kabanata 26: Nalilitong Damdamin (2)

1.3K 43 0
                                    

Tirik na ang araw ng may matanawan silang bayan.. tahimik ang buong paligid na para bang walang ni isang pamilya ang naninirahan sa lugar na iyon...

Nagkatinginan si Divina at Hiisi habang naglalakad.. Agad silang napahinto nang matanawan ang ilang mamamayan na tahimik na lumilikas..  tinangkang tumakbo ni Divina palapit sa mga tao ngunit maagap siyang pinigilan ni Hiisi.... 

" Umalis na kayo sa bayang ito..!!! ang lahat ng naririto ay mamamatay..!!!!!"   sigaw ng isang matanda na papalikas ng ito ay tumingin sa kanila.   payat na payat ang mga ito na para bang ilang araw o linggo nang hindi kumakain..

Agad na hinila ni Hiisi ang kamay ni Divina  palayo sa mga lumilikas na tao..  Nagpatuloy ang kanilang paglalakad hanggang sa naging makulimlim ang kapaligiran.. nagtatakang napatingin si Hiisi sa kalangitan.. batid niyang malakas ang magiging pagbuhos ng ulan..

Muli ay tinignan niya ang dalaga.. bakas sa mukha nito ang pag aalala.. agad niyang nilibot ang mga  mata upang makahanap nang masisilungan..   " halika Divina doon tayo sumilong..!"  masiglang sabi ng binata habang inaalalayan ang dalaga sa isang burol.. 

Mayroong maliit na barong barong na bahagyang nagkakasira-sira na ang mga dingding..  ilang dipa pa ang layo ng dalawa ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.. sinabayan pa ito ng malakas na ihip ng hangin.. 

Binuhat na ni Hiisi ang dalaga ata saka siya tumakbo ng matulin.. ngunit nang makarating sila sa barong barong ay basang basa na ang kanilang damit..   mabuti na lamang at kahit papaano ay di nabasa ang ilang damit nilang dala.. 

tumalikod ang binata at naghanap ng maaring iparikit upang makagawa ng munting apoy upang magbigay init at liwanag sa unti unti ng dumidilim na kapaligiran..    sinamantala naman ito ni Divina at agad na ng hubad at nagpalit ng bestida.. 

patuloy ang pagpatak ng ulan at malakas na hangin.. kinakalampag nito ang mga dingding at iwinawagayway na parang pakpak ang de taas na bintana.. nagsasayawan din ang mga puno at mga talahib... at higit sa lahat napakalamig ng simoy ng hangin..

Agad na nilingon  ni Hiisi si Divina ng mapansin niyang umuubo at bumabahing ito..  Tahimik na inabot naman nito sa kanya ang ilang pirasong damit pang lalake.. takang tumingin siya sa dalaga na ngumiti lang habang pinupunasan ang kanyang basang basang buhok..

" Magpalit ka na ng damit Hiisi.. Malamig ang simoy ng hangin at basa ang iyong damit.. "   masuyong saad ng dalaga habang patuloy ang pagtutuyo ng kanyang buhok.. nakatingin ang dalaga sa kanyang buhok habang nakatingin naman siya sa labi ng dalaga na bahagya pang nakaawang...  tila nahipnotismong nanatiling nakatitig si Hiisi sa magandang mukha ng dalaga..

" napaka ganda mo.." mahinang bigkas nito sa dalaga... napahinto naman ito at dahan dahang nagbaba ng tingin sa kanyang mukha..  gahibla na lamang ang layo ng kanilang mga mukha...

Napapikit ang dalaga ng maramdaman ang mainit at mamasa masang labi ng binata.. dali dali nitong hinubad ang basang damit at binuhat ang dalaga nang di pinuputol ang halik.. 

Salungat ng malamig na panahon ang init ng kanilang katawan.. nagtatagisan ang kanilang mga labi habang dumadama ang mga palad sa maiinit na nilang katawan.. 

isinandal ni Hiisi ang dalaga sa isa sa mga dingding.. ipinulupot naman ng dalaga ang kanyang dalawang hita sa bewang ng binata.. lalong nakaramdam ng init si Hiisi ng maramdaman ang kanilang kaselanang tanging manipis na panloob na lamang ang pagitan...

Nang bumaba ang kanyang mga labi papunta sa leeg ni Divina ay buong pananabik niyang sinipsip ang mainit nitong balat.. agad naman napaungol ang dalaga dala ng kiliti at bugso ng init sa kaibuturan..

Nang di na makapagtimpi.. muli niyang binuhat ang dalaga at inihiga na sa papag.. nagmamadali ang bawat kilos na para bang may kaagawan.. itinaas niya ang laylayan  na halos magkapunit punit na dahil sa pagmamadali niyang maihubad ito.. 

nakangiti naman ang dalagang tumulong na sa binata.. maging ang kahuli hulihang saplot ng dalaga.. para silang nagugutom sa isang bagay na tanging katawan ng isat isa ang makabubusog..

Mula sa malayo ay unti unting lumawak ang ngiti sa bibig isang nilalang na nakamasid sa dalawa ...   "   sa unang pagtapak ng inyong mga paa sa aking baryo ay pagmamay-ari ko na ang inyong katawan... " 

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon