Kabanata 3: Sa Harap ng Altar (2)

1.3K 56 1
                                    

Habang ang ilang mga kababaihang nakaligtas sa mga tama ng baril ay pagapang na kinalampag ang saradong pintuan.. si Divina at ang kapatid ni Rogelio na si Digna ay umakyat ng hagdan papunta sa malalaking bintana ng simbahan..

Makapal na ang usok at hilam na hilam na ang kanilang mga mata.. ngunit batid ni Divina na nakasalalay sa kanyang mga kamay ang buhay nya maging ang buhay ni Digna..! ubok ng lakas niyang siniko ang salaming bintana ng simbahan.. di alintana ang dugo sa kanyang siko dahil sa gasgas mula nabasag na salamin..

Maging ang mga ibang kababaihang nakulong sa loob ng nagliliyab na simbahan ay nakibasag na rin ng salamin.. bahagya silang nakahinga ng nagumpisang lumabas ang maakapal na usok mula sa loob..  ang illan ay pikit matang tumalon mula sa may kataasang bintana.. 

Maging si Digna ay tinangkang tumalon ngunit maagap siyang napigilan ni Divina.. di kakayanin ng katawan ng bata ang taas ng babagsakan na kung susumahin ay tatlong na beses ang taas sa kanya..!

Mabato ang lupang pinagbagsakan ng ilang mga dalaga.. ang ilan ay napasama ang pag bagsak at nagkanda bali ang mga buto.. ang isa pa nga ay umusli ang buto mula sa kanyang magkabilang tuhod.. naghumiyaw ito mula sa sobrang sakit na nadarama.. 

ang ilang maswerteng bumagsak na di nagkaroon ng matinding pinasala ay pa ika ikang tumakbo.. para lamang salubungin ng panibagong bangungot..! agad itong humakbang paatras habang mabilis ang paglapit ng mgadayo  para lamang silaban sila ng buhay..

nagpaikot ikot ang mga ito habang naghuhumiyaw sa sakit ng nagliliyab nilang balat.. panay naman ang pagtawa ng mga dayo na libang na libang sa pag hihirap ng iba..  

nagpalinga linga si Divina.. di siya makapapayag na dito na lamang matapos ang kanilang buhay..!!

malaki ang ibinawas ng pangkat ng mga sundalo.. gutom at sugatan pa ang karamihan sa kanila.. lumapit si Rogelio sa kanilang kapitan.. " kapitan.. di tayo maaring manatili na parang mga usa na takot sa leon..!  tambangan natin sila sa kanilang kampo.."  puno ng galit ang bawat katagang binigkas ng binata.

Tumango tango naman ang kapitan.. " ngunit iilan na lamang ang mga sundalong may kakayahang makipaglaban.. tignan mo ang ating bilang..."  sabay silang napalingon sa kanilang pangkat..

walang anu ano ay napansin ni Rogelio ang pulumpon ng halamang malakas ang taglay na lason... dahan dahan niyang nilapitan ang halaman at maingat na pinitas ang dahon nito.. " ang dagta ng ugat ng halamang ito ay mabangis na lason.. tiyak na ikamamatay nila ang kahit pahid lamang ng dagta.. paano pa kaya kung iinumin nila ito..?" 

Dahan dahang nagsi tinginan kay Rogelio ang iba pang sundalo.. napangisi ang kapitan sa bangis at talas ng utak ng kanyang kapanalig na binata.. " mahusay Rogelio..!"  nang umagang iyon..magkakasama nilang isinalok ang dagta ng halamang may lason..

Isa lamang ang pakay ng kanilang misyon.. ialagay sa inumin ng mga mananakop ang lason mula sa dagta..   madilim na ang kapaligiran.. matataas ang mga talahib ngunit triple ang bilang ng mga mananakop na nasa kampo.. 

Malalaki at matatayog ang mga tent na nakatayo sa patag na damuhan.. may mga naglalakihang sulo na nagliliyab at nabibigay liwanag.. may ilang mga rumuronda sa bawat parte ng tent.. at ang iba naman ay nagiinuman habang kulong sa kanilang mga bisig ang ilang mga kababaihang bihag na ilang araw na nilang pinagpaparausan..

punong puno ng galit ang dibdib ni Rogelio.. lalo lamang nagdidilim ang kanyang paningin sa tuwing dadalaw sa kanyang isipan ang takot na baka maging si Divina at iba pang mga mahal sa buhay ay dumanas ng ganitong klase ng kahayupan..

lakas loob na hinila ni Rogelio ang isang bantay na nakaposte sa likuran ng Tent..  ni hindi na ito nakaimik ng gilitan na ito agad ng leeg..  tumalsik sa mukha ng ilan niyang mga kasamahan ang dugo mula sa leeg ng dayo.. agad na hinila ito papalayo ng ibang sundalo upang di ito makatawag pansin..

 Habang nag patuloy sa pag gapang si Rogelio papunta sa laylayan ng tent...bahagya niyang pinunit ang Tent at  gumapang papasok.. habang sumenyas naman ang kapitan na mag handa ang lahat habang hinihintay ang pagbabalik ni Rogelio..

Abala ang mga hayup na dayo sa pang gagahasa sa mga kadalagahan.. ang ilan sa mga dalaga ay parang basahang ipinupwesto nalang sa posisyong nais nila.. panay lamang ang pag luha ng mga ito na para bang pinanawan na ng pag asa..   patuloy ang pag gapang ni Rogelio hagang sa makarating sa banga na pinaglalagyan ng tubig at alak.. inubos ng binata ang dagta na kanyang dala sa mga banga na iyon.. 

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag si bulaan na ang mga bibig ng mga dayo habang ang ilan ay sumusuka na ng dugo.. mula sa tent ay lumabas si Rogelio puno ng dugo ang katawan  matapos niyang paslangin ang lahat ng mga hayup na dayo sa loob ng tent..

ito ang naging senyales sa kapitan upang lumusob.. ang ilang rumuronda na di nakainom ng lason ay sama sama nilang pinagtataga.. parang gripo na umagos mula sa katawan ng mga ito ang malalapot na dugo..  

napuksa na ang malaking pangkat ng mananakop.. ngunit naguumpisa pa lamang ang laban...

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon