Madilim ang kapaligiran.. maputik ang damuhan.. puno ng takot... puno ng galit..!
Ito ang paulit ulit na pinagdaraanan ng bawat sundalong nakikibaka para sa kalayaan..
Mula sa kanilang pinagkukublihan sumenyas ang kapitan upang maghanda para sa pangtatambang sa mga dayo..
Agad namang nagsitanguan ang mga sundalo at nagsipag handa ng kanilang mga sandata..
Mula sa liwanag ng mga sulo.. natanawan ng mga sundalo ang maliit na pangkat ng mga dayo... kung susumahin ay nasa trenta lamang ang mga ito.. maiingay ang mga ito na tila ba di nakararamdam ng kahit anong takot.. kung umasta ang mga ito ay para bang pag mamay ari nila ang buong bansa.!!!
Doble ang kanilang bilang ngunit higit ang lakas ng armas ng kalaban.. bolo at mahinang pampasabog ang mayroon sila habang baril na may lanseta sa dulo ang hawak ng mga mananakop...
Umahon ang galit sa mga sundalo ng marinig ang tawanan ng mga mananakop habang papalapit sa kanilang pinagtataguan.. panay naman ang pag iyak ng mga kadalagahang minomelestya ng mga ito sa daan.
Nakatali ang mga kamay ng mga bihag na ilang milya na ang nilalakad.. habang ang mga dalaga ay sakay sa mga kabayo habang binababoy ng mga kalabang pangkat..
Ilang dipa na lamang ang layo ng mga ito habang patuloy ang paglalakad.. ni isa sa mga mananakop ay di nakatunog sa mga sundalong gumagapang papalapit..
Isa sa mabisang paraan para sa matagumpay na pakikidigma ay kailangang gamitin ang kahinaan ng kalaban ...! Sa isang iglap ay sumugod ang mga sundalo sa mananakop..!
Dahil sa mga sulo na hawak ng mga mananakop.. di pa sanay ang kanilang mga mata sa dilim.. habang ang mga sundalo naman ay katuwang ang dilim sa pakikibaka..
Naghiyawan sa sakit ang mga dayo ng undayan sila ng taga at saksak ng mga sundalo.. tinangka ng mga ito na hugutin ang kanilang makabago at malalakas na baril ngunit bago pa man magawang iputok... ay pinupulot na sa putikan ang kanilang mga braso...!!
Ngunit mahusay din ang kapitan ng mga mananakop.. gamit ang malakas na tunog ng trumpeta.. tinawag nito ang pansin ng mas marami pang pangkat na ilang milya lamang ang layo mula sa kanila...!!
Agad na nakaramdam ng takot ang mga sundalo.. ngunit buhay ang kapalit ng segundong pag aalinlangan..! Tumakbo palapit si Rogelio papunta sa kapitan ng kalaban..
"Hiiiyyaahh...!!! " sigaw ng binata habang ubod ng lakas na tumalon upang maabot ng kanyang bolo ang leeg ng kapitan..
Nagtalsikan ang dugo sa buong katawan ng binata habang nagpagulong gulong na parang buko ang ulo ng napugutang kapitan..
"Bok...!!! Umatras na daw tayo sabi ng kapitan.!! " sigaw kay Rogelio ng matalik niyang kaibigan. Kinuwelyuhan siya nito habang hinihila papunta sa madilim na kagubatan..
Di pa man nakalalayo ay pumailan lang na ang putok ng baril..! Ilang hakbang sa kanan ng binata ay tumilapon padapa ang isa nilang kasama habang unti unting umagos ng masagana ang dugo sa likuran nito..
Lalo namang nagmadali ang mga sundalo upang humanap ng matataguan. Puno ng nginig at takot.. hinawakan ni Rogelio ang pampasabog na bawat isa sa kanila ay mayroon.
Nang makahanap ng tyempo ay malakas niya itong inihagis papunta sa mga mananakop na nagsihabol sa kanila.. malakas ang naging pagsabog nito at kitang kita ng binata ang nagsitalsikang katawan ng mga kalaban.. napuno ng panaghoy ang minsan ay tahimik na kagubatan...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Manusia SerigalaSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...