Umiling si Divina habang panay ang pagtulo ng mga luha... ngayon nya lamang nakita na magkaganto si Hiisi ... kitang kita nya sa mukha ng binata ang iniindang sakit habang patuloy parin ang pamimilipit... inuuntog nito sa lupa ang ulo na para bang makatutulong iyon upang mapahupa ang sakit na nadarama...
"Hiisi...!! " sigaw ni Divina habang tumakbo papalapit sa lalaking tinatangi ng kanyang puso.. kahit batid niyang wala siyang magagawa upang ibsan ang nararamdamang sakit ng binata ay dadamayan parin nya ito..
Ngunit nakaiilang hakbang pa lamang ay mabilis na siyang nahablot ni Limos.. patuloy sa pag iyak si Divina habang pilit na nagpupumiglas mula sa yakap ni Limos..
"Bitiwan mo ako Limos pakiusap..." pagmamakaawa ni Divina... lalo namang humigpit ang yakap nito sa dalaga...
"Bakit ba ayaw mong makinig Divina... ginagawa ko ito para mailigtas ka ..." pigil ang galit na sabi ni Limos...
"Ayoko Limos... di ko kaya... pakiusap bitiwan mo ako... minamahal ko si Hiisi..." lumuluhang sabi ni Divina...
Mula sa pagkakadapa sa lupa ay pilit na idinilat ni Hiisi ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ni Divina... minamahal siya ni Divina... sa wakas ay nagtagumpay siyang makuha ang pag ibig nito...
Pinilit nyang makabangon... kailangan nyang mailigtas si Divina mula kay Limos... "Divina..." mahina at garalgal na sabi ng binata... muli siyang umubo at napasuka ng dugo pakiramdam ng binata ay hinahalukay ang kanyang sikmura...
Lumingon naman ang dalaga sa gawi nya... bahagyang nabuhayan ng loob ang dalaga ng marinig ang tinig ng lalaki...
"Isa kang hangal Divina... nakita ko ang nakaraan mo... alam ko kung bakit ka nakipagkasundo sa kanya...!! Ang lalaking tunay mong minamahal ay hindi ang halimaw na iyan..! " galit na sigaw ni Limos kasabay ng malakas na sampal sa pisngi ni Divina..
Bumagsak sa lupa ang dalaga.. pilit na umupo habang pimapahid ang dumudugong labi.. umiyak ng umiyak si Divina habang pilit na kumakawala sa pag kakahawak ni Limos sa kanyang braso ng muli siyang hilahin ng lalaki patayo..
Nagwala si Divina.. pinagsisipa at pinagsusuntok si Limos. Masakit manuntok si Divina.. ngunit di tao ang kalaban ng dalaga.. balewala ang lakas ng kanyang kamao laban sa isang halimaw.
Napuno ng galit ang katauhan ni Hiis ng biglang suntukin ni Limos sa sikmura si Divina.. agad na nanghina at nawalan ng malay ang dalaga..
"Divinaaaa...!!!!!! " nayanig ang lupa at bahagyang nawalan ng balanse si Limos na buhat buhat ang walang malay na dalaga..
Nakaramdam siya ng takot sa nakitang pulang mga mata ni Hiisi.. para itong lobo na handang umatake.. tumutulo parin ang dugo sa bibig nito ngunit tila ba wala na itong epekto kay Hiisi..
Agad na ibinaba ni Limos ang dalaga sa pangambang baka tamaan ito ng gagawing atake ni Hiisi..
Malakas na ungol ang ginawa ni Hiisi.. muling nayanig ang lupa kasabay ng pagkulimlim ng kalangitan.. mula sa lupa ay biglang naglabasan ang malalaking ugat ng puno matatalas ito at sabay sabay na tumusok sa katawan ni Limos..
Nanlaki ang mga mata ni Limos.. tumagos sa ibat ibang parte ng kanyang katawan ang mga ugat.. sing tigas ng bakal ang bawat isa na nakatusok sa kanyang katawan..
Nahintakutan ang halimaw ng dahan dahan siyang puluputan ng mga malabakal na ugat .. tila may sariling buhay na naglamasmasok sa kanyang laman na tila ba naniguro na di na siya makatatakas.. unti unti syang hinila ng mga ugat pailalim sa lupa..
Wala nang nagawa si Limos kundi ang sumigaw habang kinakain na siya ng lupa.. piping panalangin ay ang kaligtasan ni Divina mula sa mga kamay ni Hiisi...
Tanging itim na putik na puno ng mga insekto ang iniwan sa lupa ni Limos ng tuluyan na nya itong mapuksa..
Pinilit nyang tumayo at humakbang patungo kay Divina.. naalimpungatan na ang dalaga at patakbo itong yumakap kay Hiisi..
Sabik na inilapat ni Divina ang labi sa labi ng binata habang patuloy ang pag-iyak.. mahigpit naman siyang niyakap ni Hiisi kasabay ng mainit na pagtugon sa halik nito..
Mula sa malayo ay nakangiti naman ang demonyong may dilaw na mata... "ganyan nga Hiisi... ganyan nga..." bulong nito habang dahan dahang naglalaho...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...