Kabanata 37: Bihag ng Kadiliman

753 38 6
                                    

(Nalalabing 21 na linggo...)

Mabibilis ang hakbang ni Hiisi .. punong puno ng walang hanggang kadiliman ang kanyang tinatahak.. panay ang kanyang pagtakbo ngunit wala siyang liwanag na masumpungan..

Matinding takot ang kanyang naramdaman.. takot na baka hindi na niya muling masilayan ang magandang mukha ng dalagang iniibig..

"Divina… Divina…" mahihinang usal ni Hiisi… dahan dahang namuo ang luha sa kanyang mga mata…

Sa ganito na lamang ba matatapos ang lahat…?  Kay dali namang binawi ang kanyang kaligayahan... dahan dahan siyang napaluhod..

Pili na inaaninag ang kahit ano mula sa walang hanggang kadilimang kinalalagyan...

" Divina… "  tuluyang naglandas ang mga luha ng binata… gusto nyang manatili sa piling ng dalaga… makasama ito ng matagal na panahon… gusto niyang magisnan ang maganda nitong mukha sa pagmulat ng kanyang mga mata… gusto nyang muling maramdaman ang mainit nitong katawan bago matulog…  gusto nyang makasama si Divina…

"DIVINAAAAA…!!!! " malakas na sigaw ni Hiisi... pumailanglang sa kadiliman ang sigaw ng binata.

Tila isang hudyat namang biglang nakarinig ng papalapit na mga yabag si Hiisi.. agad siyang tumayo at naging alerto..

Papalapit pa ng papalapit ang mga yabag.. agad siyang nagpalit ng anyo.. tumalas ang kanyang mga kuko at nagsilabasan ang mahahaba at matutulis na pangil.. bumalik ang buntot at tenga na simbolo ng kanyang tunay na anyo... ang halimaw ng kagubatan...

"Hiisi… " agad na napaunat ng tayo si Hiisi ng marinig ang baritonong boses na iyon… tiyak niyang narinig na niya sa kung saan man ang tinig na iyon…

Humakbang palapit sa pinagmulan ng tinig si Hiisi… pilit na inaaninag ang pigura sa harapan…  napahinto siya ng makita ang isang bulto ng katawan ng isang lalaki… matangkad ito at malapad ang mga balikat… muli siyang humakbang palapit dito…

"Hiisi pakiusap… " muling salita ng lalaki… napakunot ng noo si Hiisi..bakit kilala siya nito.? Sino ba ang lalaking ito.?

Dahan dahang humakbang palapit kay Hiisi ang lalaki.. bahagyang napaatras si Hiisi habang unti unting naaaninag ang lalaki.. 

Nanlaki ang mga mata ni Hiisi.. agad siyang napaatras habang panay ang pag iling..  hindi ito maaari.!!!

"Hiisi… pakiusap … " muling bigkas ng lalaki…

"Sino ka…?!  Magpakilala ka!! B-bakit  bakit..? " nanginginig na sigaw ni Hiisi..

"Ako at ikaw ay iisa… Hiisi, ako si Rogelio... "  malamig na turan nito.  Agad namang napaupo si Hiisi na tila ba nawalan na ng lakas.. mabilis ang tibok ng kanyang puso.. hindi siya makapaniwala.!!!

"Ako ang tunay na minamahal ni Divina… ipinagkasundo ko ang aking sarili upang mabuhay siyang muli… tinanggalan ni Alaster ng alaala ang aking katawan.. Ginawang halimaw ng kagubatan...limang taon na ang nakakaraan simula ng mabilanggo ako sa kadilimang ito…   limang taong kontrata mo sa kanya... ngunit isang patibong lang ang lahat Hiisi..!!!  tanggap ko na ang aking kapalaran… Hiisi pakiusap… pakawalan mo na si Divina…"

Tila bombang sumabog kay Hiisi ang bawat katagang binigkas ni Rogelio…

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon