Tirik na ang araw nang mag mulat ng mata si Divina.. agad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap ng kanyang mga mata ang binatang si Hiisi..
" Magandang umaga binibini.. kamusta na ang iyong pakiramdam..?" tanong nito sa dalaga.. agad na napakunot noo si Divina..
di niya maiintindihan.. paki wari niya ay may kakaiba sa binata ngunit di pa niya ito ma punto... nang mapansing may katagalan na rin siyang nanatiling nakatulala sa lalaki ay nakaramdama ng pagkapahiya si Divina..
Nagkanda utal utal pa siya ng sabihin niyang nasa maayos na kalagayan siya.... Ngumiti lamang ang lalaki habang inabot sa kanya ang mainit init pang tinapay... napangiti siya at tinangap ito habang dali daling hinati upang bigyan ang lalaki..
Nanatiling nakamasid lamang ang halimaw sa dalaga.. di lubos maisip na pagkakaabalahan pa nitong hatiin ang kapirasong tinapay na iyon upang ibigay sa kanya...
" hindi ko maintindihan kung bakit tayo muling bumalik dito.. hindi bat ikaw na mismo ang nagsabing may kakaiba sa lugar na ito...?" Takang tanong ni Divina…
Nanatili lamang na nakamasid si Limos… nakatingin sa piraso ng tinapay na hawak hawak ni Divina…
Sa oras na kagatan ito ni Divina ay tuluyan ng mapapasakanya ang kaluluwa ng dalaga… tulad ng lahat nang dating nakatira sa lugar na ito… muli syang bumalik mula sa hukay upang makapaghiganti …! Bawat isa ay inalok nya ng kayamanan, ng pagkain, ng kaulayaw.. at ang lahat ay natukso at kumagat sa pain nya.. lahat ay napasakanya.. simula nuon ay unti unti na niyang pinapatay ang lahat gamit ang matinding uhaw at gutom.. bagay na naramdaman niya nuong nabubuhay pa siya.!
Ngunit iba si Divina.. ramdam niyang mabuti ang kalooban ng dalaga.. ito ang kauna unahang tao na nagbigay ng makakain sa kanya.. nagtatalo ang dalawang katauhan ni Limos... ang dugong halimaw at dugo ng tao na marunong maawa..
Mabilis ang naging pagkilos ni Limos… lumapit siya kay Divina at hinablot ang hawak nitong tinapay… ngunit huli na ang lahat… may kaunti na itong bawas…
Unti unting bumagsak si Divina sa sahig habang namimilipit dahil sa sakit ng kanyang tiyan…
"DIVINA…!!!!! " mula sa labas ay umalingawngaw ang malakas na tinig ni Hiisi..
Bahagyang dumilat si Divina pilit na pinaglalabanan ang pananakit ng sikmura.. tumitig siya sa mukha ng lalaki.. "hindi ikaw si Hiisi… " bulong ng dalaga habang hawak ang tiyan…
"Tama ka … isa akong halimaw… ngunit ang lalaking iyon ay tulad ko rin… sigurado akong tulad ko … kaluluwa mo rin ang habol nya… kaya bakit imbes na magtago mas nais mong matagpuan ka nya…? " malumanay na tanong ni Limos habang unti unting nagpapalit ng anyo..
Nanlaki ang mga mata ni Divina nang makita ang tunay na anyo ng halimaw.. humaba ang buhok nito ,, nawalan ng buhay ang mga mata.. humumpak ang katawan na tila ba ubos na ang laman.. humakbang ito palapit kay Divina..
Kumuha ng maipapanlaban si Divina.. pinilit nyang tumayo at iwinasiwas ang nakuhang kahoy sa harap ng halimaw... nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga kasabay ng matinding pagkagutom… nanghihina siya at tila ba lumulutang sa alapaap ang kanyang utak……
Mabilis na nahawakan ni Limos ang magkabila nyang braso… agad na nakaramdam ng takot si Divina ng magsilabasan ang uod at bulate sa tenga nito… pati ang bibig nito ay may mga uod at putik na laman… para siyang patay na muling nabuhay…
"Hayaan mo akong tignan ang iyong nakaraan… nais kong malaman kung bakit mo kasama ang halimaw na iyon… kapalit ay hahayaan kitang makita ang aking kapalaran ng ako ay tao pa… " malumanay na bigkas ng halimaw…
Isinandig siya nito sa dingding at pilit na ibinuka ang kanyang bibig… nanlaki ang mga mata ni Divina nang lumapat ang labi ng halimaw sa kanyang bibig… ramdam nya ang pag galaw ng mga uod sa kanyang bibig…! Ang lasa ng putik …! Nakakasuka …! tumulo ang luha ni Divina habang unti unting nawawalan ng kulay ang itim niyang mga mata…
Napakunot ang noo ni Limos nang makita ang nakaraan ni Divina… ang digmaan, ang kamatayan ng mga mahal nito sa buhay.. ang paghahanap at pangungulila sa nobyo.. kalupitan ng mga tao na inakala siyang baliw.. at ang kasunduan sa krus na daan... ngayon ay lubos na niyang naunawaan ang lahat..
Inalis nya ang kanyang labi sa bibig ni Divina.. nanatili itong tulala habang unti unting nawawala ang mala ulap na bumabalot sa itim nitong mga mata..
At ng mahimasmasan ay tuluyang nagsuka si Divina.. nangilabot sa bawat dumi na lumabas mula sa kanyang bibig.. nanatiling nakamasid si Limos.. di lubos maisip na magkasing pait ang kanilang kapalaran.. huli na ang lahat para kay Divina.. wala nang makatutulong pa sa dalaga..
"Ikinalulungkot ko ang iyong kapalaran… " mahinang sabi ni Limos… itinaas niya ang kanyang kamay… at pinalaya mula sa sumpa ang kaluluwa ng dalaga…
Agad namang natigil sa pagsuka si Divina… nagulat pa siya ng mapansing wala na ang dumi na kanyang isinuka… takang napahawak ang dalaga sa kanyang tiyan at napansing wala na rin ang sakit… maang na napatingin ang dalaga kay Limos…
"Tulad mo ay ikinalulungkot ko rin ay naging kapalaran mo at ng iyong asawa… Nagpapasalamat ako at iniligtas mo ako mula sa sumpa…" malungkot na sabi ni Divina…
"Mabuti ang iyong kalooban Divina kayat ikinalulungkot ko ang kapalarang naghihintay sa iyo … " malungkot ding turan ni Limos…
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...