Kabanata 23: Phillinnion Lamia

980 42 5
                                    

Bago lumubog ang araw ay nagsalang na ng makakain si Divina.. Nagpunta naman sa ilog si Hiisi upang makaigib ng tubig na gagamitin ng dalaga sa pagligo.. 

Napalilibutan ng matataas na talahib ang ilog... mababaw lamang ang bahaging ito ngunit napakalinaw at linis ng tubig na bahagyang dumadaloy..  umupo siya sa tabi ng batuhan at nagumpisang sumalok sa ilog..

Nakaiilang salok pa lamang ang binata ng makarinig siya ng pag galaw ng tubig na tila ba may nahulog o tinapon.. agad siyang tumayo upang puntahan ang kabilang bahagi ng batuhan.. agad siyang na pahinto ng makita ang dalaga na bahagyang nakayuko at nagtatampisaw sa ilog..

di maikakatwa ang kagandahan at aking alindog nito.. hubot hubad ito na tila ba walang pakielam kung may makakikita sa kanya..  humakbang na palayo ang binata.. Oo nga't kabigha bighani ang alindog  ng dalagang ito.. ngunit wala ng mas gaganda pa sa dilag na laman ng kanyang puso...

Nang dahan dahang lumingon sa kanyang gawi ang dalaga ay tinangka niyang magtago sa batuhan.. Maari kasing magulat ang dalaga at magsisigaw.. ayaw niyang magkaroon ng problema ang pagtira nila sa maliit na baryong iyon.. 

Mahihinang tawa ng dalaga ang nakapukaw sa binata.. lumapit ito sa kanya at masuyo siyang hinila..agad niyang inalis ang kamay ng dalaga sa kanyang dibdib at bahagya itong tinulak..     "  di ka dapat magtampisaw ng nakahubad.. Oo nga at wala ng ibang lalaki sa ating baryo.. ngunit malaki ang posibilidad na may mapadpad na kalalakihan mula sa ibang lugar.."    nanatiling kunot ang noo ng binata.. 

Muling tumawa ang dalaga habang lumalapit sa kanya.. idinikit nito ang hubad nitong dibdib sa binata habang yumakap sa kanyang bewang..  "  Pano mo nasabing wala ni isang Binata ang nakatira sa ating baryo gayong naririto ka sa aking harapan.?  kanina pa kita hinihintay ..  halika at ibsan mo ang aking pananabik.. "    hinawakan nito ang kanyang batok at  saka siya siniil ng halik.. agad nitong hinawakan ang sugpungan ng kanyang pantalon..

Sa pagkakataong iyon ay naging malakas ang pagtulak na ginawa ng binata..  napaupo ito sa batuhan bahagya pang magkahiwalay ang mga hita nito.. ngunit imbes na mapahiya ay mas lalo nitong pinaghusay ang pang aakit sa kanya.. lalo pa nitong pinaghiwalay ang mga hita na tila ba inaanyayahan sa kanyang lagusan ang binata..

inis na tinalikuran ng binata ang haliparot na babae..  konting konti na lang ay baka di na siya makapagpigiil..  baka ilambitin niya ito patiwarik para magtanda.. !!! Pagmamay-ari ni Divina ang kanyang puso at di ito magagawang agawin nino man..

"  di mo ba pagsisisihan ang pag tanggi mo sa akin ngayon binata..?  alam kong wala pang namamagitan sa inyo ng babaeng iyon.. maari naman nating ilihim ang...."  di na nagawang ituloy ng dalaga ang kanyang sinasabi dahil bigla nalamang ibinuhos ni Hiisi ang tubig na kanina niyang sinalok.. nakangisi ang binata ng makita ang pagkabigla sa mukha ng dalaga..

nadatnan niya si Divina na masayang nakikipagusap kay Aling Milagros.. may dala dalang mga prutas ang matanda habang panay ang pag kwento kay Divina.. ngumiti lamang si Divina ng matanawan siya nito.. inilagay niya sa likod ng kubo ang nasalok niyang tubig at pumanik na sa kubo..  

Masayang nagkwento ang matanda tungkol sa kanyang anak na dalaga..   "  Nasaan na po ba si Beatriz ngayon Aling Milagros..? "    agad na napalingon si Hiisi ng marinig si Divina na tawagin ang pangalan ng dalagang kaninang umaga pa nang aakit sa kanya..

Naging mailap naman ang mga mata ng matanda na agad na nakatawag  nang pansin  sa binata..    "  Naririyan lang ang batang iyon.. masyado kasing mahilig mag pagala-gala .. "  sinabayan pa ito ng pagtawa ng matanda na lalo lamang nakadagdag sa hinala ng binata..

Nagpatuloy pa ang paguusap ni Divina at ng matanda hanggang sa matapos ang kanilang hapunan.. Hinatid pa ito ng dalaga ng magpaalam na ang matanda..

" kilala na kita... "  nakangising saad ng binata .. mula sa kanyang likuran ay dahan dahang lumitaw mula sa kadiliman ang dalagang si Beatriz... 

" sinasabi ko na nga bat iba ka sa lahat ng binata na nabiktima ko.,. sabihin mo .. anong klase ka ba ng halimaw..?   "   ganting sagot ng dalaga..

Dahan dahang napangiti ang binata.. at mula doon ay unti unting nagsilabasan ang kanyang mga pangil..   ngayon ay alam na ng binata ang dahilan kung bakit wala ni isang lalaki ang namalagi sa maliit na baryong ito.. dahil lahat sila ay nabiktima na ng Halimaw....!!!!!

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon