Kabanata 15: Hiisi

1K 48 5
                                    

" Kamusta na ang Parkiramdam mo.?"  maya maya ay tanong ng binata kay Divina..   maang siyang napalingon sa binata nag tatampisaw sa rumaragasang tubig ng talon..  napahinto ang binata mula sa pagtatangal ng mantya ng dugo sa kanyang katawan ng mapansing di nagsasalita si Divina..

Nangamba ang binata na baka nakaramdam ng takot sa kanya ang dalaga.. dahan dahan niyang nilingon ang dalaga na tahimik lang na nakatingin sa kanya.. " Divina.."  malumanay na saad ng binata..

tila nahimasmasan ang dalaga.. agad siyang sumagot.. " ahh maayos naman ang aking pakiramdam.."  mailap ang mga mata ng dalaga na tila may bagay na di magawang sabihin sa binata na nagtatampisaw sa tubig.. 

dahan dahang umahon ang binata.. kita niya ang pagkailang sa mga mata ng dalaga.. agad na napakunot ang noo ng binata habang naglalakad papalapit sa dalaga na bahagyang humakbang palayo sa kanya.. " kinatatakutan mo na ako ngayon Divina..? ang sabi ko  naman sayo na di tao ang pinatay ko..!" galit na sigaw ng binata.

Sa di niya maintindihang dahilan.. nararamdam ng sakit ang binata sa ideyang iniiwasan na siya ni Divina dahil sa karahasang ipinakita niya sa harapan nito..   lalong nag init ang kanyang ulo ng talikuran siya ng dalaga.. 

Galit na hinawakan ng binata ang magkabilang balikat ng dalaga at pilit na iniharap.. pilit namang iniiwas ng dalaga ang kanyang tingin na lalo lamang nakapagpainit ng ulo ng binata.    " kapakanan mo lamang ang iniisip ko..! iniligtas kita mula sa mga iyon.. Ilang ulit ko bang..."   di na natuloy ng binata ang kanyang sasabihin nang mapansin ang pamumula ng mukha ng dalaga..

" bakit Divina..?"  maang na tanong ng binata..  napatakip naman ng mukha ang dalaga gamit ang magkabilang palad.. maya maya ay mahihinang tawa ng dalaga ang pumailang lang sa yungib na kanilang kinaroroonan..

Lalo namang napakunot ng noo ang binata  " Divina.!!!!" agad na napaunat sa pagkakaupo ang dalaga ng marinig ang sigaw ng binata.. 

" pasensya ka na.. nakahubad ka kasi kaya naiilang akong tignan ka.."  mahinang saad ng dalaga.. 

inis na napasabunot ng buhok ang binata.. ang buong akala niya ay kinamumuhian na siya ng dalaga..!   nagmamadali siyang nagbihis at muling lumapit sa dalaga.. " ngayon divina maari na ba kitang makausap ng matino.?!" inis na tanong ng binata..

Bagaman namumula parin ang mukha.. nagawang tumango ng dalaga.  " ang totoo ay nais kong magpasalamat dahil sa pagligtas mo sa akin ..  salamat dahil nariyan kang lagi sa tabi ko.."  halos pabulong na sabi ng dalaga..

Agad na nag iwas ng tingin ang binata ng kumabog ng husto ang kanyang dibdib.. " ano nanaman bang problema ng aking puso..?  " taka na tanong ng binata sa sarili..

" Maari ko bang malaman ang pangalan mo..?"  nakangiting tanong ng dalaga sa makisig na binata..

" Hiisi.. Hiisi ang pangalan ko.." malumanay na saad ng binata.. dahan dahan namang napangiti ang dalaga..

Nang gabing iyon ay panay ang kwento ng dalaga tungkol sa bayang kanyang sinilayan.. magkatabi sila samantalang malaki naman ang yungib.. may maliit na apoy sa kanilang harapan na bahagyang nagbibigay init at liwanag sa dalawa..

Ang totoo ay nakakaramdam ng ligaya ang binata habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng dalaga sa kanyang tabi.. ngunit agad ding sinasabi sa kanyang sarili na isang kalokohan ang lahat.. isa siyang halimaw... kahit kailan ay di siya pag-uukulan ng pagtingin ng isang dalaga na tulad ni Divina..!

napahinto sa masayang pagkukwento ang dalaga ng mapansing tahimik sa kanyang tabi ang binata.. gamit ang munting liwanag mula sa apoy.. takang inaninag ng dalaga ang binata sa kanyang tabi.. 

bahagyang naguluhan si Divina nang makitang titig na titig ang binata sa kanyang mukha..  " Hiisi . bakit.?"  takang tanong ng dalaga.

Unti unting kumabog ang kanyang dibdib ng dahan dahang humaplos sa kanyang pisngi ang maiinit na palad ng binata.. tinangka niyang sawayin ang binata ngunit bigla nitong hinawakan ang kanyang bewang at hinalikan. 

sa pagkagulat ay agad niya itong itinulak ngunit napahiga siya at sinamantala naman ito ng binata.. hawak ang magkabilang pulsuhan patuloy na hinalikan ng binata ang nakaawang na labi ni Divina..!

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon