" Tulungan mo kami..! Pakiusap.." nanginginig na sabi ng lalaki habang kalong kalong ang kanyang asawa na namimilipit na sa sobrang gutom.. nakatira sila sa barong barong na nakatayo sa burol di kalayuan sa baryong ito..
Ilang araw na silang di nakakakain dahil nasira ang lahat ng kanilang pananim at naibenta na niya ang lahat ng kanyang mga alagang baboy upang maipambili ng gamot sa karamdamdaman ng kanyang asawa.. tinangka niyang mangaso at kumuha ng prutas sa gubat ngunit isang araw ay nahulog siya sa puno at nabagok ang kanyang ulo.. dahilan upang unti unting manlabo ang kanyang paningin...
Umirap lamang ang Ginang na nagbukas ng pintuan.. Nakataas ang kilay nito na para bang isang malaking abala ang ginawa niyang pagkatok ng pintuan nito gayong ang tanging ginagawa nito kanina ay ang pag kain ng prutas na galing sa kanilang puno..
" Pakiusap.. ilang araw na po kami di kumakain ng aking asawa.. Pakiusap.. kahit siya na lamang po .. kahit isang tinapay lamang po para maibsan ang mangangasim ng kanyang sikmura.. pakiusap..." pagmamakaawa ng lalaki habang halos lumumuhod na at humalik sa lupa ..
" Tsk..! wala akong pagkain dito..! mag si alis na kayo sa aking bahay at baka mahawahan pa ako ng kamalasan ninyo..!" galit na sigaw nito sa kanila kasabay ng malakas na sara ng Pinto.. di siya maaring magkamali.. maaring malabo ang kanyang mga mata.. ngunit ang kanyang pang amoy ay sing talas ng pang amoy ng alaga nitong aso.. alam niyang maraming biyaya sa hapag ng ginang..! desperado na ang lalaki.. nangangamba siyang baka di na makaya ng asawa ang sobrang gutom..
Nagpatuloy lamang sa pag katok ang lalaki.. nilunok ang lahat ng natitirang kahihiyan sa katawan para mamalimos ng kahit kaunting pagkain para sa kanyang asawa.. di na baleng magmuka siyang katawa tawa sa harapan ng iba dahil para sa kanya ang kapakanan ng asawa ang mas mahalaga..
" Pakiusap.. kahit kaunting pagkain lamang po..." muling salita ng lalaki habang panay pa rin ang pagkatok.. ang lahat ng bahay sa baryo na iyon ay napuntahan na nila ngunit gaya ng ginang na kanilang nakausap.. ang lahat ay ipinagtabuyan silang parang hayup..
Mapait na napangiti ang lalaki.. mabuti pa nga ata ang mga alagang manok at baboy.. nabibigyan ng kaunting kanin ngunit sila na tao ay di mabigyan kahit panis na kanin man lang..
dahan dahan niyang tinayo ang asawa at ipinasan sa kanyang likuran.. papaalis na sana sila ng biglang bumukas muli ang pintuan ng bahay na kanina pa nila kinakatok..
Masayang pumihit paharap sa pintuan ang lalaki sa pag aakalang biyaya ang sasalubong sa kaniya.. ngunit nagkamali siya.. galit na isinaboy ng ginang ang isang timba ng tubig..!
" Magsi alis kayo dito ..! huwag ninyo akong idamay sa kamalasan ninyo..!" sigaw ng ginang sa kanila.. ni wala kang mababakas na pagka-awa sa timbre ng boses ng ginang..
marahan na silang umalis sa lugar na iyon... habang pasan ang kanyang asawa, sa bawat pag hakbang ng kanyang mga paa ay kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.. Nanatiling nakamasid lamang sa dalawa ang mga mamamayan ng baryo na iyon..
Nang gabing iyon ay pumanaw ang kanyang asawa.. napuno nang kalungkutan ang lalaki .. Walang ni isa man sa mamamayan sa baryo ang tumulong sa kanila.. kahit kaunting tinapay o prutas ay malaki ang maitutulong sa kanya at sa kanyang asawa ngunit wala..
Bagkus ay itinatrato silang mga basura at ligaw na hayup kung ipagtabuyan.. nawalan na ng gana mabuhay ang lalaki .. nanatili lamang siya sa piling ng kanyang asawa.. kalong kalong ang bangkay nito habang tahimik na hinihintay ang kanyang katapusan..
Ilang araw pa ang lumipas nang may isang matandang nag lakas loob na puntahan ang mag asawa sa burol.. nagkanda suka na ang matanda ng umihip ang hangin at malanghap ang kasulasulasok na amoy na iyon..
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang dahan dahang binubuksan ang pintuan ng barong barong na iyon.. tila napako siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang mag asawa na inuuod na..! magkayakap ang mga ito .. napaluhod ang matanda habang umiiyak.. ang totoo ay nahabag siya sa kalagayan ng dalawa ngunit wala siyang magawa upang mabigyan ang mga ito ng pagkain.. dahil kahit siya ay nanghihingi lamang din sa kanyang mararamot na anak..
Bumagsak at gumulong sa sahig ang kanyang prutas na dala.. matagal niyang inipon ang mga prutas na ito upang ibigay sana sa dalawa ngunit huli na ata ang lahat..
agad siyang napaangat ng paningin ng marahang gumalaw ang inakala niyang bangkay.. agad niyang pinulot ang prutas at iniabot sa lalaki ngunit di nito tinangap..
" Huli na ang lahat... walang makatatakas sa aking sumpa.." ito ang huling katagang sinabi ng lalaki bago siya malagutan ng hininga... simula ng araw na iyon ay nagsimula na ang pagkapeste ng mga pananim.. pagkamatay ng mga alagang hayop.. pagkabulok ng mga prutas.. at kung ano ano pang kamalasan..
nagtangkang umalis ang ilan ngunit sa di maipaliwanag na pangyayari biglang dinadapuan ng malubhang sakit ang mga ito at nagsusuka ng dugo na punong puno ng mga guma galaw galaw pang mga uod..!!... simula noon ay wala nang nagtangkang lumikas sa baryo.. dahil kamatayan ang kapalit ng kanilang paglikas..
Unti unti nilang dinadanas ang pait ng kapalaran ng mag asawa.....
(Kasalukuyan)
Patuloy ang pagpatak ng luha ng halimaw habang inaalala ang mapait na kapalarang kanilang dinanas na mag asawa.. ang totoo ay bago malagutan ng hininga ay may isang lalaki ang nakipagkasundo sa kanya.. ang sabi nito ay muli siyang ibabalik sa pagkabuhay.. malakas at makapangyarihan.. kapalit ng kanyang kaluluwa.. at dala ng galit.. tinanggap niya ang alok nito..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerwolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...