa akin.” pinahid ni Zonya ang kanyang mga luha.

“Ikaw ay aking hinahangaan lamang…”

“Kung gayon ay mahal mo rin ako.” hindi na pinagpatuloy ni Zonya ang pagsasalita ni Felimon na ngayo’y napabuntong hininga.

“Hindi sa ganun Binibini.” kaunting lumakad si Felimon na siyang ikinabaon ni Zonya sa lupa. Ang mga salitang hindi niya inaasahang sasabihin ng Ginoong kanyang mahal.

“Subalit aking nararamdaman na iisa ang ating nararamdaman.” dahan dahang lumingon ang nakangiting mukha ni Felimon. Ang mukhang nagsasabing paalam.

“Kailanman ay wala akong karapatang mahalin ka Binibini..” nahinto si Felimon sa pagkakabigkas at natulalang nakatitig sa mga nakapikit na mata ni Zonya.

Ang kanilang mga labi ay naglapat sa ilalim ng bilog na buwan habang hindi makatingin si Juan na kanina pa nanonood at nakikinig sa kanilang usapan. Nanginginig ang mga kamay nito na tila yata nais niyang kaladkarin si Zonya papalayo sa Ginoong kausap  subalit hindi niya magawa.

Dahan dahang kumawala si Felimon na siyang hawak ang parehong balikat ni Zonya. Kahit noon pa man niya nais na mahalikan ang Binibini, hindi naman pwede.

“Subalit binibigyan kita ng karapatan.” agad nagsalita si Zonya.

“Akin nang nabanggit kanina na ikaw ay akin lamang hinahangaan Binibini. Nais ko lamang….” sa pangalawang pagkakataon ay nahinto na naman si Felimon sa kanyang sasabihin ng dumampi ulit ang mga labi ni Zonya sa kanya. Mabilis subalit tagos sa kanyang kalamnan.

Napatalikod si Juan sa nasaksihan. Ayaw niyang makita ang susunod pang mga mangyayari kung kaya’t aalis na lamang siya. Hahayaan niya na lamang na hiramin ng katauhan ni Zonya ang katawan ng kanyang mapapangasawa.

“Hangga’t hindi ka nagsasabi ng totoo ay hahalikan kita ng hahalikan. Alam kong mahal mo ako kaya…” sa bawat salita ay mga luha ang pumapatak sa mata ni Zonya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang gagawin upang sabihin lamang ni Felimon ang nais niyang marinig upang sila’y makapagpaalam ng maayos sa isa’t isa.

“Kaya…. nais kong sabihin mong mahal mo ako, kailangan mo ako, nais mo akong makasama pang habang buhay, gusto mo akong pakasalan…..”

Sa gabing iyon ay pinakawalan ni Felimon ang ibong nasa hawla. Kanyang niyakap ang umiiyak na sinisinta. Alam niyang ito na lamang ang kanyang pagkakataon kaya kanya na itong kukunin.

Hinalikan niya ang noo ni Zonya, bumaba sa ilong, hanggang mapunta sa mga labi ng kanyang mahal. Nakapikit man ito subalit alam niyang nais nitong magpakatotoo siya sa kanyang sarili.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Zonya na ngayo’y titig na titig sa kanya.

“Mahal na mahal kita Binibini.. Mahal na mahal.” sa mga narinig ni Juan ay tuluyan na siyang humakbang at mabilis na linisan ang lugar na iyon. Ayaw niyang masaktan pa. Ayaw niyang ang ibang katauhan ng babaeng mahal niya ay may mahal na iba.

Isinandal ni Felimon ang kanyang noo sa noo ni Zonya at nagsalita.

“Subalit kailangan kong ituwid ang aking mga pagkakamali sa iyo maging kay Binibining Laura, Binibining Anita at Marites.” napalulon ng sunod sunod ni Zonya sa mga narinig.

“Ako’y magpapakasal sa bunsong anak ng mga de San Antonio.” kalayuan man ang nalakad ni Juan subalit rinig na rinig niya ang mga binigkas ni Zonya. Rinig na rinig niya na para bang nagpaliwanag sa kanyang nawasak na mundo.

Bumitaw si Felimon mula sa pagkakahawak sa pisngi ni Zonya. Umatras siya at ngumiti.

“Ika’y mag-iingat sa iyong pag-uwi Binibini.” dahan dahang tumalikod si Felimon na hindi tinignan ang nakatayong si Zonya na nakapikit.

Akma siyang aalis ganun na rin si Juan na lumalayo na nang tuluyan.

“NASAAN SI MARITES AT ANITA!?!!!” umalingawngaw ang malaking sigaw ni Rasilita sa daang iyon na siyang ikinalingon ng gulat na gulat na si Felimon at siyang ikinaripas ni Juan takbo pabalik sa pinanggalingan ng sigaw.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon