Kabanata 24: Phillinnion Lamia (2)

894 44 6
                                    

Mabilis ang naging pagtakbo ng dalaga.. hingal na hingal na siya ngunit patuloy parin ang kanyang pagtakbo.. di siya maaring tumigil.. dahil tiyak na ang kaniyang dangal ang yuyurakan ng kalalakihang humahabol..

Isinilang siya sa baryong ito.. kasama ng kanyang ina na si Milagros at amang si Ernesto.. maayos ang lahat kahit pa nga nagsimula na ang digmaan.. ngunit ng mamatay ang ama, doon na nag simula ang kalbaryo ni Beatriz..

Isang malakas na pagpalo sa likuran ng dalaga ang nakapagpatigil sa kanyang pagtakbo..   agad siyang binuhat at dinala sa may ilog at duon halinhinang ginahasa..  panay ang pagmamakaawa ng dalaga ngunit tila bingi na sa pakiusap niya ang mga kalalakihang ito.. tila mga hayup na hayok na hayok sa kanyang katawan.. panay pa ang pagungol at pagtawa ng mga ito habang panay naman ang pagmamakaawa at pakikiusap ng dalaga..

Ang akala niya ay tapos na ang pambababoy at pagpapahirap sa kanya ngunit nagkamali siya.. isang lalaki ang kumuha ng malaking bato at walang habas itong ipinukpok ng ipinukpok sa mukha ng dalaga..!

nagkabasag basag ang maganda nitong mukha.. di tumigil ang lalaki kahit pa puno na ng dugo ang kanyang katawan dahil sa nagtalsikang dugo mula sa mukha ng dalaga.. Nagulat man ang ilan pang kalalakihan wala ni isa ang nagtangkang iligtas ang dalaga mula sa kamatayan..

Nang mapagod sa pagpukpok sa mukha ng dalaga ay basta nalamang nila itong inihulog sa ilog.. ang malinis at malinaw na tubig ay pansamantalang naging pula...

Ngunit sa kahulihulihang patak ng buhay ni Beatriz ay isinumpa niya ang lahat ng kalalakihan sa baryong iyon.. muli siyang magbabalik at maghihiganti sa lahat ng kalalakihang mahuhumaling sa kanyang alindog.. mawawala silang parang bula at ni anino ay di na makikita ng kanilang pamilya.. tulad ng ginawa nilang pagpatay sa kanya..!!!

( sa Bahay ni Milagos)

" Ang totoo ay Sampung taon nang nawawala ang aking anak na si Beatriz.. ang sabi ng mga kalalakihang humanap sa kaniya mula sa gubat ay di daw nila nakita ang aking anak.. maari daw na sumama ito sa isang binata sa kabilang bayan.. ngunit ramdam ko Divina.. ang aking anak.. naririto lamang ang aking anak.."   madamdaming pahayag ni Aling Milagros..

Masuyong niyakap ni Divina ang matanda.. ramdam niya ang pangungulila nito at batid niyang mas masakit ang mawalan ng anak na ni hindi man lang nagawang makapagpaalam..

" Mabuting bata si Beatriz. minahal namin siya ng kanyang ama.. ngunit simula ng mawala ang aking asawa ay nagsimula nang mangilag sa mga kapitbahay ang aking anak.. di ko akalaing bigla na lamang niya akong iiwan ng walang paalam.. "  patuloy na pagtangis ng matanda..

(samantala)

 Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Hiisi.. di dahil kinatatakutan niya ang anyo ng halimaw  bagkus ay inilalayo niya ito mula sa mga sibilyang maaring mapahamak sa kanilang laban..

Nagpagulong gulong ang binata ng mahagip siya ng malaki at mahabang buntot ng halimaw.. ngunit agad din tumayo at umiwas sa muling pag atake nito..  muli siyang tumakbo palayo sa pangambang marinig ng mga kapitbahay ang malalakas na galabog sa kakahuyan..

At nang masigurong malayo na sila mula sa mga tao ay humarap na siya sa halimaw at agad na nag palit ng anyo.. nabakas ang takot sa mukha ng dalaga ngunit huli na ang lahat.. mabilis ang pagkilos ng binata kailangan niyang tahimik na mapuksa ang halimaw  bago pa makauwi si Divina mula sa paghatid sa matanda..

Ngunit malakas din ang Lamia.. ipinulupot nito ang kanyang buntot sa katawan ni Hiisi .. pahigpit ng pahigpit habang nagsisilagutukan ang mga buto ng binata.. tulad ng isang ahas ang ginawang pag atake ng Lamia pinaluluputan ang katawan ng biktima hanggang sa magkabali bali ang mga buto nito..

Ngunti di pangkaraniwang binatang kanyang katunggali..  kahit pa tumutulo na ang dugo sa bibig ng binata ay nagawa parin nitong ngumiti.. isang malakas na unday ng suntok ang kanyang ginawa.. napangiwi ang Lamia na halatang ininda ang suntok ng binata ngunit patuloy parin ang mahigpit nitong pagkakapulupot sa binata..

Sunod sunod ang pag suntok na kaniyang ginawa hanggang sa tuluyang lumuwag ang pagkakapulupot nito sa kanyang katawan.. at nang makatakas ay tinalunton niya ang mahabang buntot nito at malakas na isinaksak ang kanyang kamay sa dibdib ng Lamia.. 

Nanlaki ang mga mata ni Beatriz... Kasabay ng pagpatak ng dugo mula sa kanyang bibig ay ang pagpatak ng kanyang mga luha.. unti unting nanumbalik ang mga binti ng dalaga na kanina ay buntot ng ahas..  agad siyang sinalo ng binata bago pa man siya tuluyang bumagsak sa lupa..

" Beatriz..!!!!!"  malakas na sigaw ni Aling Milagros sa kanyang anak.. dali dali siyang lumapit sa anak na nasa kandungan  ni Hiisi.. malakas niyang itinulak ang binata .. agad naman lumapit si Divina at itinayo si Hiisi  yumakap siya sa binata at bumulong na muli niyang ibalik ang kanyang pag aanyong tao..

Ngumiti nang mapait si Beatriz sa kanyang ina.. panay ang pagluha nito habang dahan dahan niyang ikinuwento ang dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nawala ng walang paalam..  

" di ko akalaing dumanas ka nang ganitong kasamaan anak.. Araw araw kong ipinalangin na sana ay bumalik ka sa aking piling.. patawarin mo ako kung minsan ay nagawa kong magdamdam dahil sa iyong pagkawala.."  Madamdaming pahayag ng ina..

" mahal na mahal kita ina.. sa loob ng sampung taon ay tinangka kong bumalik sa iyo.. ngunit di ko magawa dahil isa na akong halimaw.. " malungkot na pahayag ng anak.. "  paalam ina.."    muli nitong sabi habang dahan dahang nagiging abo ang  katawan.. 

Ilang sandali pa ay tinangay na ito ng malakas na ihip ng hangin.. nanatiling nakamasid lamang ang dalawa sa matanda na panay ang pananangis sa kapaitang dinanas ng anak....

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon