Nalalabing 46 na linggo..
Kalat na ang dilim sa labas at ang munting apoy mula sa pinagpatong patong na mga sanga ang tanging liwanag ng dalawa na nasa loob ng yungib..
" ang gusto ko lamang ay masiguro ang iyong kaligtasan.." mahinang saad ni Hiisi kay Divina... ilang araw na rin ang nakalipas mula ng mapuksa ng binata si Achlys.. ngunit batid ng binata na di na ligtas ang dalaga sa yungib.. bukod pa sa nagsisimula na ang pagbabago ng klima..
" Naiintindihan ko naman Hiisi.. ngunit ang mga tao.. tiyak na magugulat sila kapag.." napahinto ang dalaga .. di niya alam kung paano sasabihin sa binata ang katotohanan ng hindi ito masasaktan.. " Hiisi.. maari ka bang muling mag anyong tao..?" halos pabulong na sabi ng dalaga..
" Para saan..? dahil sa itsura ko.? dahil hindi nababagay manirahan kasama ng mga tao ang isang halimaw na tulad ko..? hayaan mo silang magulat..! " biglang pagtaas ng boses ng binata dahil sa pagdaramdam... tinangka siyang lapitan ng dalaga ngunit mabilis siyang umatras at tumakbo papalayo..
napabuntong hininga na lamang ang dalaga habang pinagmamasdan ang binatang tumatakbo papalayo..
Muling nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng mapag-isa.. .. maya maya pa ay nagtungo na ang dalaga sa may batuhan malapit sa talon.. bilog ang bwan at kay kanda ng liwanag na nagmumula dito..
Tila nahihipnotismong napalusong ang dalaga sa mainit init na tubig.. agad siyang napangiti ng maramdaman ang mapayapang pagdaloy nang ragasa ng tubig na iyon sa kanyang katawan
ilang oras din nanatili sa tubig ang dalaga hanggang sa makaramdam ng antok.. malalim na ang gabi ngunit wala parin si Hiisi.. Maari nasaktan nya ito ng labis kaya naman iniwan na lamang siya nito basta samantalang ipinangako nitong di aalis sa kanyang tabi..
nakaramdam ng takot ang dalaga ng makarinig ng kaluskos mula sa kakahuyan.. nagmamadali siyang naghanap ng panlaban sa pag aakalang isang mabangis na hayup ang maaring lumusob ilang sandali mula ngayon..
" Divina.." malumanay na tawag sa kanya ng boses mula sa kakahuyan.. agad na nakaramdam ng pagkabigla ang dalaga .. bakit parang kilala ng kanyang puso ang lalaking ito..?
napasinghap ang dalaga ng bahagyang maaninaw ang pigura nang binatang tahimik na naglalakad papunta sa kanya.. patakbo niyang sinalubong ang lalaki habang walang patid ang usal ng pasasalamat sa may kapal.. Mahigpit niya itong niyakap kasabay ng mainit na halik na iginawad niya sa binata...
Agad naman nakaramdam ng pagkabigla si Hiisi ng salubungin siya ng halik ni Divina.. ngunit magkagayon man ay ikinatuwa ng binata ang mainit na pagsalubong sa kanya nito..
" ang akala ko ay di na tayo muli magkikita... " malambing na bulong ng dalaga habang yakap ng mahigpit ang binata ... nagtaka man ay nanatiling tahimik ang binata .. ilang oras pa lamang silang nagkahiwalay ni Divina ngunit kung pagbabasihan ang higpit ng yakap nito ay aakalain mong ilang taon silang si nagkasama.!
Naninikip ang dibdib ng dalaga di niya akalain na magkikita silang muli.. ilang taon na ang nakalipas ngunit pilit parin siyang umaasa na magbabalik ang kasintahan at muli silang magkakasama.. Laking pasasalamat ng dalaga ng kayakap na niya ang binata ngayon..
Unti unting nawala ang mga ngiti ni Divina at napalitan ng pagkalito ng si Hiisi at hindi si Rogelio ang kayakap.. bagaman nakaramdam ng panghihinayang pilit niya itong itinago dahil ayaw nya rin namang saktan ang binatang nasa harapan niya ngayon..
" kung ganito ba ang magiging anyo ko.. maari na ba akong makipaghalubilo sa mga tao.?" Maang na tanong ng binata sa kanya.. nakaramdam ng matinding sundot ng konsensya ang dalaga.. heto siya at kaharap si Hiisi ngunit si Rogelio parin ang kanyang nasa isip.. Bakit ba palagi na lamang siyang pinaglalaruan ng kanyang mga mata.. ?
Pilit na ngumiti si Divina at marahang tumango.. kay ganda ng kaanyuan ni Hiisi ngayon.. tiyak na ang lahat ng kababaihan sa kahit saang bayan ay mahuhumaling sa kanyang kakisigan.. muli itong nag anyong tao.. wala na ang pangil ang tenga at buntot ng lobo.. itim na rin ang buhok at wala na ang matutulis na kuko.. marahan niyang hinaplos ang pisngi ng binata.. napapikit naman ito na tila ba ninamnam ang init ng kanyang palad..
Lalo pang nakaramdam ng konsensya ang dalaga.. naririto ang binata at tahasang ipinararamdam sa kaniya ang pagtatangi.. ngunit heto siya at nanatili ang puso at isipan sa iisang lalaki lamang.. ang kanyang si Rogelio.. Di siya mapaglaro sa pag-ibig.. di niya nais na tuluyang mahumaling sa kanya si Hiisi ngunit di rin naman niya kayang mawala ang binata sa kanyang piling..
Muli pang naglapat ang kanilang mga labi.. kay higpit nang pagkakayakap ng binata at ramdam sa bawat pag galaw ng kanyang labi ang damdamin niya para sa dalaga..
Pikit matang tinugon ito ni Divina.. habang si Rogelio ang kanyang nasa isipan.. " patawarin mo ako mahal kong Rogelio.. ngunit di ko maiwasang di mahulog kay Hiisi.. naririto siya nang higit kong kinailangan ng makakasama.. dumating siya nang halos mabaliw na ako sa pangungulila sa iyo.. patawairn mo ako .. patawarin mo ako.. " sigaw ni Divina sa kanyang isipan..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...