“Iyo sanang iingatan ang aking minamahal na si Corazon, Señior.”mahina man subalit ang mga salitang iyon ang mas lalong nagpakirot sa nasawing puso ni Jaoquin.
Pinilit niyang nginitian si Felimon. Ang mga mata nito’y gaya nang sa kanya sa tuwing pinagmamasdan niya si Laura noon. Napahawak siya sa kanyang bulsa kung saan naroroon ang tanging naiwang alaala ng kanyang mahal sa kanya. Ang panyong ibinigay ni Valentin dalawang taon na ang nakalilipas, iyon ang panyong regalo ni Laura sa kanyang pinsan bago ito mawala.
Niyukom niya ang kanyang kamao at napabuntong hininga. Hindi niya uulitin ang mga ginawa niya noon kay Laura. Ngayon ay maninindigan siya sa tabi ni Corazon.
Tinapik niya ang balikat ni Felimon upang mapabuntong hininga din ito. Alam niyang oo ang sagot ng Señior. Hindi man batid ni Jaoquin kung paano at kung ano ang tunay na nangyari kay Laura noon, sisiguraduhin niyang sa kanyang pagbabalik ay magkakaroon ng hustisya ang pagkawala ng kanyang mahal. At magsisimula siya kay Corazon, magsisimula siya sa Binibining unang sumira sa reputasiyon ni Laura.
********
Tahimik ang mansion ng mga de San Antonio sa pagdating ni Miguel at ng asawa nitong si Cuerva Trinidad. Hindi pa alam ni Doña Cristita na ang kanyang pamangkin ay parte na ng mga de San Antonio.
“Ikinagagalak ko pong makita kayo Doña Caridad.”pagbati ni Cuerva sa kanyang manugang. Hindi ito sumagot o ngumiti man lang. Ang mga mata nito ay nagpabalik-balik mula sa ulo ni Cuerva hanggang paa. Napatikhim si Don Ignacio na siyang ikinatawa ni Juan.
Ang mga mata ni Cuerva ay napatitig sa meztizong Ginoo na nasa likuran ng kanyang mga manugang. Ito’y ibang iba sa kanyang napangasawa na si Miguel. Kasing edad lamang niya ito subalit alam niyang mas bata ito kung mag-isip.
“Si Cuerva ay hindi mananatili dito sa ating mansion ina.” napatigil ang lahat sa sinabi ni Miguel. Maging si Cuerva ay nagulat din. Agad bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Sa katunayan niyan ay hindi niya gustong magpakasal kay Miguel dahil sa babaero ito at masama ang ugali.
Kung hindi dahil sa kanyang ama na nagmakaawa sa kanya ay hihindian niya na magpakasal kay Miguel.
“Ano ang iyong ibig Miguel?” ngayo’y nagtataka rin si Don Ignacio sa nais ng kanyang anak sa asawa nito.
“Hindi niya ako pinagbibigyan sa aking mga nais kung kaya’t maninirahan siya kasama ang mga magtutubo sa ating hacienda.” hindi na nagtaka si Cuerva. Alam niyang ganito ang kanyang sasapitin sa bayang ito.
Ang mga mata ng mga de San Antonio ay nasa nakayukong Trinidad. Ang pangalang iyon lamang ang hinahawakan ni Cuerva kaya wala siyang magagawa.
“Subalit kararating lamang ng iyong asawa…” napahinto si Juan ng pigilin siya ng kanyang ama.
“Kung gayon, ikaw ay pumasok muna hija upang mapaghandaan natin ang iyong paglipat.” napatango na lamang ang babaeng nakayuko.
Ilang oras din nakatayo si Cuerva sa saradong pintuan ng silid ni Miguel. Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang saya at baka makita ang kanyang mga pasa. Napabuntong hininga siya.
Lalakas ang kapangyarihan ng kanyang pamilya doon sa Maynila dahil sa de San Antonio kaya kahit na hindi niya ibig ay mananatili siya. Ang bayang ito ay magiging kulungan niya habang buhay.
Napatalon siya ng may kumatok sa silid na iyon at kanya namang pinagbuksan. Nakatayo si Juan sa harapan ng pintuan. Nakangiti ito, labas ang biloy na siyang ikinangiti rin ni Cuerva. Naalala niya ang kanyang kapatid sa mukha ng bunsong kapatid ni Miguel.
“Hindi ba’t parang ang sama ni Miguel na hayaang tumira ang isang magandang dilag na katulad mo kasama ang mga magtutubo?” napakagat labi si Cuerva sa mga salitang narinig mula kay Juan.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...