Sa ilalim ng malagong tubuhan ng hacienda de San Antonio nakita si Corazon matapos mawala ng tatlong araw. Magulo ang buhok, nakabistida ng puti at walang diwa.Sa tulong ng mga hardinero ay ikinarga ang walang malay na dalaga sa kalesa ng kutserong si Mang Catalino upang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ni Ginoong Alfredo.
“Sa tingin ko ay ginahasa ang inyong anak, Don Hernan.”nanlaki ang mga mata ni Don Hernan matapos marinig ang wika ni Ginoong Alfredo, doktor ng bayan.
“Iuwi ang aking anak sa aming tahanan at siguraduhing walang makalalabas na salita paukol sa kanyang kahirap hirap na dinanas.”,wika ni Don Hernan na walang magawa kundi isalba ang reputasiyon ng anak at kahit papano ay nagpapasalamat itong buhay si Corazon.
“Kamusta ang kanyang lagay?”,tanong ng nababadyang umiyak na si Doña Felita, ina ni Corazon. Hindi sumagot si Ginoong Alfredo ng mapansing gumalaw ang daliri ng anak ng nagtatanong na ngayon ay nakahiga sa puting kama.
Natatamaan ng sikat ng araw ang mga mata ng dalaga at dahan dahang namulat. Agad napalapit si Doña Felita sa anak ngunit agad rin itong napaatras. Naniningkit ang mga mata ni Corazon at mukhang natatawa.
Isang halakhak ang lumabas mula sa bibig nito. Gulat ang lahat at hindi makapagsalita.
“Nagising din ako sa mahaba-haba kong pagkakatulog, ina.”masayang wika ni Corazon at agad bumangon.
Napakapit si Doña Felita sa malapit na bintana. Ganoon na rin si Don Hernan sa gilid ng pintuan ng silid na iyon.
“Rasilita..”dahan dahang bigkas ni Doña Felita at natumba.
Napangiti si Corazon at agad umalis sa kanyang kama. Nag unat-unat at itinayo ang kanyang ina. Walang bakas nang pagkakagahasa o kahit na anong pagkawala.
“Magandang umaga, Ginoong Alfredo at sa iyo, Marites.”nabitawan ni Marites ang dalang palangganitang puno ng tubig.
“Ako’y nagagalak na masilayan kayong muli Señorita Rasilita.”,tugon ni Marites at yumuko bilang paggalang.
Binitawan ni Corazon ang malalaki niyang halakhak na umalingawngaw sa boung mansion dela Concepcion.

BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...