Napalilibutan na sila... wala nang masilungan..! Pilit na itinatayo ni Hiisi si Rogelio ngunit tuluyan na itong nawalan ng malay..
Nakangisi ang mga kalaban habang nanlilisik ang mga pulang mata .. pagod na pagod na si Hiisi, ni hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan dahil sa dami ng sugat na natamo mula sa pakikipag laban...
Gigil siyang sumigaw..! Unti unti nang kinakain ng kadiliman ang pag asa niyang makalabas at makatakas... sa ganito na lamang ba matatapos ang lahat..? Naitanong ni Hiisi sa kanyang sarili...
Sabay sabay na sumugod ang kalaban.. pumikit na lamang si Hiisi habang hinihintay ang kanyang katapusan..
Ng walang anu ano ay bilang kinain ng nakakasilaw na liwanag ang buong kapaligiran.. naglaban ang dilim at liwanag na parang mga usok na pinalilibutan ang isat isa..
Agad namang huminto ang mga mala usok na pigura ng tao.. bakas sa pulang mata ng mga ito ang takot habang nakatingin sa lalaking pinagmumulan ng liwanag..
Ang lahat ay nagsitakbuhan palayo dahil sa takot ng marahang lumakad palapit kay Hiisi ang mahiwagang lalaki..
"Huwag nyo nang tangkaing tumakas… " malamig na turan ng lalaki habang nakatingin sa mga mala usok na pigura…
Pumikit ang lalaki at tinaas ang dalawang kamay… bahagyang tumingala … nag sigawan sa takot ang mga kalaban ng lalo pang tumindi ang liwanag na nagmumula sa lalaki… nakasisilaw ang mainit init nitong liwanag…
Nag hiyawan sa sakit ang mga kalaban habang dahan dahang nilalamon ng liwanag unti unting nabura ang mga itim na malausok nitong mga katawan habang nagliliyab ang mga mata nito…
Pumikit ng mariin si Hiisi dahil sa matinding pagkasilaw na nararamdaman… maya maya pa ay unti unti ng humupa ang liwanag ngunit wala na ang walang hanggang kadiliman bagkus ay napalitan na ito ng maliwanag na kapaligiran…
Nakangiti itong lumapit kay Hiisi na nakaupo habang hawak ang balikat ni Rogelio… nakaramdam ng takot si Hiisi, ramdam niya ang napakalakas na kapangyarihang taglay ng lalaki,.
"Kinagagalak kitang makilala Hiisi… halimaw ng kagubatan…" malamig nitong sabi bagaman nakangiti… di tuloy alam ni Hiisi kung nakakaramdam ba ng emosyon ang lalaking kaharap…
"Sino ka at bakit mo kami tinulungan…?" Takang tanong niya..
"Ang pangalan ko ay Castiel… at isa akong anghel… naririto ako upang protektahan ang batang nasa sinapupunan ni Divina… " nanlaki ang mga mata ni Hiisi sa narinig… ni hindi na niya nagawang makapagsalita pa…
"Nagtataglay ng pambihirang kakayahan ang iyong anak at mga susunod pang lahi mula sa kanya… balang araw ay gigising ang apat na susi … at ang hanapin ang mga susi ay ang aking misyon…" malumanay na sabi ni Castiel… nanatiling nakatulala lamang si Hiisi…Tumingin ito kay Rogelio at hinawakan ang kamay nito… unti unting naglaho ang katawan ni Rogelio at napalitan ng mala usok na kulay asul… kumikinang ito at napakaganda…
"Kukuhanin ko na ang kaluluwang ito… dahil mapanganib kapag muli itong nakabalik sa katawan mo… dahil sa oras na tangapin mo ito ay muli kang magiging pagmamay ari ni Alaster… gagawin nya ang lahat upang makuha ang kaluluwa ni Divina upang di na maisilang ang inyong anak…" malumanay na sabi ni Castiel habang nakatingin sa tila bolang apoy sa kanyang palad…
" Hiisi… syam na linggo mula ngayon ay susunduin na ng kadiliman si Divina… kailangan mo itong pigilan…ang pagsunog sa marka ay walang bisa dahil hawak ni Alaster ang kontrata…" napasabunot sa kanyang buhok si Hiisi… galit na galit kay Alaster…
"Anong gagawin ko Castiel…? Ano.!!! " sigaw ni Hiisi.. ngumiti lamang si Castiel at ihinawak ang dalawang daliri sa noo ni Hiisi..
"Sa ngayon ay bumalik ka at ibsan ang pangangamba ni Divina… " unti unting lanlabo ang mga mata ni Hiisi… tila tinangay ang kanyang diwa papunta sa kung saan…
At nang magmulat na muli ng mata si Hiisi ay tila nalulunod siyang napasinghap at sabik na lumanghap ng hangin.. hawak ang dibdib na mabilis ang pagtibok ay napabalikwas siya ng bangon mula sa papag..
Mula sa ibaba ay nagmamadaling umakyat at lumapit sa kanya si Divina.. panay ang pag usal nito ng pasasalamat habang walang patid ang pag iyak..
Agad namang tumayo si Hiisi at sinalubong ng mahigpit na yakap ang asawa at nananabik itong hinalikan.. ipinangako ni Hiisi sa kanyang sarili na di niya hahayaang mapahamak ang kanyang mag ina.. di siya papayag na sunduin ito ng kadiliman..! Itataya nya ang kanyang buhay.!
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Hombres LoboSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...