“HMM HAHAHA SI AMA ANG GUMAHASA AT PUMATAY KAY LAURA INA, HINDI AKO!” napaluhod si Doña Cristita sa narinig. Hindi nga niya alam ang boung pangyayaring inakala niyang alam na niya.
Hindi makagalaw si Don Lucio sa binitawang mga salita ng kanyang anak. Wala rin siyang maipaliwanag kung bakit at paano niya nagawa iyon sa kanyang nag-iisang anak.
Nang gabing iyon ay binalot ng katahimikan ang mansion ng de Labrador habang pagdiriwang naman sa mansion ng de San Antonio. Tila yata pinagpalit sila ng sitwasyon.
*******
“Kung gayon ay tinatanggap namin ni ina ang pagiging bahagi ng pamilya nang isang dela Concepcion.” wika ni Miguel sabay itinaas ang kanyang baso ng alak.
“Kung ano man ang ating nakaraan ay kalimutan na natin. Nariyan ang bukas na dapat nating tanawin.” wika ni Corazon na nakatingin kay Doña Caridad.
“Nakalulungkot lamang isipin na hindi na ito makikita ng iyong mga magulang, hija.” napahinto sa pag-inom ng alak si Corazon sa binigkas ng kanyang magiging manugang.
“Ina.” mahinang tawag ni Gregorio na alam nitong ayaw ni Corazon na mapag-usapan ang kanyang mga magulang.
Biglang ngumiti ang naniningkit na mata ni Corazon kaya agad nahawakan ni Juan ang mga kamay nito.
Napatingin si Rasilita sa bilugang mesang kanilang pinagkakainan. Si Don Ignacio at Doña Caridad ay magkaharap sa parehong dulo ng mesa kung kaya’t sila’y may iba ibang kapangyarihan sa mansiong ito. Sa kanang bahagi ni Don Ignacio ay si Miguel na katabi nito ang asawang si Cuerva. Sa kaliwa naman ay si Gregorio na siyang katabi din nito ang asawang si Amanda. Katabi naman ni Amanda ay siya habang katabi niya si Juan.
“Masaya ang aking mga magulang sa kung ano man ang magiging kahahantungan ng aking buhay bagama’t alam nilang pareho na ako’y hindi tanga upang ibaon sa hukay ang aking sarili.” napangiti si Rasilita na napatitig kay Doña Caridad.
“Subalit noon ay ibinaon mo ang iyong isang paa sa pagpunta sa aming mansion.” ngayo’y si Doña Caridad naman ang nagsalita.
“Hindi iyon katangahan subalit katapangan.” mahigpit ang mga hawak ni Juan kaya inirapan ito ni Rasilita na siyang ikinangiti nito.
“Hindi tayo nagtipon ngayon upang pag-usapan ang nakaraan.” pagputol ni Gregorio sa usapan ng ina at nang magiging bayaw.
“Ang kasalang magaganap ay hindi lamang bastang kasal.” wika ni Don Ignacio kaya napatingin ang lahat sa kanya.
“Ano ang iyong ibig ama?” tanong ni Miguel.
“Dahil ito din ang araw ng pagsasakatuparan ng panibagong batas na galing mismo sa Hari ng Espanya.” napatango naman si Amanda sa sinabi ng kanyang asawa na si Gregorio.
“Alam ba ito ni Don Lucio? Ang batas?” hindi mapakali si Doña Caridad ng mabanggit ang Hari ng Espanya.
“Malamang ay hindi ina, tanging si Don Hernan lamang ang nakakaalam maliban sa Gobernador-heneral.” sagot naman ni Gregorio.
Hindi nakikinig si Juan na pinaglalaruan ang kamay ni Rasilita.
“Subalit bago ang lahat ay kailangan muna naming lipunin ang aming lihim na samahan ama.” biglang nagsalita si Juan kaya naman napatingin ang lahat sa kanya na nagtataka sa lihim na samahan.
“Ako’y kasapi sa mga nabilanggo ni Don Lucio na siyang tagong samahan ni Don Hernan, ganun na rin si Corazon.” napatango si Rasilita sa ibig ni Juan. Ngayon ay may pag-asa na siyang makausap si Marites at malaman ang kinalalagyan ng kanyang mga anak.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...