Muling bumalik si Hiisi sa yungib kung saan sila unang nagkasama ni Divina.. dito niya balak palipasin ang walang hanggan.. dito siya mananatili hanggang sa muli siyang puntahan ni Castiel upang paslangin..
" Hiisi..." Agad na napahinto mula sa pagluha si Hiisi nang marinig ang tinig ni Castiel.. agad siyang lumabas sa yungib at nakaramdam ng tuwa.. sa wakas..! makakasama na niyang muli ang kanyang mag ina sa kabilang buhay..!
" ipagpatawad mo Hiisi.. di ko pa nahahanap ang katangi tanging sandatang makatatapos sa iyong buhay..." malungkot na pahayag ni Castiel..
Agad na nakaramdam ng galit si Hiisi.. " kung ganon ay bakit ka pa nakipagkita sa akin Castiel.?!" sigaw ni Hiisi..
" gusto kong ipaalam sa iyo na magkasama na ngayon si Divina at Emma sa langit.. masaya sila kapiling ang ama.. Hiisi patawarin mo ako.. " muling sabi ni Castiel..
Napabuntong hininga si Hiisi.. pilit na inaalis ang bigat sa dibdib.. mapait siyang ngumiti kay Castiel.. kahit papaano ay nakaramdam siya ng kapayapaan dahil alam niyang nasa langit ang mga kaluluwa ni Divina at Emma..
" kung ganon ay maghihintay parin ako sa muli mong pagbabalik para tapusin ang aking buhay Castiel.." nakangiting sabi ni Hiisi..
Tumango lamang si Castiel habang dahan dahang naglalaho.. muling napabuntong hininga si Hiisi kasabay ng pagtingala sa kalangitan.. nakasisilaw ang liwanag ng araw ngunit nagawa parin niyang ngumiti ... " balang araw Divina.. magkakasama tayong muli.. Mahal na mahal kita.." bulong ni Hiisi ..
2015...
Mula sa malayo ay tahimik na tinitignan ni Castiel si Drake at Danica .. natutuwa siya para sa mga ito.. Batid niyang di madali ang tatahaking landas ng dalawa... ang pag iibigan ng isang Lykan at ng isang tao... ang pagkakaroon ng anak.. marami pang pagsubok na kahaharapin.. pinagdarasal ni Castiel na sana ay malampasan ito ng dalawa..
" Castiel...."
Bahagyang natigilan si Castiel nang makaramdaman ang presensya sa kanyang likuran... di na niya kailangan lumingon.. batid niya kung sino ito.. " Hiisi.." bulong ni Castiel..
Marahang lumapit si Hiisi kay Castiel.. kay tagal din nilang hindi nag kita.. napakatagal na panahon niyang hinintay ang muling pagbabalik ni Castiel para wakasan na ang kanyang buhay.. ngunit di ito dumating..
" Hiisi.. Si Divina.." malumanay na sabi ni Castiel habang dahan dahang pumihit paharap kay Hiisi..kita naman ang pagkalito sa mukha ni Hiisi.. takang nakamasid lamang siya sa anghel at hinintay ang muli nitong pagsasalita..
" wala na sa hardin si Divina... palagay ko ay may kinalaman dito si Alaster.. palagay ko ay gagamitin niya si Divina para makuha kang muli.." malumanay na sabi ni Castiel..
" nasan si Divina.?." madiing tanong ni Hiisi.. inilagay ni Castiel ang kanyang palad sa noo ni Hiisi.. sa isang iglap ay nasa gilid na sila ng daan katapat ng isang tindahan ng prutas.. gahol na gahol ang matandang tindera dahil sa dami ng bumibili..
" Dianne..!! ano ba..! dalian mo ang pagdadala ng bayong..!" pasigaw na utos nito sa babaeng tarantang naglalagay ng prutas sa bayong mula sa likuran ng truck..
" nandyan na po tyang..!!" sigaw ng dalaga.. dahan dahang napalakad palapit si Hiisi.. di alintana ang mabilis na pag daan ng sasakyan.. malakas ang kabog ng kanyang puso.. kilalang kilala niya ang boses na iyon.. di siya maaring magkamali..!!
" ay kalabaw..!" sigaw ng dalaga dahil sa pagkagulat.. nang biglang bumungad sa kanyang harapan si Hiisi ..agad nitong nabitawan ang bayong naagad na tumagilid. dahil dito at gumulong ang mga prutas at nagulungan nito ang paa ng dalaga.. agad naman nag kandirit ang babae habang hawak hawak ang daliri sa paa..
Agad namang binuhat ni Hiisi ang dalaga.. nagtitili naman ito at pinagpapalo siya sa ulo.. lalo naman napangiti si Hiisi.. pati ang matinis na tili na ito ay pamilyar sa kanya.. sa isang iglap ay buong kasabikan niyang ginalugad ang bibig ng dalaga gamit ang sarili niyang mga labi..!
Nanatiling nakamasid lamang si Castiel.. nahihiwagaan sa mga nangyayari.. nangangamba dahil baka patibong lang ang lahat.. ngunit sa kabilang banda ay nagagalak dahil muling nabuhay si Divina at ngayon ay nasa mga bisig na muli ni Hiisi..
---End----
Hi guyz..! paliwanag ko lang ha.. ganto kase yun. lahat ng fantasy story ko magkakakonekta.. kung i time frame natin ang lahat.. yung susunod kong story yung tungkol sa Sereno o merman yun ang pinaka nauna sa lahat....Sabay ang Bound by the Dark Lord 1 at The Cross-road Demon.. sabay na nangyayari sa iisang panahon.. after war.. then years and years.. nag kita si Castiel at Meg .. ( si meg po ay ka apu-apuhan sa eklabuh ni Hiisi.. isa siya sa mga susi) Time frame ulit guys.. The Garden's keeper naman un.. tapos after ulit ng ilang years.. 2015.. Bound by the darklord 2.. lumabas sa last episode si Hiisi.. eto na nga yung pinuntahan nila si Divna.. as u can see dyan sa itaas.. bakit ako nag abala gawin ang magkakakonetang chuvah na to.?
dahil balak ko pong gumawa nang story na magkakasama silang lahat.. Si Rhedentor (Darklord) si Drake (lykan) si Castiel (angel) si Hiisi (halimaw) si Lucio (Sereno) laban sa ultimate warrior ng demon world The four horseman of the apocalypse..!!!
So ayun pag pasensyahan nyo na ang magkakakonek na eklabuh..
for referrence.. hehe
try nyo basahin sila para join na kayo sa kalokohan ko..
*the garden's keeper
*bound by the Darklord 1 and 2
* and yung bago ko na tungkol sa sereno.. wala pa ko maisip na title hehehe
love lotz..!
momhienidadhie
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...