Kabanata 8: Krus na Daan

1.2K 59 0
                                    

Madilim ang kapaligiran at makapal ang hamog.. natatakpan ng makapal at itim na itim na ulap ang liwanag ng bwan ng gabing iyon.. nanginginig man at natatakot pinilit ni Divina na muling ihakbang ang kanyang mga paa papunta sa Krus na daan... 

Pinangingilagan at kinatatakutan ang lugar na ito dahil dito naganap ang pinakamadugong laban sa pagitan ng mga sundalo at mga mananakop.. ilang taon na rin ang lumipas ngunit tila maririnig mo parin ang panaghoy ng mga tao habang nasa bingit ng kamatayan..

Matataas at malalapad ang mga puno na nakapalibot sa buong lugar.. tinalunton ng mga halamang ligaw na bulaklak na dilaw ang kahabaan ng makitid na krus na daan..

Sa pinakasentro pumuwesto ang dalaga… gamit ang mga kamay humukay siya sa mabato at tuyot na tuyot na lupa…

Nang makahukay ng sapat na lalim ay saka niya kinuha ang lanseta mula sa kanyang bayong… gamit ito ay pinutol ni Divina ang ilang hibla ng kanyang lampas bewang na buhok… matapos ay inilagay nya ito sa butas na kanyang hinukay…  muli, gamit ang lanseta.. nilaslas niya ang kanyang pulso..  tumulo ng masagana ang kanyang dugo at pumatak ito sa kanyang buhok na nasa butas...

"Omnimus… emundus …totelara… porsanotote…"  mahinang bigkas ng dalaga… di pa man natatapos sa pagbigkas ay bigla ng kumulog at kumidlat…

Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang alay ng dalaga mula sa hukay… takang napatayo ang dalaga ng makaramdam ng presensya… nagpalinga linga ang dalaga habang hawak ang dibdib…

"Magandang gabi Divina… ano ang iyong kasunduan…?" Malamig na tinig mula sa likuran.

Bawat himaymay ng kanyang katawan ay nagsasabing tumakbo na siya palayo.. ngunit di niya ito ginawa.. bagkus ay pumihit paharap ang dalaga ..

Agad na napanganga ang dalaga ng makita ang anyo ng nilalang sa kanyang harapan.. di siya makapaniwala.!!!!

Matatalas at mahahabang kuko.. mga pangil .. nanlilisik na mga mata ..! Dahan dahan itong lumapit sa dalaga.. "Divina… Divina… natatakot ka ba sa akin…? " nakangising sabi nito sa dalaga..

Dahan dahan nag angat ng tingin ang dalaga sinalubong ang mga titig ng halimaw sa kanyang harapan.. ang mga tenga at buntot nito ay tulad ng mga lobo ngunit ang katawan nito ay parang sa tao.. anong klase ito ng halimaw.!

Gamit ang matatalas na kuko.. pinaglandas ng halimaw ang isang daliri sa pisngi ng dalaga.. agad na napangiwi si Divina ng maramdaman ang paghiwa ng kuko ng halimaw.

" ang kasunduan ko ay…" napaunat ng tayo ang halimaw ng magsalita na ang dalaga…  samantala tinitigan naman ng dalaga ang ka akit akit na ka anyuan ng halimaw sa kanyang harapan…

"Makasama ka habang ako ay nabubuhay pa… " mahinang bulong ng dalaga…

Napakunot ng noo ang halimaw ngunit maya maya ay pumailang lang ang malakas niyang pagtawa…

"Nahihibang ka na…!! Ganyan nga kayong mga tao.. mga baliw.!! Ipagkakasundo mo ang iyong kaluluwa para sa 48 linggo kasama ako.? " mapang uyam na sabi ng halimaw..

"Di mo ako naiintindihan… apat na taon na akong nangungulila… napakahirap mag isa… gusto ko lang ay muling makapiling ang aking mahal..." naputol ang paliwanag ng dalaga ng bigla siyang hiklatin sa bewang ng halimaw.

Magsasalita sana ang dalaga ng bigla siyang halikan ng halimaw. Marahas at mapagparusa ang pag-angkin nito sa kanyang labi.. nalasahan ng dalaga ang sariling dugo habang patuloy ang halimaw sa pag halik. Maya maya ay binitawan siya nito at biglang lumuhod sa kanya habang nakatapat sa dibdib ang kanang kamay habang nakayuko..

Nanatiling nakamaang ang dalaga sa halimaw .. " ganap na ang kasunduan… pagmamay ari mo ako sa loob ng 48 linggo.. ako ay matapat mo nang alagad Master..."  malumanay na sabi ng halimaw..

"Ha…?"  Unti unti nagdilim ang paningin ng dalaga at bumagsak ang walang malay niyang katawan sa tuso at mapanganib na halimaw..

"Pagmamay ari mo ako Master… ngunit di ibig sabihin ay susunod na ako sa lahat ng kahilingan mo… isa ka lamang tao…"  nakangising sabi ng halimaw bago siya buhatin at dalin sa masukal na gubat…

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon