Kabanata 58: Ang huling Laban

631 31 3
                                    

Tila nakaahon mula sa napakalalim na bahagi ng dagat ang pakiramdam ni Hiisi.. sabik na sabik na lumanghap ng sariwang hangin habang mahigpit ang pagyakap kay Divina...

Maya maya ay sumunod na sa paglabas si Castiel.. nagliliwanag ang mga mata nito... maging ang dalawang lobo na lumabas mula sa butas ay takot na nagtago sa likuran ni Hiisi...

Lumapit si Castiel kay Divina at inilagay ang kanyang palad sa noo nito ... agad na nagliwanag ang kaluluwa ni Divina habang mabilis na nag hilom ang mga sugat..

Maya maya pa ay dumilat na ang babae.. napabalikwas ito ng bangon at agad na yumakap kay Hiisi... "ang akala ko ay di na kita makikita... takot na takot ako Hiisi... " umiiyak na sabi ni Divina... agad ding napalitan ng tili dala ng takot ang bulalas ng babae......

Agad na napatakip ng tenga si Hiisi.. narinig nanaman nya ang matinis na tili na iyon...! Kinamot nya ng bahagya ang tenga ng lobong sing puti ng nyebe...

"Divina... sa dami ng pwedeng sigawan talagang pinili mo pa sa tenga ko... huwag kang mag alala mahal ko ang mga lobong iyan ang kasama naming nagligtas sa iyo..." nakatawang sabi ni Hiisi...

Nagawang makita ni Divina ang mga lobo dahil di pa siya nakababalik sa kanyang katawan...

"Umalis na kayo... papalapit na sila... " malumanay na sabi ni Castiel... hahawakan sana nito ang kanilang mga noo ngunit maagap syang pinigilan ni Hiisi...

"Sugatan ka Castiel... at madami pa ang kalabang nakasunod sa atin... tutulong ako..." mapilit na sabi ni Hiisi...

"Kaya ko na ito... tumakas na kayo...!!! " sigaw nito.. mula sa butas ay nagsilabasan na ang mga halimaw..

"Yun ay kung magagawa nyo pang tumakas... kinalulungkot ko ngunit ito na ang inyong katapusan..." nakangising sabi ng isang napakagandang dilag na halos hubot hubad na dahil sa kakapirasong telang nakasuot sa katawan...

"Lilith... ako ang kalabanin mo..." malamig na sabi ni Castiel... tumawa naman si Lilith...

"Castiel... wala ka paring pinagbago... mayabang ka parin ... ! Sugatan ka na at nanghihina ngunit kung umasta ka ay parang kaya mo kaming lahat...! Pagpapatayin sila.....!!!!!!" Sigaw ni Lilith..

"Protektahan nyo si Divina...! " utos ni Hiisi sa dalawang lobo habang ipinasan sa likuran ng lobo si Divina... mabilis itong tumakbo palayo...

Samantala muling hinawakan ni Hiisi ang kanyang armas na may talim ng karit sa dulo... aakalain mong ito ang karit ni kamatayan...... ngunit ang talim nito ay hangang sa hawakan... lahat ng mahahampas ay tiyak na masusugatan at lahat ng tatamaan ng karit ay mapuputulan...

Sabay silang sumugod ni Castiel...muling umulan ng dugo dahil sa dami ng katawang nasugatan... natakot si Lilith na agad tumakas at iniwan ang mga kasama...

Panay ang pag iwas ni Castiel sa kalaban... nakababa lamang ang talim nito sa lupa na gumagawa ng munting uka sa maputik na damuhan...

Habang panay naman ang pag hampas ni Hiisi sa kanyang sandata... nagkanda bali bali ang mga katawan ng lahat ng nakapalibot... pinaikot nya ang talim paitaas at sa isang iglap ay nagsitalsikan ang mga ulo pahiwalay sa mga katawan...

Ngunit madami pang lumalabas mula sa butas... tila di nauubos...!! Walang anu anu ay bigla siyang itinulak ni Castiel.. tumilapon si Hiisi at nagpagulong gulong..

Taka syang napatingin kay Castiel na napapalibutan ng daan daang halimaw.. tinangka ni Hiising lumapit ngunit biglang lumuhod si Castiel at humawak sa lupa..

Tila bombang bilang sumabog ang napakatinding liwanag.. nanatili ang nakasisilaw na liwanag sa isang malaking bilog na gawa ni Castiel sa pamamagitan ng pag uka sa lupa gamit ang talim. Gumuhit siya ng sigil na magkukulong at papatay sa lahat ng halimaw sa loob ng malaking bilog.. kaya nya tinulak si Hiisi ay para maiiwas ito dahil isa paring halimaw ang lalaking kapanalig...

Gamit ang sigil ay malaki ang naging kabawasan nito sa lakas ni Castiel... agad itong bumagsak sa lupa.. naabo ang lahat ng halimaw at nagsara na ang lagusan...

Lumapit si Hiisi kay Castiel... "ito na ang huli nating pagkikita Hiisi ... kinagagalak ktang makilala... nga pala may sasabihin ako sayo..." seryosong sabi nito...

Agad na nanlaki ang mga mata ni Hiisi kasabay ng paglungkot ng kanyang mukha...

"Sana ay maintindihan mo... ito ang kapalit ng iyong kapangyarihan..." muling sabi ni Castiel... marahang tumango si Hiisi ... tumayo si Castiel at saka unti unting naglaho ...

Malakas na umungol si Hiisi kasabay ng pagpatak ng kanyang pagluha... dumating naman ang isang lobo na tila inaaya siyang sundan ito...

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon