“Ang haligi ng pamilyang dela Concepcion na si Don Hernan dela Concepcion ay inaaresto sa salang pagpatay sa anak ni Ginoong Alfredo na si Binibining Laura. Halughugin ang buong mansion!”sigaw ng isang gwardiya civil na siyang ikinagulat ng mag ina.
“Ano ang iyong sinabi? Si ama ang…” nahinto si Corazon ng itabi siya ni Doña Felita at sinenyasan nito si Marites na ilayo ang anak at apo mula sa mga guwardiya civil. Ang anim sa pitong nandirito ay may dalang mahahabang baril, ang iba ay fistula.
Taas noong lumapit si Doña Felita sa nagsalita kaninang guwardiya. Nanginginig man ang kanyang tuhod subalit nanatiling kalmado ang kanyang mukha.
“Ang aking asawa na si Don Hernan ay wala sa aming tahanan sapagkat siya’y nagtungo sa Palacio upang kausapin ang Gobernador-heneral. Subalit kung hindi kayo naniniwala sa isang hamak na Doña ng bahay ay maaari ninyong halughugin ang aming tahanan. Ngunit inyong pakatatandaang ang inyong gagawin ay hindi makakalimutan ng mga dela Concepcion...” nagsasalita pa man si Doña Felita ngunit hinihila na ni Marites si Corazon papuntang imbakan nila ng bigas. Nagtungo naman sa itaas sina Juana at Juancho at roon nagtago na siyang nakatatak sa kanilang isipan dahil itinuro ito ng kanilang ina na si Constantina.
“Ang utos na ito ay galing mismo sa Gobernadorcillo Doña Felita. Maaaring nagtatago na ngayon si Don Hernan dahil sa kanyang kasalanan.”
“LAPASTANGAN! Ang aking asawa ay hindi masamang hayop upang pumatay ng tao. Hindi iyon magagawa ni Hernan sa kaibigan ng nag-iisa niyang anak!” umalingawngaw ang garalgal na tinig ni Doña Felita sa salas.
“Pumasok na po kayo rito Binibini. Makalalabas po kayo sa hacienda de San Antonio sa pamamagitan ng pintuang ito.” itinuro pa ni Marites ang maliit na pintuang kasya lamang ang isang tao.
Napailing-iling siya. Ayaw niyang iwan ang kanyang ina at naiisip niya ang dalawang batang anak ni Rasilita at ng bago niyang kilalang kapatid na si Constantina. Si Corazon ay maaaring dakpin rin dahil napag-uusapan ang hidwaan ng namatay niyang kaibigan.
“Hihintayin ka ni Mang Catalino sa tubuhan ng mga de San Antonio, Binibini.” ngayon ay namumutla si Marites.
“Hayaan mo sana akong protektahan ang iyong ina. Ikaw ay magtungo na ngayon din.” utos ni Marites at lumabas na sa imbakan ng mga bigas.
Mga kalabog ng kung anu-anong bagay. Mga binasag na gamit. Mga sigawan ng mga utusan ang naririnig ng tenga ni Corazon. Alam niyang nasa mabuting lagay ang kanyang ina at ang mga anak nina Rasilita at Constantina. Agad siyang pumasok sa pintuan at isinarado iyon. Hindi magagawa ng kanyang ama ang patayin si Laura para sa kanya. O di kaya’y ginawa talaga iyon ng kanyang ama dahil sa kanya?
Nakahawak lamang si Corazon sa kanyang sintido na siyang bigla biglang pumipittik kanina pa na para bang may gustong magsalita subalit hindi ito nakakapagsalita sa kanyang isipan. Nahihilo man siya sa dilim subalit pilit siyang naglakad. Alam niyang makalalabas rin siya doon.
Hindi siya tumatakas, hindi rin siya nagtatago. Iyon lamang ay kagustuhan ni Doña Felita.“Sino ka ba? Raseng? Ikaw ba iyan? Kung nais mong magsalita ay makikinig ako?” napaluhod sa sakit ng kanyang ulo si Corazon sa madilim na kanyang nilalakad na siyang maputik.
“Zonya? May nais ka bang sabihin sa akin? Magsalita ka!” hindi mapigil ni Corazon ang kanyang sarili at hinampas hampas ang kanyang ulo dahil sa sakit na dala nito.
“Marahil ay ikaw si Constantina.” aniya bago natumba.
Sa kadilimang iyon ay nahimatay ang dalagang si Corazon. Ang kanyang katawan ay nakahandusay sa maputik na kwebang iyon. Ang kadilimang iyon nga ba ang magpapagising sa isa sa kanyang mga katauhan?

BINABASA MO ANG
CoRaZon
Ficção HistóricaDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...