Habang mabilis na lumilipas ang mga taon ay palaki ng palaki ang agam agam sa puso ni Hiisi.. batid niyang nalalapit na ang oras nang kanyang pag alis.. marami na ang nakakapansin sa kanya.. ang ilan ay nagsasabing nakakaingit daw ang kanyang itsura.. ngunit nasasabi lang nila ito dahil di nila alam ang katotohanan..
" Ama, halika na at kakain na daw tayo sabi ni Ina.. " nakangiting sabi sa kanya ni Emma.. Nilingon ni Hiisi ang anak.. nakangiti ito sa kanya ngunit bakas ang pag aalala sa mga mata nito.. Hinaplos niya ang pisngi ng kanyang anak.. hinawakan naman nito ang kanyang kamay at mahigpit siyang niyakap.. marahil ay nabasa nito ang laman ng kanyang isipan..
" Marami na ang nakapapansin Emma, sa tingin ko ay napapanahon na upang lumayo ako sa inyong mag ina.." malungkot na bulong niya sa anak..
" hindi ako papayag Ama,. at siguradong magdaramdam ng labis si Ina.. alam kong di mo kayang makita siyang nasasaktan.." madiing wika ng anak..
Bahagyang napangiti si Hiisi.. talagang mana sa kanyang ina si Emma.. matigas din ang ulo nito..! bahagya niyang inilayo sa kanyang katawan ang anak.. ngumiti siya at ginulo ang buhok nito .. umirap naman ito sa kanya ngunit nakangiti.. magkasabay silang umakyat sa kanilang kubo..
Kinagabihan ay bahagya silang nabulabog nang may tumapat na mga kabinataang tumutugtog ng gitara.. nagtatakang dumungaw si Hiisi .. " anong ibig sabihin nito..?!" kunot noong tanong niya sa binatang tumitipa sa gitara..
Agad namang namutla ang mga ito.. ang binatang may hawak ng bulaklak ay bahagyang naginginig ngunit nagpupumilit na umaktong matapang.. bahagyang napangisi si Hiisi.. kay bilis ng panahon.. parang kaylan lang ay nakikita pa niya itong tumatakbo ng nakahubo habang hinahabol ng kanyang ina na may hawak na tambo..tignan mo ngayon at kung umasta ay parang alam na alam na ang takbo ng buhay,,
" Ah,. Manong.." mahinang sabi ng binata.. lalo namang namutla ang mga ito ng biglang kalampagin ni Hiisi ang hamba ng bintana na kinadudungawan niya.. natatawang lumapit naman si Divina sa asawa..
" Roberto.. Naririto ka ba upang mangharana..?" Nakangiting tanong ni Divina.. agad namang tumango tango ang binata.. inis na muling hinampas ni Hiisi ang bintana.. kumaripas naman ng takbo ang isa pang binatang may dalang gitara.. natatawang kinurot ni Divina ang tagiliran ni Hiisi.,
Tila nalito naman ang binata na si Roberto.. di malaman kung susundan ang kaibigan at kakaripas din ng takbo o haharapin ang ama ng dalagang napupusuan.. sa huli ay naisipan niyang lakasan ang loob at ituloy ang pang haharana..
Kahit walang dalang gitara ay kumanta pa rin ang binata.. nakapangalumbaba naman si Hiisi habang parang inaantok habang nakikinig sa binata.. si Divina naman ay nagpipigil nang tawa dahil sa kalokohan ni Hiisi..
" Ina.. anong nangyayari..? " Takang tanong ni Emma.. pupungas pungas itong lumabas sa kanyang kwarto..
" Matulog ka nang muli Emma.. may naligaw lang na palaka sa tapat ng bahay natin at dito naisipang kumokak ng kumokak..!" inis na sabi ni Hiisi..
Tumawa naman ng malakas si Divina habang pinapalo ang braso ng asawa.. " huwag mong pansinin ang iyong ama Emma.. halika at dungawin mo si Roberto.. Hinaharana ka .." Nakangiting sabi ni Divina..
Agad namang namula ang pisngi ni Emma.. pilit na itinatago ang pagkasabik na dungawin ang binatang lihim na itinatangi sa puso simula pa noong nagdadalaga pa lamang siya,,
palihim niyang hinagod ang buhok.. pingasadahan ng haplos ang bestidang nagusot.. umirap lang si Hiisi ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay lihim siyang natutuwa.. dahil ngayon.. kahit iwan niya ang mag ina ay siguradong may magbabantay at poprotekta na sa mga ito..
Boto siya kay Roberto.. nasubaybayan niya ang paglaki nito at saksi siya sa kung gaano nito kamahal ang kanyang dalaga..
Kay bilis ng panahon.. dalagang dalaga na ang batang kalong kalong lamang niya noon sa kanyang mga bisig.. tahimik siyang pumasok sa kwarto at tinitigan ang sarili sa harap ng malaking salamin..
Dalawampung taon ang nakalipas simula ng malaman niya ang katotohanan,.. bahagya siyang napalingon ng makita si Divina na pumasok .. agad niya itong hinila ay niyakap paharap sa malaking salamin..
" Divina.. nakakahalata na ang lahat.. ito na ata ang oras.. " malungkot niyang sabi sa asawa.. agad namang yumakap si Divina habang umiiyak.. Nakangiti si Hiisi habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kanyang asawa.. ilang taon man ang lumipas mananatiling ito parin ang pinakamaganda sa lahat..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Hombres LoboSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...