Kabanata 19: Panandalian

981 45 2
                                    

Nang tuluyang mapuksa si Achlys ay agad na pinuntahan ng binata si Divina.. agad niyang kinalong ang katawan ng dalaga habang hinihintay ang pagbabalik ng malay nito.. at di nga siya nagkamali dahil ilang sandali pa ang lumipas ay dahan dahan na itong nag mulat ng mata.. 

Laking pasasalamat ng binata ng ngumiti ang dalaga at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.. tumutulo pa rin ang luha nito ngunit batid ng binata na di pighati ang nararamdaman ni Divina ngayon..

" maligayang pagbabalik Master.. " nakangiting sabi ng binata.. nanlaki ang mga mata ng binata ng bigla siyang halikan sa labi ni Divina..! nagkunyapit pa ito sa kanya habang mapusok ang bawat pag galaw ng labi nito sa kanyang labi..

Nakaramdam ng pagkalito ang binata.. kanina lamang ay itinutulak siya nitong palayo,, ngunit kung yakapin at halikan siya ngayon at tila ba ilang taon silang di nagkita..

Pansamantala ay nalingat si Hiisi .. hinayaan ang dalaga sa kanyang ginagawa habang patuloy ang paglasap ng panandaliang kaligayahan sa piling ng dalaga ..  panandaliang siyang nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin.. gumanti siya ng yakap kay Divina mas mahigpit pa kung tutuusin.. pinalalim pa niyang lalo ang halik na kanilang pinagsasaluhan habang daahan dahan niyang inihihiga ang dalaga na ni katiting ay walang ginawang pag tutol.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ni Divina habang pinaliliguan ng mumunting halik ng binata ang kanyang buong mukha.. napakagat pa siya ng labi ng maramdaman ang labi ng binata sa kanyang leeg habang dumadama sa magkabila niyang dibdib ang magkabilang palad nito..

Di na makapagpigil ang binata.. maalinsangan ang kapaligiran ngunit alam niyang di ito dala ng klima.. itinaas niya ang laylayan ng bestida ng dalaga..bestidang nakuha nila mula sa bahay na pinagdalhan sa dalaga.. 

Napaliyad ang dalaga ng muling damhin ng binata ang magkabila niyang dibdib .. ngunit higit na mapusok na ito dahil maya maya pa ay isinubo nito ang isa sa tuktok habang pinaglaruan ng daliri ang kabila..

"   Rogelio..! Rogelio..! Rogelio..!  "  mahihinang anas ni Divina habang pinagpapala ni Hiisi ang magkabilang bundok.. para namang binuhusan ng malamig na tubig ang pakiramdam ng binata..

Kunot noo niyang nilingon ang mukha ng dalaga na puno ng luha.. kagat nito ang sariling labi habang dahan dahang nagmulat ng mata dahil sa biglaan niyang pag hinto sa ginagawa..  at nang magtama ang kanilang mga mata.. nabatid ni Hiisi ang pagkabila sa mukha ng dalaga...

Muli niyang hinalikan ang labi ng dalaga ngunit sa pagkakataon na ito ay di na siya tinugon bagkus at pilit pa nitong itinitikom ang bibig.. nakaramdam ng sakit ang binata.. di niya maunawaan ang dahilan ng dalaga sa paglalaro sa kanyang damdamin ng ganito..!

" Tama na Hiisi.."  mahinang sabi ni Divina habang pilit na itinutulak ang balikat ng binata na muling nakahalik sa magkabila niyang dibdib.. 

" hanggang kelan mo ba ako paglalaruan..!"  Pumailanglang sa yungib ang sigaw ng binata.. umalis siya mula sa pagkakadagan sa katawan ng dalaga at  lumayo.. ngunit nakaiilang hakbang pa lamang siya ay naramdaman niya ang pagyakap ni Divina mula sa kanyang likuran..

" patawarin mo ako Hiisi .. di ko sinadayang saktan ang iyong damdamin.. "  madamdaming pahayag ng dalaga ..   " huwag mo akong iwang mag isa pakiusap.."    muling lumuha si Divina .

Maaring samantalahin na ng iba ang ganitong pagkakataon.. ngunit di ito magawa ng binata.. di nya magawang gamitin ang kahinaan ni Divina upang maangkin ang katawan nito..  " Divina.. "  tanging nabangit ni Hiisi habang nakatingala..

" ayoko ng mag isa.. ayoko na.."   patuloy ang mahigpit na pag yakap ng dalaga sa kaniya.. marahan niyang binuhat ang dalaga at muling inihiga .. batid niyang kung itutuloy niya ang kapangahasan ay mapipilitan si Divina na pagbigyan siya.. ngunit di ito makakaya ng konsensya ng binata..

Ang maangkin ang katawan ni Divina dahil lamang napilitan na itong pagbigyan siya  ay gawain ng isang halimaw.. tuso siya mula pa noon ay ginagamit na niya ang kahinaan ng iba para sa kanyang kapakanan.. ngunit iba si Divina.. di niya kaya niyang gawin ang ganoon sa dalaga..

Nang ilapag niya ang katawan ng Dalaga at bakas niya ang pagaalinlangan sa mukha nito..

 " matulog ka na Divina.. Di ako aalis.. mananatili ako sa tabi mo.."  bulong ng binata.. unti unti namang napayapa si Divina at bahagya pang tumango.. 

" Salamat Hiisi..."  ganting bulong ng dalaga bago tuluyang pumikit .. hinalikang muli ng binata si Divina.. ngunit sa pagkakataong ito ang tanging nadampian ng labi ng binata ay ang noo ng dalaga..

Nang gabing iyon ay muli silang nakatulog ng magkayakap..    

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon