Dapit hapon na nang magising si Divina,, ni hindi na niya matandaang nakatulog pala siya.. Masakit ang buo niyang katawan ngunit di niya ito alintana agad niyang tinangkang umupo ngunit maagap siyang pinigilan ng ilang kababaihan..
Napuno ng pangamba ang puso ni Divina .. " ang aking anak... nasan ang aking anak..?!" agad na napuno ng luha ang mga mata ni Divina dala ng sobrang pag aalala.. ngumiti naman ang ginang at tumabi sa kanya habang pilit siyang pinakakalma..
Agad na napaluha si Divina nang marinig ang pag uha nang sanggol .. ang nakangiting si Hiisi ang bumungad sa kanya nang lumingon siya sa gilid.. hawak hawak ng asawa ang bagong silang nilang anak.. " Napaka ganda niya Divina.. kamukhang kamukha mo ang ating anak.." nakangiting sabi ni Hiisi habang namumuo ang luha sa mga mata..
Inalalayan ng mga ginang si Divina sa pag upo.. ilang oras din siyang nakatulog kaya naman nasasabik na ang sanggol na matikman ang kanyang gatas.. maingat na iniabot ni Hiisi kay Divina ang munti nilang anghel.. agad na hinagilap ng labi ng sangol ang dibdib ng kanyang ina at buong kasabikang sinipsip ang tuktok na iyon..
Nakangiti ang lahat habang bahagyang napaluha si Divina sa sobrang kaligayahan.. Espesyal ang araw na ito.. dahil ngayon ay ganap na silang mga magulang ni Hiisi.. Maraming inihabilin ang manggagamot kay Hiisi.. tahimik namang nakinig ang lalaki at talagang minemorya ang lahat nang sinasabi ng matanda..
Nang magpaalam na ang mga ito ay masuyong hinalikan ni Hiisi ang labi nang asawa.. " patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo nang kasalukuyan kang nanganganak.." malungkot na sa bi ni Hiisi..
" ang importante ay naririto ka na sa tabi ko Hiisi.. tignan mo .. napakatakaw niya..! " natatawang sabi ni Divina habang nakatingin sa sanggol na abala sa pag sipsip sa kanyang gatas.. sabay pa silang nagkatawanan habang tinitignan ang kanilang anak..
Bahagyang napahinto sa pag tawa si Hiisi nang matanawan ang papalapit na si Castiel.. Unti unti naman napasinghap si Divina habang alertong niyakap ang kanyang anak... " huwag kang matakot Divina.. naririto ako upang protektahan ang itinakda.." nakangiting sabi ni Castiel habang nakatingin sa sanggol sa mga bisig ni Divina..
" huwag kang mag alala Divina.. isa siyang anghel.. totoo ang kanyang sinasabi.. pinotektahan nya kayong mag-ina mula mismo sa akin... patawarin mo ako Divina.. pansamantala akong nilukob nang aking kapangyarihan.. kung hindi dahil sa kanya ay maaring nakagawa na ako ng di maganda.." malungkot na pahayag ni Hiisi..
Agad naman lumingon si Divina kay Castiel.. namangha sa pambihirang pagkakataong naibigay sa kaniya.. ang makaharap ang isang Anghel .." maraming salamat Castiel.."
Ngumiti lamang si Castiel at marahang inilahad ang kamay.. unti unting lumabas mula sa kamay nito ang isang kulay asul na mala apoy .. lumulutang lutang ito , matingkad at napakaganda.. kataka takang di ito mainit bagkus ay maykalamigan ito.. " ito ang kaluluwa ni Rogelio..ito ang magsisilbing taga protekta ng bata mula sa kahit anong kapahamakan.. magliliwanag ito mula sa kanyang mga mata at magagawa nitong puksain ang mga masasamang elementong nais siyang saktan.." nakangiting sabi ni Castiel habang marahang inilalapit sa sanggol ang asul na liwanag.. tila usok na marahan nitong nilukob ang sanggol.. saglit itong nagliwanag ngunit agad ding nawala..
" espesyal ang inyong anak Divina,, tataglayin niya at nang kanyang lahi ang espesyal na kapangyarihan.. balang araw ay magigising ang apat na susi na makapagbubukas ng hardin.. sa tulong nila ay mabibiyayaan ang lahat ng kaluluwa ng mga pumanaw... pagkakataong muling matikman ang paraisong inilaan ng ama para sa kanila,, " nakangiting sabi ni Castiel..
Labis silang nasiyahan sa kanilang narinig.. di nila akalaing ang kanilang anak ay nabigyan ng ganitong kalaking biyaya mula sa may kapal.. umusal nang pasasalamat si Divina habang nakatitig sa mga mata ni Castiel..
" nga pala.. ipagpatawad mo Hiisi kung nahuli ako nang dating.. lumusob pa ako sa impyerno upang makuha ito.." nakangiting sabi ni Castiel habang inilalabas ang isang kapirasong papel na nakarolyo.. takang tinignan naman ito ni Hiisi..
" ano iyan Castiel...?" nagtatakang tanong ni Hiisi.. muling ngumiti si Castiel..
" ang kasunduan ninyo ni Divina.. ito ang kontratang hawak ni Alaster.." turan ni Castiel..
Agad na napatayo si Hiisi. di lubos na makapaniwalang nasa kamay na nang anghel ang kontrata.. napuno nang kasiyahan ang kanyang puso.. sa wakas..!!! " ano ang dapat nating gawin sa kontrata Castiel..?" takang tanong ni Hiisi.. ngumiting muli si Castiel at kasabay nito ay dahan dahang nagliyab ang nakarolyong papel.. maliwanag ang apoy mula sa kamay ni Castiel ngunit pulang pula ang apoy na nakapaligid sa naglalagablab na papel..
Pinagkatitigan nila ang nagliliyab na papel hanggang sa tuluyan na itong maabo at tangayin nang hangin..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...