Papasikat na ang araw ng tuluyan ng mapuksa ni Hiisi ang mga taong bayang tumangbang sa kanya..
Napatunayan nyang mga manika na lamang ito ng halimaw.. wala ng buhay ang mga ito kaya naman nahirapan siyang puksain dahil wala nang nararamdamang kahit ano ang mga pumanaw...
Kung pagbabasihan ang mga katawan ng mga ito.. natitiyak na ng binata kung sino ang halimaw na katunggali niya..
LIMOS... ang halimaw ng gutom at kamatayan... tuso at mapanuksong halimaw na kumakain ng kaluluwa ng tao.. unti unti nitong pinapatay ang kanyang mga biktima gamit ang bagsik ng kanyang sumpa..
Maiimbalido hanggang sa di na makagagalaw ang biktima.. dadanas ng pananakit ng tyan at matinding gutom na aabot sa puntong sarili mo ng laman ang kakainin mo... tutunawin ang iyong utak at bubulagin ang iyong mga mata.. taon ang lilipas bago ka niya tuluyang tapusin.. sisiguraduhin nyang mananatili kang buhay habang unti unting kinakain ng uod at bulate ang sistema ng iyong katawan..
Ikaw na ang magmamakaawang tapusin na niya ang iyong buhay ngunit pagtatawanan ka lamang nya hanggang sa sumuka ka na ng dugo at ng sarili mong laman..
Si Limos.. ang halimaw na nalikha mula sa matinding puot sa mga tao na nang api at nang hamak ng kapwa.. kasunduan ng demonyo at tao na puno ng pagkasuklam.. paano nya lilipulin ang kapangyarihan nito gayong hawak nito ang buong bayan.?
"DIVINA... !!!" Malakas na sigaw ni Hiisi habang iniisa isa ang kabahayan.. ramdam nya ang presensya ng dalaga.. di siya makapapayag na saktan ito ni Limos.!! Itataya niya ang kanyang buhay para sa minamahal na dalaga..!
"Hiisi... halimaw ng kagubatan..." natigilan si Hiisi sa pag lalakad ng marinig ang malamig na tinig ni Limos sa kanyang likuran...
Mabilis siyang pumihit paharap sa lalaki at nagpalit anyo... agad nyang inunday ang matatalas na kuko sa dibdib ni Limos... natapyas ang dibdib nito at naglaglagan ang natuyong putik kasama na ang mga uod at bulate...
Ngumisi lang ito at malakas siyang sinuntok... nagulat si Hiisi sa lakas ng halimaw na kalaban ... tumilapon siya at nagpagulong gulong sa lupa...
Agad siyang tumayo upang sumugod ngunit pag-angat nya ng tingin ay gahibla na lamang ang layo ng tuhod ni Limos sa kanyang mukha... muli siyang tumilapon...!!
"Kailangan mo ng mawala Hiisi... di ako makapapayag na makuha mo si Divina..." galit na sigaw ng lalaki...
Umungol ng malakas si Hiisi... kunot ang noo habang nanlilisik ang mga mata... nagngangalit ang mga pangil na malalaki at matatalas habang nakahanda na sa pag atake... bahagyang natigilan sa paglapit si Limos...
Namangha ang halimaw sa biglaang palakas ng kapangyarihan ni Hiisi... tama nga ang mga alamat... kumukuha ng lakas sa galit at depresyon ang halimaw ng kagubatan...
Hiisi... halimaw ng kagubatan... tulad ng kalikasan ay isa itong maganda at kaaya ayang tanawin... sing ganda at halimuyak ng mga bulaklak ngunit sing bagsik at lupit ng delubyo... tulad ng kidlat na biglaang kikitil ng buhay... tulad ng bagyo na sisira sa lahat ng madaraanan... tahimik ngunit kapag nagalit ay walang kasing bagsik...
"Mukang hindi magiging madali ang pagkitil sa iyong buhay Hiisi..." nakangising sabi ni Limos...
Malakas na ungol ang pinakawalan ni Hiisi habang sumusugod kay Limos... dinamba nya ang halimaw at nagpagulong gulong sila sa lupa... gamit ang matatalas na kuko... parang tigre na pinagkakalmot ni Hiisi ang dibdib ni Limos... nagtalsikan ang putik at insekto mula sa katawan nito......
Malakas nya itong kinagat sa leeg...! Madiin na madiin at pagkatapos ay malakas na hinila ang laman sa leeg nito.. agad namang natapyas ang halos kalahati ng leeg ni Limos.. agad na nawalan ng balanse ang leeg kaya naman patagilid na bumagsak ang ulo..
"Hiisi...!!! " natigilan ang binata sa pag halukay sa paubos ng dibdib ni Limos ng marinig ang tinig ni Divina.. nakahinga ng maluwag ang binata ng makita ang dalaga na nasa maayos na kalagayan..
Malakas na tawa ni Limos ang nakapagpatigil sa pagtakbo ni Divina..
Biglang nagsisigaw sa sakit si Hiisi habang namimilipit... sumusuka ng dugo ang lalaki haban nag inat na parang bagong gising si Limos...
"Isa kang hangal Hiisi...nakaligtaan mo ba na ang buo kong katawan ay isang lason... " nakangising sabi ni Limos habang tumatayo.. tagilid parin ang ulo nito dahil sa wasak na leeg.. at butas ang katawan mula bewang hanggang dibdib..
Malakas nitong sinipa si Hiisi at nagpagulong gulong ang binata habang patuloy lang ito sa pagsuka ng dugo..
Naglakad siya palapit kay Divina.. "ligtas ka na Divina... napuksa ko na ang halimaw ng kagubatan..." nakangiti nyang sabi...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Hombres LoboSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...