Madilim ang kapaligiran.. makapal ang hamog.. nakabibingi ang katahimikan.. ni isang buhay ay wala dito sa himlayan..
Panay ang pag tangis ng binata.. di parin lubos maisip na dito na pala mag wawakas ang lahat.. ginawa niya ang lahat ng paraan.. maibalik lang ang dalagang itinatangi ng kanyang puso..
Dahan dahan siyang lumuhod sa maumbok na lupang pinagbaunan niya sa dalaga.. ngumiti ng mapait habang nakamasid sa lupa na tila ba mukha ni Divina ang kaharap..
" Mahal na mahal kita Divina.. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang muli kitang makasama .. ngunit sa tingin ko ay di na ito mabibigyang katuparan.. paalam na mahal ko.. hinding hindi kita makalilimutan.." garalgal ang tinig ng binata habang di maampat ang kanyang pagluha.
Dahan dahan siyang tumayo.. tinanaw maging ang ilan pang nakaumbok na lupa na pinagbaunan niya ng iba pang mahal sa buhay.. sa piling ng kanyang pamilya ay minsan pang nakaramdam ng kapayapaan ang binata.. dahan dahan siyang humakbang palayo.. ngunit bawat himaymay ng kanyang katawan ay nagsasabing humimlay na din kasama sila..
Lumipas pa ang mga araw... ang mga mamamayan ay unti unti nang bumabangon mula sa mapait na karanasan sa mga mananakop.. pilit na pinaglalabanan ang takot at pangamba na baka muling maranasan ang dahas ng mga dayuhan..
Sa kalaliman ng gabi, kapal ng hamog, lamig ng simoy ng hangin.. biglang kumidlat ng malakas.. deretso ang pagtama nito sa lupa na kinahihimlayan ni Divina.. muli pang kumidlat at sa pangalawang pagkakataon ay iisa lamang ang pinuntirya nito na tila ba sinasadya..!
Mula sa pagkakabaon sa lupa ay unti unting napadilat ang mga mata ng dalaga.. ! nangangatal ang mga labi .. nanginginig ang mga laman.. matindi ang uhaw at gutom .. nagmamadaling gumapang paibabaw ang dalaga..
Malakas ang ihip ng hangin kasabay ng pagkulog at pag kidlat.. aakalain mong may paparating na malakas na bagyo ngunit wala naman.. mula sa malambot na lupa ay unti unting lumabas ang mga daliri ng dalaga.. puno ng lupa at putik pinilit niyang makaahon..
Nagkawasak wasak ang mga puno sa kapaligiran.. natuyot ang talahiban at nabulok ang mga halaman at bulaklak..tila inagaw ang buhay at ganda sa kapaligiran na piping saksi sa muling pagkabuhay ng nahimlay..!
Tila umahon lamang sa malalim na tubig ang dalaga.. hingal na hingal siya ng mailabas na ang kanyang katawan mula sa kaniyang himlayan.. patihaya siyang bumagsak habang nakatingin sa kalangitang nababalutan ng makapal at itim na itim na ulap..
Isang malaking hiwaga sa dalaga ang naganap.. Isang malaking Misteryo na di niya alam kung papaano ipaliliwanag.. ang huli niyang natatandaan ay ang napakaraming bala na tumagos mula sa kanyang katawan habang inihaharang ang katawan upang di matamaan si Digna..
Siguradong walang makaliligtas sa ganung pangyayari.. kaya papaano..?! paano siya nananatiling buhay..?!!! Kinapa ng dalaga ang kanyang katawan.. pilit na hinanap ang marka ng bala na alam niyang bumaon at tumagos sa kanyang katawan.. ngunit wala ni isang bakas ang naiwan..
Lalo lamang siyang nahiwagaan.. Nagpalinga linga ang dalaga .. tinitignan kung mayroon bang nakakita sa muli niyang pagkabuhay.. nakahinga siya ng maluwag ng masigurong walang nakakita sa kaniya..
Isa itong malaking biyaya..! maaring bigay ng maykapal ang muli niyang pagkabuhay upang mabigyang muli ng tyansa ang kanilang pagiibigan ng binatang minamahal..! sukat ng maisip ang nobyo.. nagmamadaling tinungo ng dalaga ang nobyo sa kanilang tagpuan..
Ilang milya ang kanyang nilakad..ngunit ni kaunti ay di siya nakaramdam ng pagod.. tanging nasa isip ng dalaga ay muling makasama ang binatang laman ng kanyang puso mula pa ng matutunang umibig..
habang papalapit sa burol ay papalakas ng papalakas ang kabang nadarama ng dalaga.. sim bilis ng hakbang ng kanyang mga paa ay ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso.. ang burol na ito ay ang saksi sa tamis nang pagiibigan nila ng binata..
Maluha luha ang dalaga ng marating ang burol.. tagaktak ang kanyang pawis ngunit ni niya ito iniinda.. ang tanging nasa isipan niya ay ang pag asa na muling makasama ang kanyang si Rogelio..
napakalaki ng buwan.. kay ganda ng sinag , napaka romantiko ng kapaligiran, tila ba isa siyang binibini sa nobela na madalas niyang binabasa.. ngunit ilang beses mang libutin ang burol ay wala ang binata.. nangangamba man ay nanatili ang dalaga sa pag hihintay sa kanilang tagpuan..
hanggang sa umabot na ang pagsikat ng araw ngunit ni anino ng binata ay di niya nakita.. Nagdaramdam man ay nagpatuloy ang dalaga sa paghihintay.. nagawa nga niyang hintayin ang kasintahan ng ilang buwan.. ano ba naman ang hintayin ang binata sa susunod pang ilang oras..
Ngunit tila pinagkakaisahan ng pagkakataon... muling kumalat ang dilim subalit walang Rogelio na dumating.. hawak ang kwintas na hugis puso.. binuklat ito ng dalaga upang minsan pa ay muli niyang masilayan ang mukha ng binatang pinaka mamahal...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
LobisomemSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...