Kabanata 4: Sa Harap ng Altar (3)

1.1K 63 2
                                    

Ilang linggo pa ang nakalipas ng tuluyang mapalaya ang bansa laban mga mananakop.. pinarangalan ang kapitan at mga sundalo dahil sa kanilang determinasyong mapalaya ang bansa laban sa emperyalismo.. ngayon ay unti unti nang aahon mula sa sakit ng digmaan ang bawat mamamayan..

Ngunit higit ang sayang nadarama ni Rogelio ng mga panahon na iyon ay di dala ng mga parangal na ang unang presidente ng bansa ang nag bigay.. bagkus ay ang ideyang makasasama na niyang muli ang kanyang pamilya maging ang pinakamamahal na dalagang pinangakuang ihaharap sa altar sa oras na siya ay makauwi,, 

Puno ng kasabikan ang dibdib ng binata habang sabay sabay silang bumabyahe pabalik sa kani kanilang mga bayan..  unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ng binata ng marating ang bukana ng kanilang bayan.. tila may mabibigat na bakal na nakapolupot sa magkabila niyang mga paa.. 

bawat hakbang papalapit ay lalo lamang ikinadudurog ng kanyang puso.. walang patid ang pag agos ng kanyang luha habang pinagmamasdan ang sira sirang kabahayan maging ang umuusok usok pang simbahan.. " ito ba ang bayan na sinilayan ko..?" bulong ng binata sa kanyang isipan..

Paulit ulit niyang isinisigaw sa kanyang isipan na di totoo ang lahat ng kanyang nakikita.. itinaya niya ang kanyang buhay upang mabigyan ng mapayapang kinabukasan ang pamilya na kanyang iniwan ng siya ay magpalista upang maging sundalo..

Ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay ang una niyang iniisip kaysa sa kanyang sariling buhay.. nanikip ng husto ang kanyang dibidb ng tumapat sa kanilang munting tahanan.. kalahati nito ay sunog habang kalahati ay wasak wasak.. 

dahan dahan siyang pumasok sa loob.. sinalubong ang binata ng matinding pagdadalamhati habang nakamasid sa dalawang katawan ng nasunog na tao.Babae at lalaki.. dahan dahan siyang napaluhod habang haawak hawak ang kaniyang dibdib.. kilala ng kanyang puso ang dalawang ito.. ang mga magulang na nagmahal at kumalinga sa kanya simula pa sa una niyang pag uha..

tila wala na sa katinuan ni Rogelio.. agad siyang lumabas ng bahay at patakbong tinungo ang ibat ibang panig ng kalsada.. iisa ang nasa isipan..  " huwag naman po sana.." piping hiling ni Rogelio..

Sa bukana ng simbahan siya dinala ng kanyang mga paa.. sa labas pa lamang ay kita na ang ilang katawan na kung hindi tadtad ng sak sak o tama ng baril.. mga sunog o di kaya basag ang mga buto..... sumasabay sa hangin ang amoy ng lapnos at nabubulok na nilang mga balat na nagpaikot ng sikmura sa binata.. 

Ubod ng lakas niyang sinipa ang pinuan ng simbahan.. dahil tupok na ng apoy ang karamihan sa parte nito.. madali itong tumumba.. sinalubong naman ang binata ng mas nakasusulasok na amoy ng nasunog na mga katawan.. 

Panay ang kanyang pagluha habang hinahanap ng kanyang mata ang dalawang babaeng minamahal " Panginoon.. huwag naman po sana.. pakiusap po.. huwag mo po silang pabayaan.."     ito ang paulit ulit na isinasambit ni Rogelio habang isa isang sinisipat ang mga patong patong na katawan..

umakyat siya sa hagdan na bahagya nang nasunog.. tila may sariling pwersa ang kanyang mga paa habang  patuloy ang pag hakbang .. dinala siya sa bintanang basag ang mga salamin.. inikot niya ang paningin upang hanaping muli si Digna at Divina.. 

Lalo lamang naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata ng matanawan ang dalawa magkayakap sa bubungan ng simbahan... pilit niyang tinalunton ang manipis na pader upang makalapit patungo sa dalawa.. di mapatid ang kanyang pagluha ng dahan dahang hapulusin ang pisngi ng dalagang minamahal..

ni walang tinag ang dalawa kahit pa nasa harapan na nila ang binata.. " mahal ko.. naririto na ako.." madamdaming salita ni Rogelio habang kinakalong sa kanyang bisig ang wala ng buhay na katawan ni Divina.. nakaligtas man sa sunog.. di nakaligtas sa tama ng baril ang dalaga maging ang kanyang kapatid.. 

panay ang kanyang pag luha habang tila isang baliw na panay ang pag palahaw ng iyak... tinangka niyang hawakan ang kapatid na si Digna ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ng balanse ang bangkay ni Divina at gumulong ito padausdos sa bubungan.. agad naman siyang sinalo ni Rogelio at magkasabay silang nahulog sa mabatong lupa.. 

" huwag kang mag alala mahal ko .. susundan kita kahit san ka man mag punta.."  bulong ni Rogelio sa dalaga habang unti unting inilapat sa malamig na labi ng dalaga ang kanyang sabik na labi.. dahan dahang pumikit ang mga mata ng binata habang unti unting nawalan ng malay..

nakakatawang isipin.   tila isang malaking biro.. dahil.... ito ang kauna unahang halik na kanilang pinagsaluhan...

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon