“Subalit hayaan mo ako Hernan na ipatingin sa doktor ng pag-iisip si Corazon at baka nababaliw lang ang ating anak.”wika ni Doña Felita na ikinaatras ni Corazon.Sa boung selebrasyon ng kaarawan at pagbabalik ni Rasilita sa pamilya dela Concepcion ay hindi nakita si Corazon na pinalabas ng kanilang tahanan.
Makalalabas lamang siya matapos suriin ng isang doktor ng pag-iisip. Iyon lamang ang tanging hiling ni Doña Felita sa asawa’t anak nito.
“Nawa ay iyong naiintidihan ang iyong ina Corazon.”,wika ni Don Hernan habang nakita ang anak sa kanilang balkonaheng pinagmamasdan ang mga tauhan na nagkakasiyahan.
“Walang araw na hindi ko inintindi si ina, ama.”,sagot ni Corazon. Sa bawat pagtataas nito ng kamay sa kanya ay iniintindi pa rin niya ito. Tanging inaalala niyang dinidisiplina lamang siya ng ina.
“Subalit hindi ako nababaliw.”,wika ni Corazon at napatingin sa ama.
“Kayang magtago ni Rasilita ama. Lumalabas lamang siya kung aking gugustuhin.”,dagdag pa niya.
Hindi nakasagot si Don Hernan. Buo na ang isip ng kanyang asawa at naanyayahan na rin nila ang isang espesiyalista na taga-Maynila na bisitahin ang kanilang anak.
Kinabukasan ay nadatnan ni Ginoong Bernardo, ang kilalang doktor ng pag-iisip sa Maynila, si Corazon na nakaupo sa mahabang silya sa kanilang salas.
Alam noon ni Corazon na mag-iingat siyang hindi maresulta ang pagsusuri ng doktor upang matawag siyang baliw. Isang oras din ang ginawang pagsusuri subalit sinabi ni Ginoong Bernardo na nasa matinong kaisipan si Corazon na siyang ikinasaya ni Don Hernan at ikibuntong hininga ni Doña Felita.
Bagama’t napatunayang hindi baliw si Corazon ay nababahala pa rin ang Doña sa kamalasang sinabi ni Ineng noon sa kanya. Ang mga matang naniningkit ni Rasilita ang kanyang lubos na ikinatatakot.
*******
Araw ng linggo ngayon kaya’t madaming tao sa plaza San Antonio Labrador. Naroon din si Corazon kasama si Marites. Katatapos lang din ng misa.
Napansin ni Marites na parang kanina pa balisa ang kanyang Binibini kaya tinanong niya ito.
“May hinahanap po ba kayo Binibini upang kayo’y aking matulungan?”,napailing si Corazon.
Kanina pa niya hinahanap ang anak ng Gobernadorcillo. Narito naman si Don Lucio subalit hindi niya makita-kita si Jaoquin na siyang nagustuhan niya sa unang pagkikita.
“Coreng! Coreng!”,tawag ni Valentin kay Corazon upang malingon siya sa dako ng kaibigan at nagbabakasakaling kasama nito ang kanyang pinsan.
“Inimbeta ako ni Señior Jaoquin na manood ng teatro mamaya, nais mo bang sumama?”,nanlaki ang mga bilugang mata ni Corazon ng marinig ang pangalang Jaoquin.
“Batid kong naimbeta mo na si Aneng kaya inimbeta mo rin ba si Laura, Valeng?”ayaw ni Corazon na naroon si Laura at alam niyang ang mata ni Jaoquin ay tititig lamang sa kaibigan na siyang ayaw niyang makita.
“Si Señior Jaoquin mismo ang natungo sa pagamutan ni Ginoong Alfredo upang yayain si Laureng. Nabanggit kasi niya na hindi siya papayagan ng kanyang ama kaya minabuti ni Señior na siya na ang magpaalam para kay Laureng.”tugon ni Valentin na siyang ikinainis ng mukha ni Corazon. Napansin naman agad iyon ni Marites na kanina pa nakikinig.
“Kung gayun ay hindi ako sasama. Sasama lamang ako sa inyo kung wala si Laura.”nagtaka si Valentin sa kung anong ibig sabihin ni Corazon at inis na inis na umalis. Gusto pa naman sana ni Jaoquin na makausap muli ang nakatutuwang dalaga. Napailing si Valentin sa naisip.

BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...