Kabanata 57: Karagatan ng Apoy

677 32 1
                                    

Nang makapasok sa malaking pintuan ay agad na tumambad sa kanila ang malawak na karagatan na imbes na tubig ay nagliliyab na langis...! Napakainit at ramdam na ramdam ni Hiisi ang pagkapaso ng kanyang balat...

"Maligayang pagdating...!! Pagpasensyahan nyo na kung di na ako makapag hintay at sinalubong ko na kayo..." umalingaw sa kapaligiran ang malamig at nakapangingilabot na tinig..

Di siya maaaring magkamali.!!! Kilalang kilala nya ang tinig na ito.!!! "Nasan ... nasaan...?! " galit na bulong ni Hiisi habang hininahanap si Alaster..

Umalulong sa takot ang mga lobo kasabay ng malakas na tawa ni Alaster... mula sa pinakatuktok ng malaking barkong kahoy ay nakatanikala ang kaluluwa ni Divina.. puno ng dugo at sunog ang balat..! Tapyas ang ilang piraso ng laman ngunit di magawang tumangis dahil may malaking hook na nakakawit sa bunganga na tagos sa kanang mata..!

Agad na napaluhod sa pagkabigla si Hiisi... di na nya halos makilala si Divina.. higit na mapait ang dinanas nito kaysa sa kaluluwang si Rogelio..

"Nagustuhan mo ba...? " nangilabot si Hiisi ng marinig ang bulong ni Alaster sa kanyang kanang tenga...

Bigla na lamang lumitaw ito mula sa kung saan.!!! Tinangkang undayan ng suntok ni Hiisi si Alaster subalit nagawa nitong umilag.. bagkus ay nahawakan nito ang kanyang pulso..namilipit sa sakit si Hiisi habang patuloy na nagliliyab ang balat na hawak ni Alaster ..

Bigla namang tumalsik at nagpagulong gulong sa sahig si Alaster ng malakas siyang itulak ni Castiel...

Muling pumailanglang ang nakapangingilabot na tawa ni Alaster na para bang tuwang tuwa sa mga pangyayari...

"Castiel... hanggang kelan mo ba balak humadlang sa aking mga plano...!!! " sigaw ni Alaster...

Mabilis na sumugod si Castiel ngunit tuso talaga si Alaster.. bilang pinaalon ang karagatan ng apoy.. dahil dito ay gumewang gewang ang barko at marahang tumaob..

"Divinaaa...!!!!! " malakas na sigaw ni Hiisi.. tinangka nyang lumusong ngunit mabilis syang hinatak ni Castiel..

"Lalamunin ng apoy ang buo mong katawan sa oras na madampian ka ng nagliliyab na langis...!!! " galit na sigaw ni Castiel habang itinaas ang kamay .. ibinuhos ang kapangyarihan upang di bumagsak ang Barkong kinalalagyan ni Divina...

Malakas na tumawa si Alaster kasabay ng malakas unday ng saksak kay Castiel...! Nakita ito ni Castiel kaya tinangka din nyang pigilan si Alaster habang itinapat dito ang kaliwa nyang kamay habang nakataas din ang kanan sa tapat ng nakatagilid na barko...

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay di agad nasundan ni Hiisi si Alaster... Nang tumakbo ito palapit kay Castiel ay pansamantala siyang nalingat dahil nakatingin siya kay Divina..

Bahagyang napahinto si Alaster ngunit nagpupumilit parin ito sa paghakbang tila nasumusulong paharap sa napakalakas na hanging dala ng bagyo...

Agad tumakbo palapit kay Alaster si Hiisi habang mabilis na itinarak ang kanyang armas...! Tumagos ito mula sa batok papunta sa tiyan..!! Tumulo ang dugo nito ngunit nagawa parin nitong ngumisi...

Malakas nitong tinabig si Hiisi .. agad na tumilapon si Hiisi at nagpagulong gulong.. si Castiel naman ay nakakunot na ang noo.. hati ang kanyang lakas.. sa kanan ay pilit na itinatayo ang nakatagilid na barko habang sa kaliwa ay pinipigilan ang paglapit ni Alaster..

Nakangising muling nagpumilit makalapit si Alaster habang gahibla na lamang ang layo ng talim ng anghel na hawak nito sa dibdib ni Castiel..

"Konti na lang...! Konti na lang..!! " nakatawang sabi ni Alaster..

Muling bumangon si Hiisi at muling sumugod.. malakas nyang itinarak ang kanyang kamay sa dibdib ni Alaster..! Kinagat naman ito nang mga lobo sa mga hita..

Ngunit patuloy parin sa pagpupumilit si Alaster.. agad na nagliwanag ang mga mata ni Castiel ng bahagyang bumaon ang dulo ng talim sa kanyang dibdib..!

Kitang kita ang tuwa kay Alaster sa nakikita.. nataranta na si Hiisi.. muli nyang hinawakan ang mahabang armas na nakatarak sa batok ni Alaster.. gamit ang kapangyarihan ay ginawa nyang talim ng karit ang dulo nito..

Lumingon sa kanya si Alaster na tila nagulat.. tumalon si Hiisi at malakas na tinaga ang mga braso ni Alaster na may hawak na talim.. nagsisigaw sa galit si Alaster.. bahagya itong napaatras.. muling itinaas ni Hiisi ng karit at muling iniunday sa bewang ni Alaster.!!! Agad na nahati sa dalawa si Alaster.!! Kinagat ng mga lobo ang magkabilang mga binti at malakas na hinila hanggang sa magkahiwalay...

Sa pagkakataong iyon ay binitiwan na ng kapangyarihan ni Castiel si Alaster.. biglang naglaho si Castiel at bigla ding lumitaw sa tabi ni Divina.. Magkasabay silang naglaho habang tuluyan nang tumagilid ang barko at nilamon ng apoy...

Gumapang palayo si Alaster.. gamit ang natitirang bahagi ng mga braso.. naliligo na sa sariling dugo ngunit nagagawa paring tumawa.. muling itinaas ni Hiisi ang karit.. lumapit kay Alaster at saka ito sinipa patihaya.. nakangisi parin ito na para bang masayang masaya..

"Sa akin lang galing ang iyong kapangyarihan...!! Di mo makikitil ang aking buhay..!! Muli lamang akong babalik..!! At sa oras na mangyari iyon papatayin ko ang buo mong angkan..!! Hihilahin ko ang mga kaluluwa nila papuntang impyerno.!! Ahahaha " tila baliw na sabi ni Alaster.

Gumanti ng ngisi si Hiisi.. "marahil nga sayo galing ang aking kapangyarihan .. ngunit akin na ito ngayon at gagamitin ko ito laban sayo at sa lahat ng kampon mo.!!! " sigaw ni Hiisi kasabay ng malakas na unday ng taga sa leeg ni Alaster...! Paulit ulit hangang magkapira piraro ang katawan nito...

"Hiis tama na iyan... " pigil ni Castiel... agad na napalingon si Hiisi kay Castiel na buhat ang walang malay na si Divina...

"Kailangan na nating umalis... parating na ang iba...!!! " sigaw nito.. agad namang sumunod si Hiisi at agad na binuhat si Divina mula kay Castiel..

"Itapon nyo sa karagatan ng apoy ang katawan ni Alaster at pagkatapos ay sumunod na kayo sa amin...!!! " utos ni Hiisi sa dalawang lobo na mabilis na sumunod sa kanyang utos,,

Mabilis ang kanilang takbo lalo pa at narinig na nila ang boses ng isang babae... " huwag hayaang makatakas...!!!!!! " sigaw nito.. agad namang tumakbo ang dalawang lobo matapos itapon ang katawan ni Alaster sa dagat ng apoy...

Mabilis ang kanilang takbo lalo pa at unti unti nang sumasara ang butas na lagusan palabas ng impyerno...!!!

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon