Nanlalaki ang mga mata ni Divina.. kunot ang kanyang noo at salubong ang mga kilay.. nanginginig ang buong katawan habang nakatulala sa katawan ng binata nakadapa sa lupa ngunit walang katinag tinag .. Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha.. " bakit.. Hiisi ...? bakit mo ginawa ang bagay na ito.? bakit..!!!!!!" sigaw ni Divina..
Ingat na ingat ang bawat pag galaw ng dalaga dahan dahan niyang inangat ang katawan ng lalaki at ikinalong ang ulo nito sa kanyang kandungan.. panay ang pagpatak ng kanyang luha habang umuusal ng panalangin sa maykapal.. " panginoon.. pakiusap ...! iligtas mo si Hiisi..!!"
Panay parin ang pag agos ng kanyang mga luha habang ibinabalot sa kanilang hubad na katawan ang kumot.. nabuhayan ng loob ang dalaga ng marinig ang mahinang pagtibok ng puso ni Hiisi..! " Hiisi..! salamat...! Salamat..!!! " napuno ng kaligayahan ang puso ng dalaga agad niya ng pinitas ang isang piraso ng perlas sa porselas ni Hiisi.. agad itong nagliwanag kaya naman dali dali niya itong isinubo sa tikom na bibig ng lalaki..
Agad na dumilat ang mga mata ng binata kasabay ng nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa mga mata nito.. Panay ang pag usal ng pasasalamat ni Divina.. unti unting nawala ang liwanag ngunit di pa rin nagkakamalay si Hiisi.. naikwento ni Hiisi ang kapangyarihang taglay ng mga perlas.. may kakayahan ang bawat butil na magligtas ng buhay depende sa laki ng pinsala ang tinatagal ng pag gamot ng perlas...
Kahit pa nga hindi pa nanunumbalik ang ulirat ng binata ay di parin nawawalan ng pag asa si Divina.. patuloy ang kanyang panalangin habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ng binata.. higit sa inaasahan ni Divina ang tagal ng oras ng kanyang pag hihintay.. tirik na tirik na ang araw ngunit nananatili parin sa pagkahimlay ang katawan ni Hiisi.. nakararamdam man ng kaba nanatili parin ang pananalig ng Dalaga sa perlas..
" Hiisi.. pakiusap Hiisi .. mahal ko pakiusap.." lumuluhang bulong sa hangin ni Divina habang nakatingin sa binatang nanatiling tikom ang bibig at nakapinid ang talukap ng mga mata.. nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan ngunit wala paring nagbabago sa binata.. unti unti ng nawawalan ng pag asa si Divina..
Malakas siyang tumili ng maramdaman ang pagpatak ng ulan.. tila ba nakiramay ito sa pighati na kanyang dinarama.. " Hiisi .. pakiusap.. huwag mo akong iwan.." patuloy ang pag luha ni Divina habang marahang tinatapik ang pisngi ng lalaki.. tulad kanina ay di parin ito natitinag..
Dahan dahang yumuko si Divina at mahigpit na niyakap ang katawan ng lalaki na kanina pa niyang umaga hinihintay na muling bumalik mula sa pagkakahimlay.. lumipas pa ang ilang oras... Kalat na ang Dilim.. malalim na ang gabi.. ngunit maging si Divina ay di na rin natitinag mula sa pagkakayuko.. patuloy ang malakas na pag patak ng ulan at napakalamig na rin ng hanging dumadampi sa katawan ng dalaga.. ngunit di niya magawang gumalaw... ayaw niyang gumalaw..Nakatulugan niya ang pag iyak..
maliwanag na ang kalangitan ng muling dumilat ang mga mata ng dalaga.. mapait siyang ngumiti ng makita ang mukha ng binata sa kanyang kandungan.. tulad kagabi ay pikit parin ang mga mata nito at tikom ang bibig.. pumatak na muli ang luha ng dalaga .. " Hiisi.. bakit mo kami iniwan ng iyong anak.?" malungkot niyang bulong sa lalaking nahihimlay sa kanyang kandungan..
Dahan dahan niyang hinaplos ang noo ng lalaki .. ingat sa bawat pagdampi dahil sa pangambang baka matuklap ang balat nito.. dahan dahan niyang idinampi ang kanyang mga labi sa nakatikom nitong bibig.. matindi ang paninikip ng kanyang dibdib.. tila ba may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib.. hirap na hirap siyang huminga.. muli niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaking minamahal..
Tulala na si Divina ng dumating ang tanghali.. matindi ang sikat ng araw at maalinsangan at maalikabok ang tuyot na lupa.. ngunit di natitinag sa pagkakalupasay sa lupa ang dalaga.. mahigpit ang yakap sa binata.. Nawalan na siya ng pag asa.. di na niya alam kung paano mabubuhay ngayong wala na ang binata..
" D-Divinaa.." napakunot ng noo si Divina ng marinig ang tinig ni Hiisi.. tila hanging dumaan lamang sa kanyang pandinig.. takang inilapit ang kanyang mukha sa lalaki.. pilit na pinakikingan kahit ang paghinga man lamang nito..
" Divina.." agad na napatakip sa kanyang bibig si Divina dala ng sobrang pagkabigla.. di siya makapaniwala.. dahan dahang nagmulat ng mga mata ang binata kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi nito..
" Ang akala ko ay di ka na muling babalik..! Hiisi salamat at di mo ako iniwan..!" sigaw ni Divina habang mahigpit ang pagyakap sa binata.. bahagya naman itong umubo habang mahinang tumawa..
" kung ipagpapatuloy mo ang pagsakal sa akin ay baka tuluyan na akong malagutan ng hininga.. pumasok ka na sa loob at kumain Divina.. mananatili lamang muna ako dito dahil hindi ko pa maigalaw ang aking katawan.." nakangiting sabi ng binata..
Umiling naman si Divina at masuyong hinalikan ang mga labi ni Hiisi.. " sasamahan kita hanggang sa tuluyan nang manumbalik ang iyong lakas Mahal ko.." Magkasabay silang napangiti habang nakatitig sa mga mata ng bawat isa...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...