Kabanata 55: Paglalakbay patungong impyerno

671 30 4
                                    

Kataka takang bigla na lamang dumilim ang paligid gayong umaga pa lamang nang sila ay umalis ni Castiel...

Patuloy sa paglakad si Hiisi hanggang bigla nalamang siyang harangan ni Castiel... takang tumingin si Hiisi sa lalaki at lalo pang nagtaka nang sumenyas ito na huwag siyang maingay...

Pinagmasdan ni Hiisi ang kapaligiran... kaylan pa naging ganito kasukal ang gubat...? Bakit maputik ang lupa gayong di naman umulan..? Di na pamilyar sa lugar na ito si Hiisi.. sigurado siyang di na ito ang baranggay.!! Napakabilis.! Tila isang minuto lamang ang lumipas ....naririto na ba sila sa bukana ng impyerno.?

Mula sa malayo ay may kumaluskos mula sa kasukalan.. agad na naging alerto si Hiisi habang nakaharang parin si Castiel.. "manatili ka sa iyong pwesto Hiisi... Hindi ang DarkLord ang kalaban natin..." malumanay na saad ni Castiel...

Napasinghap si Hiisi ng dahan dahang lumabas sa kasukalan ang isang pigura ng lalaki... batid ni Hiisi ang lakas ng kapangyarihang taglay ng nilalang na ito... maputi ang mukha nito ngunit nanlilisik ang kulay berdeng mga mata... nagtatangis ang mga bagang nito kaya agad nyang nakita ang dalawang pangil... "bampira... isa siyang bampira...! " bulalas ni Hiisi... nanatili sila sa pwesto hanggang sa makalayo na sa kanila ang DarkLord...

"Si Victor ay tulad mo ring produkto ng kasunduan ang kapangyarihang taglay...di sya ang kalaban dahil tulad mo di nagawang kontrolin ng impyerno ang kanyang katauhan... halika na Hiisi wala ng oras..." mahabang pahayag ni Castiel...

Agad namang sumunod si Hiisi... huminto silang dalawa sa isang maliit na burol... napalilibutan ito ng matataas at mayayabong na mga puno... matataas ang mga talahib na lalo pang dumagdag sa nakakatakot na dating ng lugar...

Bahagyang umupo si Castiel nakatukod sa tuhod ang isang kamay habang nakadama sa lupa ang isang palad... dahandahang nagliwanag ang mata ni Castiel kasabay ng pagyanig at unti unting nabiyak ang lupa... gumawa ito ng munting butas na para bang isang tao lamang ang kasya...

"Ako na muna ang mauuna... ihanda mo ang iyong sarili... siguradong hinihintay na nila ang ating pagdating... " malamig na turan ni Castiel habang seryoso ang mukha..

Tumingin ito sa butas.. itim na itin at para bang walang hanggang bangin ang iyong kahuhulugan.. muli itong lumingon kay Hiisi pagkatapos ay marahang tumango.. tila hudyat, bigla na itong nagpatihulog sa butas..

Nag ipon ng lakas si Hiisi.. gamit ang kapangyarihang taglay.. itinaas nya ang kamay at muling yumanig ang lupa.. lumabas ang mga ugat na pinalibutan ang isat isa hanggang makabuo ng isang tila sing taas ng tao at sing lapad ng kawayan... sing tigas ng bakal ang kabuuan habang matatalim ang bawat dulo.. nagpalit ng anyo si Hiisi ito na ang huling laban ... sa mga kamay nya dapat pumanaw si Alaster..!!

Napalingon sa likuran si Hiisi.. agad na hinawakan sa gitna ang kanyang mahabang armas at saka inangat upang ipananggalang ... malalakas na alulong ng lobo ang pumailanglang sa kagubatan mabibilis ang yabag papalapit.... nag galawan ang mga matataas na talahib at nahawi ito dahil sa kung ano mang halimaw na dumaan..

Humanda sa pag atake si Hiisi.. labas ang mga nag ngangalit na pangil habang mahigpit ang hawak sa sandata.. isang malakas na talon ang ginawa ni Hiisi kasabay ng pag hampas sa papalapit ngunit natigilan ang halimaw ng kagubatan.. ang dalawang lobo na promotekta kay Divina ang bumungad sa kanyang harapan..

Agad siyang napangiti ng makita ang dalawang lobo.. "sasama ba kayo sa pagligtas kay Divina...? " tanong ni Hiisi . Agad namang umalulong ang mga ito bilang pagsang ayon.. "magaling..." nakangising turan ni Hiisi...

Hinawakan nya ang ulo ng dalawang lobo...... agad na pinalibutan ng mga ugat ang mga katawan ng lobo... lalo itong lumaki at lumakas... sing taas ng kabayo at sing lapad ng oso... lalong lumaki ang mga pangil at kuko ng mga ito habang lalo pang nagliyab ang mga mata... nakapangingilabot ang muling pag alulong ng mga ito ngunit tila musika ito sa pandinig ni Hiisi... panibagong kapanalig ang mga lobo... kapanalig na katatakutan maging ng mga demonyong dating nagmamay ari sa mga ito...

Lumakad na si Hiisi... at magkakasunod silang nagpatihulog sa itim na itim na butas...

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon