KABANATA 19

21 2 0
                                    

“Tumulong po ako Binibini upang makuha ang bangkay ng isang nakabistida ng puti sa ilalim ng tulay ng Pasyon na sinasabing si Binibining Laura, ang anak ni Ginoong Alfredo!”nanlaki ang bilugang mga mata ni Corazon. Ang kaibigang si Laura ay patay na?!

Sa pagkagulat ay nawalan ng malay si Corazon. Hindi man niya palaging nagugustuhan si Laura subalit naging kaibigan ito sa kanya kahit papaano. Hindi niya inakalang ganito ang kahahantungan ng kinamumuhian niyang kaibigan.

“Binibini!”sigaw ni Mang Catalino subalit bigla itong bumangong muli mula sa pagkakatumba sa loob ng kalesa.

Umiiyak ito at dahan dahang napahikbi. Matitinis ang mga hikbing maririnig. Nanghihina ang katawan ni Corazon na ngayon ay si Zonya na siyang lubos ang pagsisisi sa ginawang pagpigil sa pag-ibig ni Laura at Jaoquin.

Mabilis na pinatakbo ni Mang Catalino ang kanilang kalesa upang makapagpahinga na ang kanyang Binibining hindi niya inakalang magugulat sa nangyari.

Pagkarating sa hacienda dela Concepcion ay napatahan na si Zonya. Ang mga mata ng katulong ay nasa kanya. Ang mga matang nagsasabing nasisiyahan siya dahil nawala na ang karibal kay Jaoquin. Ganoon kadaling kumalat ang apoy ng balita sa kanilang bayan.

Pagpasok na pagpasok ni Zonya ay agad siyang niyakap ng kanyang ina na nag-alala dahil nalaman nitong nagtungo ang anak sa hacienda de San Antonio. Ni hindi nga nito pinakialamanan ang balita tungkol sa kaibigan ng anak.

“Ikaw ba ay nahihibang Corazon? Ang iyong pagtungo sa hacienda de San Antonio ay paglilibing mo sa iyong sarili! Nais mo bang mamatay ako at ang iyong ama sa pag-aalala?!” ang mga mata ni Zonya at Corazon ay magkapareha. Ang kanilang mga labi ay iba.

Natigil si Doña Felita ng makitang umiiyak ang kanyang anak. Hindi niya mawari subalit naninikip din ang kanyang dibdib habang nakikitang lubusang nasasaktan si Corazon.

May ginawa ba ang mga de San Antonio sa kanya? O marahil nasaktan ito sa kanyang mga sinabi? Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Corazon.

“Si Laura…..” mga salita sa pagitan ng paghikbi ni Zonya.

“Pinigilan ko ang pagmamahal ni Laura…..” hindi man maintindihan ni Doña Felita pero pinilit niyang ibigay ang yakap na kailangan ng anak.

“Hindi ko naman mawaring ganito ang sasapitan niya ina… Ako ang may kasalanan kung bakit hindi siya sumaya….. Ako ang may kasalanan kung bakit wala sa kanyang piling si Señior Jaoquin upang siya’y mailigtas mula sa……”pinutol ni Doña Felita ang mga binibigkas ng anak.

“Ano ang ibig mong sabihin? Si Jaoquin na siyang iyong manliligaw at si Laura? Hindi ba’t pinaglalaruan lamang niya ang iyong kaibigan?” umalis sa pagkakayakap si Zonya. Tinitigan niya ang kanyang ina na naaawa sa kanya.

Tinatanong man nito ang mga katanungang alam na niya ang kasagutan subalit gusto niyang mismong sa mga bibig ng anak manggaling.

“Tunay ang pagmamahalan ni Señior Jaoquin at Laura ina.”sunod sunod na luha ang pumatak sa mga mata ni Doña Felita. Hindi niya batid ang sakit na dinadala ng anak dahil sa manliligaw nitong si Jaoquin. Ang mga ngiti ng kanyang anak sa tuwing binibisita siya sa kanilang tahanan. Ang mga maliliit na tawa ni Corazon, ang kasiyahang may pait sa kalooban.

Napatakip ng bibig si Doña Felita.

“Ang iyong ginawang pagsira sa kanilang dalawa ay hindi masama anak. Pakatatandaan mong nilalaban mo lamang ang iyong pag-ibig sa lalaking gusto mong mapangasawa. Walang mali doon. Wala.” ang mga salitang pumasok sa isipan ni Zonya ang nagpatigil sa kanyang pag-iyak. Kung gayun, ang pag-ibig na nilalaban. Ang pag-ibig na walang mali kahit makasakit ng iba. Ang pag-ibig na siyang gagawin ang lahat makamtan lamang.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon