Kabanata 13: Yari sa Kahoy

1K 49 0
                                    

Nang makapasok sa maliit na bahay na gawa sa kahoy ay basta nalamang siyang isinalya sa sahig.. agad na tumayo ang dalaga at sumugod sa malaking lalaking dumakip sa kanya.. pinagsisipa at pinagsasampal nya ang lalaki.. kitang kita ang pamumula ng balat nito habang pilit na iniiwasan ang kanyang pag atake..

 Biglang may isa pang lalaking dumating at ubod ng lakas siyang sinampal.. agad na siyang bumagsak habang hawak ang duguang labi..  hiniklat nito ang kanyang braso at marahas na itinayo.. puno ng malisya ang paraan ng tingin nito sa dalaga .. "  kung ayaw mong masira ang maganda mong mukha matuto kang sumunod sa lahat ng gugustuhin ko naiintindihan mo..!?"  sigaw na tanong ng lalaki..

Bilang kasagutan ay tinuhod ito ni Divina.. agad na napaluhod at namilipit sa sakit ang lalaki. sinamantala naman ito ng dalaga at tumakbo palabas .. ngunit nakaiilang hakbang pa lamang ang dalaga ay biglang nagdilim ang kanyang paningin kasabay ng paghataw ng kahoy sa kanyang likuran.. 

padapang bumagsak ang dalaga habang nakangisi naman ang lalaki.. " tsk tsk yan ang gusto ko sa babae.. lumalaban.. tignan natin kung makalaban ka pa pag pinagsawaan ko na yang katawan mo..!"  saad ng lalaki habang tumatawa..

Ang ilang kababaihang bihag din ng bahay na iyon ay nanatiling tahimik at nakasiksik sa isang panig ng bahay.. di man nakatali  bihag na sila ng ideyang wala ng tatangap sa tulad nilang ilang beses nang pinagpasa pasahan ng ilang lalaki..

Mula sa bangin na pinaghulugan nila ng dalaga.. muling bumalik ang binata.. hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa dahilan kung bakit ba iba ang pakiramdam niya sa tuwing malapit ang babaeng iyon sa kanya.. 

humiga ang binata sa mabatong bangin.. ginawang unan ang magkabilang braso habang nakadikwatro ang mga binti.. pilit na sinasabi ng binata na di siya nag aalala sa kalagayan ng dalaga..  ngunit kabaliktaran ang sinasabi ng kanyang dibdib.. malakas ang pagtibok ng kanyang puso at bahagyang nanginginig ang mga kamay..

"  whooaaahh..!! ano bang kalokohan ito..?!" takang tanong ng lalaki habang bumabangon..  mapakla ang kanyang pag tawa habang pilit na pilit ang pagsigla sa kanyang tinig.. " maganda nga iyang pumanaw na siya agad upang malakaya na ako sa kasunduan.. dahil sa kanya ay nawala ang isang perlas ko.. dapat sana ay matatapos ko na ang aking kontrata sa susunod na bwan..! balakid lang talaga yang kutong lupang yon..!" 

ngunit unti unti ding nawala ang ngiti ng binata habang nakatingin sa kakahuyang pinanggalingan nila ng dalaga..maaring linlangin niya ang lahat ng tao sa mundo.. ngunit di niya magagawang linlanginang kanyang sairli.. 

dahan dahang siyang tumayo at tumalon mula sa bangin.. isa ang nasa isipan.. muli niyang hahanapin ang dalaga..  di bilang alipin ng master.. kundi bilang..... hindi..!!!

" ginagawa ko ito dahil ito ang tungkulin ng isang alagad sa kanyang Master"  nakangising sabi ng binata habang dahan dahang umaahon .. mabilis ang pagtakbo na kanyang ginawa papunta sa kinalalagyan ng dalaga..

Nagising si Divina na nasa loob ng isang kwarto.. agad siyang bumangon at tinignan ang sarili.. ng maramdamang wala namang kakaiba partikular sa bahaging 'iyon' nakahinga ng maluwag ang dalaga.. agad siyang tumayo at nagtungo sa malapit na bintana.. tinangka niyang umakyat mula sa bintana ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mukhang t*e na lalaki..

nakangisi ito habang dahan dahang lumapit sa dalaga.. " mabuti naman at gising ka na.. kanina pa ako nanabik sa muling pag gising mo.. alam mo naman hindi ako mahilig sumiping sa mga natutulog na babae. mas gusto ko yung nagmamakaawa habang marahas ko silang inaangkin.. hahahahha"   malakas na sabi nito na sinabayan pa ng pagtawa..

agad na nakaramdam ng kilabot ang dalaga.. sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nangamba sa kanyang pagkababae.. dati rati ay napapalibutan siya ng mga lalaki na nagmamahal at rumerespeto sa kanya.. ngunit wala na ang lahat ng mga lalaking iyon.. 

Nanginginig man sa takot ay pilit na humanap ang dalaga ng maipanlalaban sa hayok na lalaki.. agad niyang kinuha ang lumang kahoy sa dingding at itinapat ito sa mukha ng papalapit na lalaki.. agad naman itong ngumisi at naglabas ng malaki at matalim na lanseta..  

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon