Napabalikwas ng bangon si Hiisi… para siyang nalulunod at kailangang kailangang makalanghap ng hangin…
Bahagyang umuga ang papag dahil sa biglaan nyang pag bangon at dahil dito ay na alimpungatan na rin at bumangon ang nagtatakang dalaga…
"Hiisi bakit…? " agad nitong hinaplos ang pisngi ng lalaki.. punong puno ng pag aalala ang mukha nito..
Paano..? Paano nya magagawang iwan ang babaeng pinakamamahal nya.?
Umiling lang si Hiisi at mapait na ngumiti.. lalo namang nag alala si Divina ng mamuo ang mga luha sa mata ng lalaki.. agad nyang pinunasan ng kanyang mga palad ang naglalandas na luha sa pisngi ng lalaki...
Bigla naman syang niyakap ng mahigpit ng binata.. lalo pang lumakas ang pag luha nito na para bang ilog na walang patid ang pagragasa...
"Ako… ako si… Divina ako si…" garalgal na sabi ni Hiisi… agad naman siyang pinatahimik ng halik ni Divina…
Lumuluha narin ang dalaga ngunit nakangiti… inilabas nito ang pendant na nakasabit sa kwintas sa loob ng bestida… ipinakita niya kay Hiisi ang kanilang larawan…
"Ikaw si Rogelio hindi ba…? Pilit kang itinatanggi ng aking utak ngunit kilala ka ng aking puso,. Mahal na mahal kita.. mula noon at hanggang ngayon. Kahit anu mang maging anyo mo ... kilala ka ng aking puso.." malambing na pahayag ni Divina.. agad naman siyang niyakap muli ng binata..
"Hanggang ngayon ay wala parin akong na aalala tungkol sa nakaraan… ngunit sigurado akong ako at si Rogelio ay iisa…Divina patawarin mo ako… naging halimaw si Rogelio at naging ako upang masilayan kang buhay at malakas… patawarin mo ako sa aking kasakiman…" muling napaluha si Hiisi…
Hindi na niya magawang ipagpatuloy pa ang pagtatapat ng katotohanan tungkol kay Rogelio at sa kaluluwa nito… maging ang kapalarang nag hihintay sa dalaga… di nya alam kung paano ipaliliwanag…
Yumakap naman sa kanya ang dalaga... " tama nga ang lahat ng tinuran ni Limos… sinabi nyang maaaring ikaw ay si Rogelio at nakipagkasundo para maibalik ang aking buhay, kaya naman sinisisi ko ang aking sarili.. dahil sa akin ay nagkaganyan ka.. Rogelio.. Hiisi.. patawarin mo ako.. patawarin mo ako mahal ko..! " lumuluhang pahayag ni Divina..
"Kaya pala paulit ulit na sinasabi ni Limos na ililigtas ka nya mula sa akin… ngayon ko lang naunawaan ang lahat… Divina tama si Limos… iligtas mo na ang iyong sarili …" nakayukong sabi ni Hiisi…
Umiling naman si Divina at yumakap ng mahigpit sa binata… "kung kaya kong gawin ang sinasabi mo … di sanay nagawa ko na… Hiisi… ayoko nang mag isa… ano ang silbi ng buhay kung mag isa lang ako at patuloy na nangungulila…?! Kung dati ay binalikan kita kahit pa pinatakas na ako ni Limos.. lalo na akong di aalis dahil kailangan ka ng ating anak.. pakiusap huwag mo kaming iwan ng iyong anak,.." lumuluhang pahayag ni Divina...
Napatingala na lamang ang binata habang umuusal ng panalangin.. " Panginoon… litong lito na ako… hindi ko na alam ang gagawin… pakiusap panginoon ang aking mag ina… iligtas mo sila… pakiusap pakiusap…" taimtim na dasal ng binata habang mahigpit ang yakap sa dalaga…
Hanggang sa paglubog ng araw ay patuloy paring namamahay ang takot sa puso ni Hiisi.. nakatingala sa kalangitan habang patuloy ang panalangin..
Mula sa kanyang likuran ay masuyong yumakap si Divina.. pilit nyang pinaharap ang binata.. puno ng agam agam ang mukha ng lalaki at nalulungkot ang dalaga sa nakikitang takot sa mga mata nito.. masuyo nyang hinila ang binata papunta sa batalan.. nagtatakang sumunod ito sa kanya..
Kahit saglit, nais ni Divina na maalis pansamantala ang lungkot sa lalaki.. nakangiti siyang humarap sa binata at dahan dahang naghubad sa harap nito..
Agad namang natigilan ang binata.. sasawayin sana nya ang dalaga ngunit pinatahimik na siya ng mainit init nitong labi..
Si Divina na mismo ang nag hubad ng kanyang kasuotan habang nananatili lamang siyang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga..
" Divina…" bahagyang napaungol si Hiisi ng maramdaman ang kamay ni Divina na masuyong humahaplos sa kanyang pagkalalake… muli lamang siyang pinatahimik ng halik nito…
Tila isang paslit siya nitong pinaliguan.. bawat parte ng kanyang katawan na mabasa ng tubig ay agad nitong hinahalikan at bahagyang sinisipsip.. mariing napapikit ng mga mata si Hiisi habang ninanamnam ang pagdampi ng labi ni Divina sa kanyang balat..
Bahagyang napangiti si Divina.. sa ganitong paraan ay pansamantalang mahuhupa ang takot at agam agam ni Hiisi.. nais nyang mapaligaya ang lalaki sa abot ng kanyang makakaya..
Mula sa malapad nitong dibdib ay lalo pang ipinadausdos ni Divina ang kanyang mga labi.. pababa sa tiyan papunta sa puson.. "aaahhh Divinaaa…!! " malakas na ungol ng lalaki.. agad siya nitong hinila pataas at sabik na hinalikan..
Pinatalikod siya nito habang bahagyang pinatukod sa ding ding.. agad na naunawaan ng dalaga ang nais nitong gawin ng maramdaman ang lalaki sa kanyang lagusan..
Mabilis at madiin ang bawat indayog ng lalaki habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang balakang paulit ulit ang pag ulos hanggang marating ang sukdulan..
Binuhat siya ng lalaki pabalik sa kubo.. agad siyang inihiga sa papag at duon ay muli nilang tinahak ang luwalhati sa dako paroon..
Tulog na si Hiisi ng bumangon si Divina.. muli siyang lumuhod sa burol at nanalangin tulad ng dati.. ipinalangin niya ang kaligtasan ng lalaking minamahal.. dahil una pa lamang... sya ang may kasalanan ng lahat.. kung hindi siya namatay at muling binuhay.. di sana nangyari ang lahat ng ito....
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...