Chapter 63: Hanggang sa huling Hininga ni Divina

803 32 6
                                    

Mula sa malayo ay tahimik na nakatanaw si Hiisi sa kanyang anak na si Emma.. akay akay ito ng apo nitong dalaga.. ngumiti si Emma at nagpasalamat sa apo na tumulong na maiupo siya sa tumba tumba.. 

" Maraming salamat apo.. sige na at lumakad na kayo nang iyong nobyo.. " nakangiting sabi nito sa apo.. ngumiti naman ang dalaga at patakbong lumapit sa binatang kanina pa naghihintay dito..

marahang inugoy ugoy ni Emma ang kanyang tumba tumba.. mula sa balkonahe at tahimik niyang pinagmasdan ang payapang pag sayaw ng mga dahon mula sa puno.. kulubot na ang kanyang balat.. mahina na ang pandinig at nanlalabo na ang mga mata.. mahina na ang pangangatawan at madalas nang makalimot sa kung anu anong bagay.. ramdam ni Emma na nasa dapit hapon na siya ng kanyang buhay..

 " malapit na tayong magkasamang muli mahal kong Roberto.."  nakangiting sabi ni Emma habang punong puno ng masasayang alaala nila ni Roberto ang kanyang isipan..

bahagyang natigil sa pag ugoy sa tumba tumba si Emma ng maramdaman ang presensya ng kanyang ama.. agad na tumulo ang kanyang mga luha..  "   ama.. alam kong nariyan ka.. pakiusap hayaan mo akong mahawakan kong muli ang iyong mukha.." lumuluhang sabi ni Emma.. 

Dahan dahang lumapit si Hiisi sa kanyang anak na si Emma.. .. lumuhod siya sa harap nito habang hawak hawak ang magkabila nitong mga kamay..  ngumiti si Emma bagaman inaaninag na lamang ang mukha ng ama.. kay tagal na panahong nawala nito.. bawat araw ay ipinagdarasal niya ang kaligtasan ng kanyang mga magulang..

" Ama, masaya ako at nakita kitang muli bago man lang ako malagutan ng hininga.. Iingatan mong lagi ang iyong sarili.." nakangiting sabi nito habang marahang itinaas ang nanginginig na kamay .. hinawakan ito ni Hiisi at dinala sa kanyang pisngi..

Ngayon niya lubos na naunawaan ang sinabi ni Castiel.. ang sumpa na kapalit ng kanyang  kapangyarihan.. ang di pagtanda.. ang pagiging imortal.. para siguro sa iba ay isa itong biyaya.. pero para kay Hiisi isa itong lason na paulit ulit na pumapatay sa kanyang puso.. ang masaksihan ang pagpanaw ni Divna.. at ngayon... " Emma..?"  untag ni Hiisi .. humigpit ang pagkakahawk ni Hiisi sa kamay ng kanyang anak..

Ramdam niya.. masaganang umagos ang luha sa mga mata ni Hiisi.. iniwan na rin siya ni Emma.. ngayon ay mag-isa na lamang siya sa buhay.. napakasakit..!! "  sino ka..? "  malumanay na tanong ng isang bata kay Hiisi..  agad na napalingon si Hiisi sa batang babae .. bahagya siyang napangiti.. pinunasan niya ang luha sa mga mata at humarap sa paslit..

Kamukhang kamukha nito si Emma nung kaedad pa niya ito.. lumingon sa likuran ni Hiisi ang bata.. kita ang takot sa mga mata nito ngunit nanatili itong tahimik.. " umalis ka na at isama mo ang mga nakakatakot mong kabayo.. " malamig na sabi nito sa kanya.. bahagyang napangisi si Hiisi dahil sa tapang ng bata.. 

Taglay nito ang kakayahan ni Emma.. tama nga si Castiel. taglay ng lahi ni Emma ang pambihirang kakayahan.. lumapit ang bata kay Emma.. agad itong nagtitili at tinawag ang ina nito nang maramdaman ang pagpanaw ni Emma..

Malungkot na tinignan ni Hiisi ang anak.. muling nanumbalik sa kanyang alaala ang mapait na pamamaalam ni Divina..kulubot na ang mga balat.. namumuti na ang paligid ng mga mata puti na ang buhok. nanginginig ang katawan .. madalas na rin nitong makalimutan ang kanyang pangalan..

" Sino ka..?" takot na tanong ni Divina.. panay ang pag patak ng luha nito habang pinagbabato siya .. higit sa sugat na natamo mula sa matutulis na bato.. mas sumusugat sa puso ni Hiisi ang nakikitang pagbabago ni Divina..

" Ako ito Divina.. ako ito si Hiisi.."  malungkot na sabi ni Hiisi.. lumapit siya kay Divina at masuyo itong isinandal sa kanyang dibdib..

" Mahal na mahal kita Hiisi.. patawarin mo ako kung hindi na kita makakasama pa ng mas matagal.." nangangatal na sabi ni Divina habang nakayakap kay Hiisi..

Unti unting umagos ang luha sa mga mata ni Hiisi.. " huwag kang mag alala Divina.. hahanap ako nang paraan upang tapusin na ang aking buhay.. susundan kita sa kabilang buhay.. mahal na mahal din kita.. walang silbi ang mga araw na lilipas kung di naman  kita makakasama.. magpahinga ka na mahal ko.. alam kong pagod ka na.."  lumuluhang pahayag ni Hiisi..

Ang totoo ay ayaw niyang iwan siya ni Divina.. gusto nyang habang buhay makasama ang katangi tanging babaeng nagpatibok ng kanyang puso.. ngunit di na kaya ng katawan ni Divina ang katandaan.. 

Ngumiti naman si Divina habang nakatitig sa mga mata ni Hiisi na puno ng luha.. bahagya nitong pinunasan ang mga luha nito sa pamamagitan ng nangangatal niyang mga daliri..  lalo pang tumulo ang mga luha ni Hiisi habang magaang na inilapat ang kanyang labi sa labi ni Divina..

" Divina.?" maya maya ay untag ni Hiisi kay Divina nang mapansing di na ito humihinga.. umiyak ng umiyak si Hiisi kasabay ng mahigpit na pagkakayakap kay Divina..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon